Chapter 9 - the date part 1

189 5 2
                                    

Three weeks na ang nakalipas mula nung nagstart na akong pumasok sa school at syempre nakapag-adjust na din ako sa mga subjects ko. Nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan bukod sa bestfriend kong si Kim at nagstart na din ako maghanap ng partime job.

Oo partime job nga. Kahit mayaman si tita nakakahiya din kung lagi ako aasa at hihingi ng pera sa kanya. Gusto ko din kase makatulong kahit pang gastos ko man yung kikitahin ko at sa kapatid ko. May sariling diskarte din ako no.. tsaka para narin makapag-experience ako.

Kamusta naman daw mga araw ko sa school?

Ayun, ganun pa rin. Minamalas lagi.

Hindi na din ako pinapansin ni Ryan mula nung araw na nagkasagutan kami ni Amanda.

Ouch!

Akala ko pa naman mabait sya hindi pala. Feeling ko tuloy napahiya sya nung tinanong ni Josh if may gusto si Ryan sa akin. Ni hindi na nya ako tinitignan sa twing nagkakasalubungan ang aming landas.

Aray!

One day nakasalubong ko si Ryan sa corridor. Nakita ko ngumiti sya. Bigla nabuhay ang aking puso..

Pero..

Hindi pala sya nakatingin sa akin and especially hindi ako ang ningitian nya.

Isa syang magandang babae. Naglalakad sa likuran ko. I guess mas malaki sya ng isang taon samin ni Ryan. Maputi, makinis ang balat, mukhang model at chinita.. basta napaka perfect nya! Yan pala mga tipong babae na gusto nya. Naramdaman ko yung puso ko parang kumikirot sa sakit. Hay.

Si Josh naman.. ayun

lagi ko na din nakikita. Hindi na din sya nagi-istay sa condo nya.

Alam nyo kung bakit?

Nalaman ko na may pagka-playboy din pala ang gago. Dumating sa point na yung Dad nya naisipan nya controlin si Josh, so ayun pinuntahan sa condo nya. Eh si tito wrong timing kaya ayun nahuli si yabang na nagiinom kasama mga babae nya. Nagalit si tito George at syempre pati narin mom nya kaya napag-desisyonan nila na babalik na ulit sya sa poder nila ng tumino tino naman. Tsaka kaya daw nila sya kinuhanan ng condo para maging responsabile sya. Pero sa halip na maging responsable naging iresponsable naman sya.

Kaya no choice.

Pati pagdating sa bahay nakikita ko pagmumukha nya sa twing bukas ang pinto ng balcony ng kwarto ko. Kasi diba magkatapat yung kwarto namin.

Minsan napapag-tripan din ako ng gagong yun pagtinotopak! Minsan nga gusto ko na talaga basagin pagmumukha nya sa sobrang yabang! Pinagkalat din kasi nya na may gusto ako sa kanya. Grabe ha ang kapal! Kaya pati sina Amanda at mga alipores nya tinitira nila ako dahil gusto ko daw agawin "sa kanila" si Josh!

What?!

Taena, mas gugustohin ko pa mamatay kesa agawin sa kanila si Josh!

tsaka.."kanila" daw si Josh ha.. Wow!

Sa tingin ko nga sila naman yung mga desperada eh at hindi ako!

Anyway, speaking of the devil (Josh), bigla ako nagulat ng niyaya nya ako lumabas kanina.

Yes! He asked me for a DATE..

as in D.A.T.E.

What?!

Simula nung pumasok ako sa school na yon at nakilala sya wala syang ginawa kundi inisin ako, then ngayon niyaya nya ako makipag-date sa kanya? ano nakain nun? ano na naman kayang trip nya?

Siguro kaylangan lang nya mambabae to satisfy his desires. You know what I mean.

"Ano? a date? Asa ka.. AYOKO!" untag ko sa kanya at inirapan ko, then naglakad na ako papalabas ng school para umuwi.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon