Chapter 15 - trouble in the air part 1

144 3 1
                                    

"Bestfriend!" a familiar voice shouted from my back. Lumingon ako dito at nakita ko si Kim tumatakbo papalapit sa akin. Tumigil ito sa harap ko na humihingal marahil malayo ang tinakbo nito. "Oh, mukhang malayo ang tinakbo mo ah..mga ilang kilometers? 1? 2?" natatawang sabi ko. Tumingin ito sa akin habang medyo hinihingal pa ito at itinuro nya ako. "What me?" inosente kong tanong.

"Kanina pa kita tinatawag, pero hindi ka lumilingon! Grabe ang bilis mong maglakad!" kumunot noo nito habang kinuha ang isang bote ng water sa kanyang bag at ininom nya ito. "Ano na naman ba problema mo, girl? Kung makapaglakad ka kala mo galit na galit ka na naman sa mundo." umiling-iling ito habang uminom ulit ito ng tubig. Sumimangot naman ako kasi naalala ko na naman ang dahilan kung bakit badtrip ako ngayon. "Tsaka bakit hindi ka pumasok sa subject ni Mrs. Maligalig? May bago pa naman tayong kaklase. Ang gwapo nya infairness." hindi ko nalang sya pinansin at umalis nalang ako.

-

Kasalukuyang naglalakad kami ni Kim sa corridor patungo sa locker namin. Habang naglalakad kami patungo doon kinwento ko sa bestfriend ko lahat ng nangyari mula kaninang umaga hanggang dun sa pagiging alipin ko kay Josh for 1 month.. Este 2 months.

"Really?" she shouted with surprise at napatingin ang iba naming ka-schoolmate. "Huwaa.. ang swerte mo, Alex!" excite na excite na pagkasabi nito habang inilagay nya mga kamay nya sa pisngi nya at maririnig nyo nalang ito na umiirit sa kilig. Sira ba sya? Sya pa nga tong takot na takot kay Josh, now kinikilig pa sya? Masaya pa sya na magiging alipin ako ng gagong yun? Anong klaseng bestfriend ka, Kim? Ha? Sabihin mo nga?

"Anong kinatutuwa mo doon? Ha? Magiging utusan na nga ako ng gagong yon tas natutuwa kapa dyan." masungit na pagkasabi ko habang inaayos ko gamit ko sa locker ko.

"Eh syempre naman Alex, si Josh ang pinag-uusapan dito. Sya ang pangarap ng kahit na sinong babae dito. Isa sya sa pinaka kilalang nilalang dito sa University natin. Isa syang frat-man, volleyball player, part din sya ng student council, top 3 sa dean's list, so handsome, so hot.." I suddenly cut her off ng bigla ako nagsalita. "..so yabang, so feeling cool, so gago, napaka playboy, hearbreaker-" hindi ko na naituloy yung mga nililista kong adjective about kay Josh ng nakita kong tinaasan nya ako ng kilay. "Sus! Baka mamaya bawiin mo yang mga sinasabi mo." natatawang sabi nito habang may inaayos din sya sa locker nya.

Chè! Never yun mangyayari! NEVER! kahit.. kahit crush ko sya. Slight lang naman.

I shook my head to clear my stupid thoughts at may kinuha akong libro sa locker ko. May mga ibang estudyante dito maliban sa amin ni Kim, yung iba ngayon ko lang nakita at yung iba kaklase ko sa ibang subject.

Nung sinarado ko na locker ko napatingin ako kay Kim, na kasalukuyang nakasandal sa isang locker katabi ng sa akin and she looked at me, she raised her eyebrow at nilapit nya mukha nya sa akin. "Meron ka pang hindi nak-kwento, Miss Camara." tinitigan ako nito marahil naghihintay ito ng aking sagot. Inirapan ko lang sya at naglakad na patungo sa next subject namin. "Hoy, Alexa Fae Camara! kinakausap pa kita!" pagkukunwari nyang galit sa akin habang sinundan nya ako. Alam ko naman na hindi sya marunong umarte like me. Haha kafal ko. Nakakatawa lang sya. "Mamaya ko nalang sayo ikkwento, Kim." aniya ko habang deredretso ang aking paglalakad sa corridor, sya naman halos tumatakbo na to sa likod ko habang sinusundan ako nito. Same subject kasi kame ngayon. "Baka malate pa ta-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng nakita ko sa harap si..

si AUSTIN.

Napatigil din ito sa paglalakad ng nakita nya ako. Napatulala naman ako sa kanya. Nagulat din ako dahil hindi ko akalain dito din sya papasok. Hindi ko akalain paninindigan nya yung pag iistay dito sa Pilipinas..

Bigla naman ako nasagi ni Kim sa kaliwang braso sa pag bigla kong pagtigil sa paglalakad. "Aish..bakit ka tumigil, Alex?" nakakunot noo itong tumingin sa akin, pero hindi ako kumibo at napansin nya na may tinitignan ako sa harapan ko. Nakita ng peripheral vision ko na napatingin din to kay Austin.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon