Bakit kasi ang liit ng mundo?

60 3 2
                                    

Chapter 12: Bakit kasi ang liit ng mundo?

                Hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang nakalipas pagkatapos nung karaoke party namin. Mahigit isang linggo na din akong nililigwan ni Markus. Friday na ulit at may usapan kami nila Timmy na maggo-grocery pagkatapos ng trabaho. Palinga-linga ako sa paligid noong naglalakad ako papunta sa powder room. Aaminin ko na inaabangan ko ang muli naming pagkikita ni Vanessa. Kung natanggap siya, at dito na magsisimula magtrabaho sa kumpanya, sa ayaw at sa gusto ko, magkikita at magkikita pa din kami. Maganda na yung hanggat maaga eh nasanay na ako. Pero walang nagpakita sa aking Vanessa. Bakit kaya? Hindi kaya niya tinuloy yung application niya?

                Feeling mo naman Frances na nagback-out si Vanessa dahil sayo. 

                “Frances!” tili ni Timmy pagkapasok sa powder room. “You wouldn’t believe it. I saw Vanessa kanina sa HR.” Kilala nila Timmy si Vanessa, dahil bukod sa roommate ko ito, eh naging classmate din nila si Vanessa sa ibang subjects noong college.

                “Really?” tanong ko na kunwari ay nagulat. So, hindi pala ako namalikmata lang noon. “Dito na din siya magtatrabaho?” Oh, please, huwag naman.

                “Hindi. Dun siya sa Insurance department, sa kabilang building, pero sa atin lang siya magte-training.”

                Tumango-tango na lang ako. Kadalasan ay dalawang linggo ang traning ng isang junior. Ibig sabihin ba noon dalawang linggo ko din siya makakasama sa opisina namin?

                “Nagtataka lang ako diyan kay Vanessa,” simula ni Timmy habang nag-aayos ng buhok. ‘Hindi ba super close kayo nun dati? Bakit parang bigla na lang siya nawala after graduation?”

                “Sabi nabuntis daw yun,” sabi ni Princess na nakikinig pala sa usapan namin. “Totoo ba yon ha Fran?”

                “E-ewan ko. Kahit naman kasi sa akin hindi na nagparamdam si Vanessa.” Sabi ko na lang.

                “Pero, mukha naman siyang okay. I mean parang wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya ka-kuwela nung kinausap ko siya kanina. Kinakamusta ka nga eh.”

                “T-talaga? A-ano naman sinabi mo?” hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa mga sinabi ni Timmy.

                “Sinabi ko na luma-love life ka na.” tumatawang sagot naman nito.

                “Tara, bilisan na natin at nang makarami na tayo.” Sabi naman ni Princess na nauna nang lumabas ng banyo.

                “Kelan mo balak sagutin si Markus?” tanong ni Princess. Nasa loob kami ng supermarket at kasalukuyang namimili.

                “Hindi ko pa alam.” ( ̄_ ̄) Wala sa loob na sabi ko.

                “Ha?” biglang lingon sa akin ni Timmy na nauunang maglakad. “Bakit hindi mo pa alam?”

                “I mean, hindi ko pa kasi alam kung handa na ako magboyfriend.” Palusot ko naman.

                “Hello, bente tres kana. Hindi mo alam kung handa ka na magboyfriend? Yung iba nga diyan ten years old pa lang may jowa na!” sabi naman ni Princess.

                “Para kasing hindi pa din ako makapaniwala. Parang ang bilis kasi nang pangyayari. Hindi ko naman akalain na magiging ganito ang simpleng pagsinta ko kay Markus. Masaya na kasi ako noon na pinapantasya ko siya sa malayo. Ngayon kasi parang panaginip lang lahat.” Kinurot ako ni Princess sa tagiliran. “Aray naman!” (¬‿¬)

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon