Chapter 1: Saya ng Personality Test!
2007:
“Hello, ako nga pala si Janice Hernandez from College of Arts and Sciences. I’m majoring in Psychology and right now meron kaming Personality Test. Since available naman kayo, why don’t you join us?”
Ano daw?
Ako nga pala Frances Sanchez, freshman, Accountancy ang major ko at kasalukuyang nagpapahinga kasi absent ang professor namin. In short, nandito ako sa study area, nagpapalipas ng oras at inaantay ang susunod na klase.
“Tara na Fran,” yaya sa akin ni Sandra. Nauna nang naglalakad si Timmy kasama yung Psychology student. Si Sandra at Timmy ay mga barkada ko sa university.
“Ano bang meron?” tanong ko kay Sandra habang naglalakad kami papunta sa Arts building.
“Hindi ka ba nakikinig? Meron daw Personality Test, kelangan nila ng respondents” explain naman ni Sandra. “Nakita nila kasi tayo na nakatambay lang dun kaya eto nayaya nila tayo.”
“Ha, bakit nila tayo kinuha?” clueless pa din na tanong ko. Wala talaga akong naiintindihan dun sa sinabi nung babae. Antok na antok kasi ako. ( ̄_ ̄)
“Para daw malaman kung gaano na kalala yang kabaliwan mo.”
“Hindi ako baliw noh!” (-3-)
Nakarating na din kami sa Arts building. Grabeh, kakapagod umakyat. Bakit ba naman kasi nasa 4th floor yung classroom nila tapos wala man lang elevator. Hingal na hingal tuloy ako nung makarating kami sa taas.
“Isulat ninyo po ang pangalan nyo dito sa papel, tapos tatawagin po namin kayo isa-isa para pumasok sa loob.” sabi nung isa pang Psychology student. Nasabi ko yun kasi puti din yung uniform niya eh.
Nauna nang nagsulat ng pangalan si Timmy at Sandra. Nahuli ako kasi hindi ko makita ballpen ko.
“Oy Timmy, peram ballpen,” kinuha ko yung ballpen na hawak ni Timmy.
“Wag mong ibagsak, G-tech kaya yan.”
“Okay.”
“Uy Timmy ang pogi oh,” kalabit ni Sandra kay Timmy.
“Ay, oo ang tangkad!” tuwang tuwa namang komento ni Timmy.
“Hindi yan matangkad, sadyang maliit ka lang,” sabi ko kay Timmy habang sinusulat ang pangalan ko sa papel.
“Ayos mo Fran ah. Tignan mo matangkad kaya talaga siya.” Hinila pa ni Timmy manggas ng uniform ko. Kaso paglingon ko nakatalikod na si Mr Tangkad. Well, in fairness matangkad talaga siya. Pero sanay ako makakita ng matangkad, kasi matatangkad ang lahi namin sa side ng tatay ko. Hindi katulad ni Timmy na kinapos sa height, na kapag nakakita ng matangkad eh namamangha agad. Kaya nga ang saya ko kapag kasama ko tong mga to, feeling ko ako pinaka malaki, kasi sa pamilya ko, ako naman pinaka maliit.
“Ah, miss tapos ka na sa attendance?” tanong ng isang studyante sa akin na ang tinutukoy eh ang hawak ko na papel. Isa din siguro siya sa mga participant.
“Oo, tapos na.” inabot ko na sa kanya yung papel at umupo na lang kami sa may gilid ng corridor. Tinuloy ko na lang yung nilalaro kong games sa cellphone. Matapos ang mahigit sampung minuto nagsimula na silang magtawag ng pangalan.
Natawag na sila Timmy at Sandra, inaantay ko na ako yun susunod na tawagin pero bakit parang hindi ko narinig pangalan ko? HInayaan ko lang si ate na magtawag pero nung napansin ko na dalawa na lang kami ni Mr Tangkad eh nagtaka na ako. Nilapitan ko yung may hawak nung attendance sheet.
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Teen FictionAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...