Katotohanan sa likod ng kuwento ko

59 2 0
                                    

Chapter 13: Katotohanan sa likod ng kuwento ko

2 years ago:

                   Ang bilis ng lakad ko. Ayokong maabutan ako ng taksil na iyon. Wala akong pakialam kahit umuulan pa, basta mahalaga makaalis ako sa lugar na iyon. Basang-basa na ang uniform ko at puro putik ang sapatos ko pero hindi iyon naging hadlang para tumigil ako sa paglalakad at sumilong.

          “Frances, wait!” naabutan na niya ako. Hinawakan niya ako sa balikat at pinilit na ipihit paharap sa kanya. “Please, hayaan mo naman ako na mag-explain.”

          “Explain? Ang linaw nang nakita ko. Hindi na kailang pa ng explanation.” Pinilit kong makakawala sa pagkakahawak niya. Pero animo bakal ang mga kamay niya na ayaw bumitaw sa akin. “Lubayan mo na ako, pakiusap.”

          “Hindi ako titigil hanggat hindi ka nakikinig sa akin.” Pagpupumilit pa din niya. “Hindi ko alam ang kung paano iyon nangyari, pero—“

          “Tignan mo, hindi mo pala alam kung paano nangyari, paano mo maipapaliwanag iyon?” sarkastikong sabi ko sa kanya.

          “Ang hirap kasi Frances, pero kung bibigyan mo ko ng pagkakataon para patunayan ko sayo na malinis ang konsensya ko—“

          “Wala, wala ka naman dapat patunayan eh.” Naghalo na ang ulan at luha sa mga mata ko. “Matagal ko nang alam ang reputasyon mo pagdating sa mga babae. Alam ko na kapag tinanggap kita sa buhay ko, sa bandang huli ako lang ang matatalo. Umpisa pa lang sinabi ko na sa sarili ko na walang magandang katapusan kung ano man meron tayo. Pero sobrang sakit pa din eh. Ang sakit-sakit.”

          “Frances, please.” Hindi ko alam kung umiiyak na din siya o epekto lang iyon ng ulan. Pero garalgal na din ang boses niya. “Nahihirapan ako kapag nakikita kitang nasasaktan.”

          “Ayaw mo kong makitang ganito? Puwes, huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan!”

          “Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko.” Patuloy na pakiusap nito. “Pagkakataon na ayusin ang problema na ito. Frances, magtiwala ka naman sa akin.”

          “No! Tama na! Ayoko na!” pinagsusuntok ko siya sa dibdib, hindi naman niya ako pinigilan. “Of all people, bakit siya pa? Bakit siya pa?! Bakit ang bestfriend ko pa?!” Pakiramdam ko para akong nauupos na kandila. Niyakap niya ako, pero nagpumilit pa din ako na makakawala sa mga bisig niya.

          “Frances, ayus natin ito. Ayoko mawala ka sa akin. Hindi ko kaya—“

          “Puwes, kayanin mo.” Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

          “Mahal na mahal kita, Frances.”

          “Ako hindi. I hate you. I hate you Darwin Acosta!”

<3 <3 <3

          “Ate!” ang tawag na iyon ni Penny ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.

          “Ate!” humihingal pa sa sabi nito. “Kanina pa kita hinahanap. Tumatawag ako sa iyo, hindi mo naman sinasagot phone mo. Saan ka ba galing— Umiiyak ka ba?”

          “H-ha? Hindi. Sumakit kasi ulo ko. Umalis muna ko doon kasi parang naninikip dibdib ko.” Pagdadahilan k okay Penny, Medyo na na-guilty ako nung makita kong nag-aalala siya.

          “Okay ka na ba ate? Kasalanan ko ito kasi masyado kitang pinagod. Kailangan na kiatng dalhin sa ospital?” halatang medyo nagpa-panic na ito. Hindi ko napigilang matawa.

          “Okay na ako. Siguro gutom lang ito.” Sabi ko na lang.

          “Are you sure?” hindi pa sin mapalagay na tanong nito. “Sige, sabihin mo lang kung saan mo gustong kumain.”

0_o 0_o 0_o 0_o

Ayun nga, so may something something pala talaga kay Darwin at Frances? Ano ba talaga nangyari noon? Sa next chapter na po iyan. J Stay tuned!

Ano po sa tingin ninyo?

Please follow, fan and comment.

http://www.wattpad.com/user/YutomiMei

https://www.facebook.com/yutomi.mei

Twitter: @YutomiMei

Salamat! ♥

Confusing DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon