Kasalukuyang nasa living room kami ni Trish sa second floor nagawa ng homework kasama si ate Mel na ngayon ay namamalancha. Si ate Gelay naman nasa kusina at nagpe-prepare ng dinner namin. Suddenly the telephone rang. Sinagot ko ito: si tita Lea ang tumatawag. Kinamusta kaming lahat at nagkwento-kwento. Sabi nya mag iistay pa sya sa Seuol for another two weeks because she has a lot of things to do, lalo na papalapit na din ang fashion show nila. Hindi na nakausap ni tita si Jeff dahil lumabas ito para mamili ng foods sa supermarket kaya sabi nya tatawag nalang ulit sya bukas, same time. 1 hour lang naman ang different ng oras dito sa Pilipinas at sa Seuol, 6 pm dito 7 pm naman doon.
After ng tawag ni tita tinulungan ko na si ate Mel sa pagliligpit ng mga damit na pinalancha nya habang sya naman ay niligpit na nya ang palanchahan at pumunta na patungong kusina para tulungan si ate Gelay. Kinuha ko yung aking mga damit at inilagay ko na sa wardrobe ko, then ganon din ang ginawa ko sa mga damit ng kapatid ko. Dadalhin ko na din sana sa kwarto ni Jeff yung mga damit nya ng bubuksan ko na sana ang pinto, pero naka-lock ito. Masyado ma-private kasi yang pinsan ko. Never pa ako nakakapasok sa kwarto nya kahit doon sa lumang bahay, kahit siguro si tita never ko syang nakitang pumasok sa kwarto nya. Bakit kaya? Pero ang ginawa ko kinuha ko yung isang kopya ng susi ng kwarto nya kaya nakapasok ako.
Wow! Ang linis-linis naman ng kwarto ni Jeff! Parang kwarto lang ng babae eh. Mas maayos at malinis pa sya sa akin.
Malaki at malawak ang kwarto nito. Puro puti at itim ang kulay ng mga gamit nya dito. Yung bed sheet ng kama black and white, tas yung carpet nya kulay white. Pati desk nya white, yung chair naman kulay black. tas yung maliit na sofa nya kulay black then yung library at wardrobes naman nya ay kulay puti. Grabe! Ang ayos pa ng lagay ng mga ballpen nya sa desk nya, pati mga papel na nakapatong dito. Parang kada gamit nya may sariling pwesto sa desk nya. Anak nga sya ng isang architect at ng isang designer. Oo Architect si tito Richmond, yung Dad ni Jeff, at sa kanya siguro nagmana si insan kasi BS in Architecture ang degree nya.
I spun around the room, nakita ko yung isa pa nyang desk kung saan nya ginagawa mga project nya sa school about sa pagde-design ng mga bahay, buildings etc. Pati din dito maayos ang pagkakalagay ng mga papel at mga lapis. Grabe!
"Ate, I'm done with my homework, can I play now?" Trisha asked and I nodded. Pumasok din sya sa kwarto ni Jeff habang nag iikot din to dito. Ako naman inilagay ko na sa wardrobe ni insan ang kanyang mga damit, nung binuksan ko ito hindi na ako nagulat, kasi pati mga damit maayos din ang pagkakalagay. Parang si Joaquin lang sa Got to believe? Haha. Napailing na lang ako at napangiti.
"Ate, look! Who's this girl? Is kuya Jeff's girlfriend?" she asked with enthusiastic. "ang ganda nya, ate oh" She added. Napakunot noo ako sa pagtataka kaya lumapit ako kay Trisha na kasalukuyang tinitignan nya ang mga nakahilirang pictures sa may bedside table sa tabi ng kama ni Jeff. I bent forward para tignan ng maigi ang mga pictures dito. Nakita ko ang family pictures nila ng mom and dad nya, then picture naming dalawa nung mga bata pa kami. Ang cute ko dito ah! Siguro mga 6 ako dito at si insan naman ay 7. Naka akbay sya sa akin habang nakangiti at ako naman todo ngiti ko halos nakapikit na nga ako eh tas kita pang bungi ako dito. Haha
Then something catched my attention. May dalawa pang picture frame ang naka display dito, I guess same person ang kasama nya dito. Mas nilapit ko pa ang aking mukha sa dalawang pictures.
Huwaw! Ang ganda nga nung girl. Natural beauty sya parang si Kathryne Bernardo lang? Kaka-inggit naman! haha. Sino kaya sya?
Maputi ito at medyo chinita, tas matangos ang ilong at mukhang makinis ang kutis. Siguro mas matangkad sya ng konti sa akin. Ang height ko kasi ay 5.6 sya siguro mga 5.7. Sino kaya sya? Girlfriend siguro? Kasi nakaakbay sa kanya si Jeff, sya naman halos nakayakap na sya sa kanya and they looked happy together. Pero never ko pa sya nakikita at never pa nababanggit ni Jeff ang babaeng to. Kung may girlfriend naman si Jeff sasabihin naman nya sa amin diba? Pero bakit wala sya kinekwento or pinapakilala sa amin? Hindi kaya ex nya? Napaisip tuloy ako. Napansin ko lumabas na pala ng kwarto si Trish kasi wala na sya dito. Nagtingin tingin pa ako ng mga drawings ni Jeff na naka-frame at naka-display sa wall. Ang galing talaga ni insan! Mag pinsan nga kami. Magaling din ako mag drawing pero mas magaling sya sa akin.
BINABASA MO ANG
You've Changed my Life (On-going)
Humor"It's crazy, right? To love someone who hurts you.." she paused with her blank expression in her face while she's looking on the horrizon. "but it's even crazier to think that someone who hurts you, loves you more than anything." she softly smiled...