Chapter 27 - Heartless

67 7 22
                                    

Hello readers, silent readers and watty friends! How you doing guys? Sorry if super late ng UD ko, my life outside wattpad was such a busy and stressful one.. Sana maintindihan nyo ako. Pero eto na! :) Hope you'll enjoy it.

Happy reading ^-^

.

.

*****

"Mataas ang lagnat nya, hijo. Kaya kailangan ko tawagan ang kanyang guardians ng sa ganon ay mapauwi na si miss Camara sa kanila at makapag pahinga. Sige iwan ko muna sya sayo." sabi ng isang babae.

"sige po."

Ito ang mga narinig kong usapan nang maimulat ko ang aking mga mata sa puting kwarto.

Ang sama sama ng pakilasa ko kaya hindi ko maintindihan kung nasaan ba ako.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at umupo ako sa kama. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Ang bigat bigat din ng aking katawan. Hindi na ako makatayo at feeling ko matutumba na ako sa isang saglit.

Nang nawalan nga ako ng balance bigla may sumalo sakin.

"Alex!" Napayakap na lang ako sa kanya nang sinalo nya ako.

Sa mga sandaling ito, ikaw ang kailangan ko.

Napatingin ako sa kanya at sya sa akin.

Ang lapit lapit ng aming mga mukha sa isa't isa. Nang matitigan ko ulit ang kanyang mga mata, madaming magagandang alaala ang bumalik sa aking isip. Mga alaala na masarap balik balikan at mga alaala na syang nagbigay kulay sa aking malungkot na buhay.

"Bestfriend!" bigla kami napalingon sa babaeng pumasok sa infirmary room.

"Kim!" mahinhin na sabi ko. Mukhang galing ito sa takbo dahil sa itsura ng kanyang mga buhok. Para gang loka loka na nakatakas sa mental hospital! Hahaha choss!

Ngunit bigla ito napatigil sa may pinto nang makita nya kami na parang magkayakap. Nanlaki mga mata nito at napahawak sya sa kanyang bibig.

Nakoo! Alam na! Umiiral na naman ang pagka green minded ng babaeng 'to. Inalalayan lang naman nya ako dahil muntik na ako mahulog sa kama eh.

"Sorry bestfriend! Hindikokasialamnamay kasamakapala. Tsaka nagalalalangakosayokasinarinigsamga ahsgjsg na ano.. na.." bigla itong hiningal at hindi na makapag salita ng ayos sa sobrang bilis ng pagsasalita nito. Alam nyo yung parang finast forward mo yung kantang pinapakinggan mo? Ganon yung naging reaction ng pananalita ni Kim. Minsan 'tong babaeng to may pag ka OA ang dating eh.

Panira talaga 'to ng moment. May drama atmosphere na nga eh, bigla bigla eepal at gagawing comedy ang sitwasyon. Minsan ang sarap nyang batukan! Promise! Haha

Napabaling ako kay Austin nang nagsalita ito. "Alex, mahiga ka lang sa kama habang wala pa yung susundo sayo. Baka mabinat kapa nyan. Mataas na nga ang lagnat mo eh." sermon naman sa akin ng isang pamilyar na boses habang hinihiga nya ulit ako sa kama.

"Tita is out of the country so walang tao sa baha-y." bigla ako inubo. "I-I will call Jeff nalang." tipid na sabi ko. Kinuha ko sa bulsa ng uniform ko ang aking cellphone nang sa ganon ay matawagan ko si Jeff. Ngunit kinuha nya ang cellphone ko at sya na ang nagvolunteer tawagan sya, then lumabas ito ng silid.

At the meanwhile, lumapit sa akin si Kim at umupo sa gilid ng kama. "Alex, nalaman ko ang nangyari kanina.. Kamusta kana?"

Habang nakatulala ako sa may kisame sinagot ko ang tanong nya. "Sa lagay kong 'to sa tingin mo okay ba ako?"

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon