Chapter 14: Kasi tinawag niya akong Yuri (Flashback)
Madaling-araw na pero hindi pa din ako makatulog. Kahit pagod sa biyahe, yung diwa ko naman gising na gising pa din dahil sa nakita ko kanina.
Darwin Acosta.
Pagkatapos ng insidente sa lobby, lagi na akong ginugulo ni Darwin noon. Nung una naiirita ako, pero nung nagtagal medyo kinikilig na din ako. Siyempre, babae pa din naman ako. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung meron kang masugid na manliligaw, na bukod pa sa pagiging guwapo ay talaga namang napaka thoughtful at maalaga. Pakiramdam ko prinsesa ako nung nililigawan niya ako. Akala ng mga kaibigan ko tumigil na si Darwin Acosta sa panggugulo sa akin nung mag-intern ito sa New York, pero hindi nila alam na nagpapalitan kami ng e-mails at madalas itong magpadala ng sulat at postcards. Tinotoo ni Darwin yung pangako niya bago siya umalis na babalikan niya ako. Nagsimula ang lahat pagbalik niya galing New York. Summer iyon bago ang senior year namin. Nag-enrol siya ng summer classes samantalang nagpart-time job naman ako sa school…
Summer 2009
“Hi Yuri!”
Nagulat ako sa biglang pasulpot ng isang lalaki sa harapan ko. Naglalakad ako papuntang registrar’s office. Nakakuha ako ng summer job sa school sa tulong ni Vanessa. Nag-iipon kasi ako pambili ng bagong laptop. Kulang pa yung isang taong ipon ko eh, kaya kailangan mag-side line. (∩_∩)
“Na-miss mo ba ako?” tumaas taas pa ang kilay nito. Si Darwin Acosta, ang panggulo sa buhay ko. Sinabayan niya ako sa paglalakad.
“Sana hindi ka na bumalik. Dun ka na lang sa New York, naging masaya pa ako.” Sabi ko na lang at pinagpatuloy ang paglakad. Pero sumusunod pa din siya sa akin. “Puwede ba, huwag mo ako sundan.”
“Feeling mo naman,” binuksan nito ang pinto ng registrar’s office at naunang pumasok. “mag-e-enrol kaya ako.” Dumerecho na ito sa officer para mag-pa asses.
“O, Darwin, kamusta naman ang pag-intern mo sa New York?” tanong ni kuya Henry. Isa siya sa mga officer-in-charge ng Registrar’s office. Dahil doon ako nagdu-duty at si kuya Henry pa ang boss ko hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila.
“Masaya po!” nakangiting sabi nito. “Ang lamig nga lang. Saka na miss ko ng sobra ang Pinas.”
“Sus, sigurado akong maraming babae naman doon ang naloko mo.” Biro pa ni kuya Henry.
“Yun na nga po eh,” nagkamot pa ito ng ulo. “Ang daming gustong magpaloko sa akin.”
Grabe ang presko talaga! Gusto kong ibato sa kanya ang hawak kong ballpen.
“Iba talaga charisma mo eh ano?” pagbibiro pa din ni kuya Henry.
“Ewan ko nga ba pero ayaw gumana ng charms na iyon ngayon, kung kailang kelangan ko. Kahit isang taon ako sa New York kuya Henry, isang babae pa din ang kinalolokohan ko.”
Sa sinabing iyon ni Darwin, hindi ko napigilan na mapatingin sa direksyon niya. Pero para naman akong matutunaw sa tingin na binibigay niya sa akin. Bigla akong nagbawi ng tingin. Sinubukan kong ibuhos lahat ng atensyon ko sa ginagawa ko pero sablay pa din. Kasalaan mo ito Darwin! (¬‿¬)
BINABASA MO ANG
Confusing Dilemma
Teen FictionAno ang unang pumapasok sa isip mo kapag gusto mo ang isang tao (opposite sex)? a. Crush ko na siya! b. Attracted ako sa kanya! Ang pogi! c. Infatuated, kasi nakakabaliw siya! d. Obsessed na ako. Stalker pa! e. Sealant. Gagawin ko siyang panakip-but...