Chapter 2: Crush Ko Siya?!
Midterm na at bayaran na ng tuition fee. Kahit na scholar ako ng school, may binabayarad pa din ako na miscellaneous fees kada semester. Konti kembot na lang at matatapos na 2nd sem, sa susunod na pasukan second year college na ako. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang nanay ko ay sumakabilang buhay na, ang tatay ko naman ay isang PE teacher sa isang private school sa amin sa Laguna, na siyang tumataguyod sa aming magkakapatid. Kahit hindi kami mayaman nakapagtapos ako ng high school sa private school kasi doon nagtuturo ang tatay ko. Nakakuha kaming magkakapatid ng scholarship. Ako, dahil anak ako ng tatay ko, yung dalawa kong kapatid mga varsity naman. Maalam naman ako sa mga sports, yun nga lang sa daming sports na alam kong laruin, hindi man lang ako nag-excel kahit sa isa. Kaya ayun, hindi ako makapasok pasok na maging varsity, lagi na lang akong reserved player. Kaya ngayong college, hindi ko na inasam na maging varsity, nagconcentrate na lang ako sa academics at hayun kahit papaano eh nakapasok at nakakuha ng academic scholarship sa isa sa mga malalaking pribadong unibersidad sa Maynila. Ayun lang, meron pa din kaming babayadan kaya’t heto nakapila ako sa cashier na pagkahabahaba.
Nagugutom na ko. (╥_╥)Yung sukli kasi sa pambayad ko ang panglunch ko ngayong araw, at alas dos na ng tanghali eh hindi pa din ako nakakapagbayad. Last day kasi ng bayadan ngayon. Buti pa sila Timmy at ibang kabarkada ko maagang nakapag bayad.
Tiningnan ko yung mga estudyanteng nakapila kagaya ko. Kanina pa kami dito ngayon ko lang sila natignan. Hindi kasi ako mahilig tumingin sa paligid, lalo na sa mga tao kapag hindi ko naman kilala Kaya lagi akong napapa-away noong high school, sinasabihan nila ako na snob na hindi naman daw bagay sa mahirap na tulad ko. Hay, mga anak mayaman talaga.
Nakita ko yung classmate ko nung high school, Si Erin. Naging seatmate ko siya dati. Ang laki nga ng ginanda niya ngayon. Ang alam ko BS Architecture ang kinukuha niyang course. Ang galing naman. Dati kasi mahiyain sya eh. Ngayon sumali siya sa Ms University at nanalo pa bilang 2nd Runner Up. I’m so proud of her. Dati kasi inaaway siya ng mga classmate ko. Well, kaming dalawa pala yung inaaway, hindi lang siya. Si Kathryn nga lang ang kakampi ko noon, at tanging nakakaintindi sa akin.
May mga kasama siyang classmate siguro niya. Nagtatawanan sila eh. Nagtataka lang ako, bakit sila sumasabay magbayad sa last day eh mayayaman naman sila. Puwede naman sila magbayad ng advance, sumasabay pa sila sa pila. Lalo tuloy humaba. Haay!
Parang familiar yung isang kasusap niya na lalaki. Matangkad at guwapo.
Syet na malagket! (0_0) Si Mr Tangkad! So, architecture pala kinukuha niya.
Nakikipag tawanan si Mr Tangkad sa grupo ni Erin. Boyfriend kaya siya ni Erin?
Huwag naman sana. Hala! Saan nanggaling yun?
Ngayon ko lang natitigan nang maigi si Mr Tangkad. Pogi pala talaga siya. Kahit may balbas siya nakikita ko pa din yung dimples niya nung tumatawa siya. Tapos parang ang saya niyang kasama kasi ang kulit niya eh.
Napatingin si Mr Tangkad sa direksyon ko. Bigla akong nagbawi ng tingin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Crush ko na ata siya! (>_<)
<3 <3 <3
Summer na pero hindi ko pa din makalimutan si Crush. Well, hindi na siya Mr Tangkad ngayon kasi crush ko na siya. Oo, inaamin ko na, crush ko na siya! Akala ko jino-joke lang ako nang sarili ko pero nung mga sumunod na araw na nakikita ko siya sa school eh iba na talaga nararamdaman ko. Hindi ko siya araw-araw nakikita kasi magkaiba kami ng department, pero minsan nakasabay ko siya palabas kasi magkalapit pala yung dorm namin. At minsan ko na din siya nakasabay sa bus station pauwing Laguna. Bakit ba kasi hindi ko pa siya napansin noon? Well, hindi naman talaga ako namamansin dati in the first place. Ah basta!
Hinanap ko siya sa Friendster account ni Erin. Ayun hindi naman ako nagkamali, friends nga sila. Nagbibigayan pa nga sila ng testimonials eh.
Markus Ferreira, 2nd year BS Architecture. Taga Laguna din siya at malapit lang sa amin. Dun pa siya nag graduate ng elementary sa school na pinagraduate-tan ko ng high school. Sa public school kasi ako ng elementary nagtransfer lang ako sa private school na pinagtuturuan ni tatay nung high school na ko. Nagtransfer naman siya sa Alabang nung high school. Sayang! 6’2 ang height niya at nag-pa part time model. Wala pa siyang isang taon na nagmo-model pero lumabas na siya sa ilang fashion shows at magazine. Kaya pala sabi ni Sandra eh parang familiar kasi nakita na niya siguro noon.
Para akong stalker. (─‿‿─)Tinitignan ko yung mga pictures niya, at kinikilig naman ako! I mean , I had crushes before. Pero yung mga crush ko noong high school eh yung mga nerd sa klase, yung mga puro talino lang pero hindi guwapo. Ngayon lang ako nagka-crush ng guwapo. Matangkad, mayaman, at guwapo. Grabe, parang typical prince charming lang. I usually don’t fall for those kinds of guys. Mas mahalaga kasi sa akin ang character at personality ng isang tao. Pero ano magagawa ko kung naging crush ko na siya?
“Hoy Fran!” tawag ng tatay ko. “Kanina ka pa diyan sa harap ng computer. Pumunta ka nga dito at tulugan mo ko magluto ng tanghalian.”
“Pano tay, puro lalaki tinitignan ni ate sa internet.” Sabad naman ni Penny. Bunso namin at kasalukuyang 2nd year high school.
“Mind your own business Pen.” Sabi ko na lang.
“Guwapings ate ah. Dun din ba yan nag-aaral sa university?” tanong ni Zach. Tinitignan pa yun picture ni Crush sa monitor. First year college na kasi ito sa pasukan at dun din mag-aaral sa university na pinapasukan ko. Nakuha kasi siyang varsity ng basketball.
Ni-log out ko na yung Friendster account ko. “Puwede ba, pag ikaw na nagbabasa ng porn hindi kita pinakikialaman, tapos ako nagpapantasya lang nakikialam ka na!”
“Tay! Si ate at kuya kamunduhan na pinag-uusapan!”
0_o 0_o 0_o 0_o
Ano po sa tingin ninyo?
Please follow, fan and comment.
http://www.wattpad.com/user/YutomiMei
https://www.facebook.com/yutomi.mei
Twitter: @YutomiMei
Salamat! ♥
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Teen FictionAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...