Chapter 22 - Regret

114 2 8
                                    

It's wednesday today.

Aish! inaantok pa ako. Hindi kasi ako nakatulog buong gabi. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko at hindi ko alam kung bakit bad mood ako ngayon.

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko para mag-prepare na para pumasok. Bago ako pumunta ng cr, may narinig akong ingay ng motor ng kotse sa labas, kaya sumilip ako sa may bintana ng kwarto ko. Nakita ko yung kotse ni Josh papasok ng gate nila. Kumunot noo ko. "San kaya yun nagpalipas ng gabi? tsk.. tyak sa kanyang mga babae! Psh." padabog ko isinara yung kortina at lumabas na ako ng kwarto patungong banyo.

This morning sumabay ako kay Jeff pumasok, kasi parehas yung oras ng pasok namin pero different subjects of course, kasi nga 3rd year sya at ako 2nd year pa lang. Hindi din kasi sumipot yung gagong kapitbahay ko. Weird nga eh. Lagi kasi sya yung kasabay ko papuntang school since nag-date kami one time. Mukhang hindi nga sya papasok ngayon kasi nakita kong nasa garage pa nila ang kotse nya tsaka same subject pa naman kami ngayon. HRM nga pala kinukuha nyang course kasi yung pamilya nya ay taga pag may-ari ng mga luxuries hotels and resorts sa buong Pilipinas at sa ibang bansa. Yaman no? At ang pagkaka-alam ko may private professor din si Josh na nagtuturo sa kanya about sa business. Ang laki siguro ng utak ng lalaksot na yon. Grabe, dami nyang kailangang malaman.

Kasalukuyang naglalakad na ako papasok ng school habang lumilipad isip ko kung saan-saan. Hindi ko alam pero naiirita ako. Feeling ko nalulungkot ako at hindi ko maintindihan kung dahil ba hindi ko kakulitan si Josh o dahil wala lang talaga ako sa mood.

Dahan-dahan akong naglalakad sa corridor na wala sa sarili. Then biglang nag-vibrate cellphone ko na nasa bag at kinuha ko ito dali-dali, umaasa na si Josh ang nag-text. Pero hindi. Si Kenji ang nag-text.

From Kenji:

Bakit malungkot? Dahil ba hindi mo kasama si Bossing? Wag ka mag-alala namimiss ka din nya. LOL

Nung nabasa ko yung text nya kumunot noo ko na may halong pagtataka.

*beep-beep

May text ulit akong na-receive.

From Kenji:

Aba, dali-dali pa nyang kinuha ang cellphone nya oh. Umasa ka siguro na si Bossing nag-text sayo, no? Haha

Lintek na Kenji! Iniangat ko ang aking ulo at tumingin sa paligid ko para hanapin ang pagmumukha ni Kenji. Then nakita ko ito nakatayo at nakasandal sa isang locker habang kumakaway ito sa akin at nakangisi kasama ang mga TPS.

Napailing nalang ako at tumalikod, then pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa klase ko. Hindi ko kasama ngayon si Kim kasi mamaya pang 10 am ang klase nya. Sigh.

Habang naglalakad ako sa corridor may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Nakikipag kwentuhan ito sa isang simple at magandang babae malapit sa hagdan kung saan ako dadaan patungo sa third floor. Hindi ko makakalimutan yung mga ngiti na yan. Hindi ko alam pero medyo kumirot ang aking puso marahil hindi pa ako ready na makita sya na may kasama na syang ibang babae na hindi ako. Tumungo ako at kinuha ko ang aking cellphone para magkunwari na may ka-text ako at hindi ko sya napansin. Ganito nalang kasi ginagawa ko kada nakikita o nakakasalubong ko sya dito sa school. Awkward kasi pag nagkasalubong ang aming mga tingin at ang aming landas.

-

Austin's POV

Kasalukuyang ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng makita ko sa malayo si Alex na naglalakad mag-isa. Dali-dali ako bumaba ng kotse para sundan sya at makalapit sa kanya kahit hanggang tingin nalang ako. Mahal na mahal ko pa sya, pero wala na ako magagawa kundi respetuhin ang kanyang naging desisyon at magparaya. Kasalanan ko din naman kung bakit nasaktan sya at nagbago ang kanyang nararamdaman para sa akin. Sinayang ko yung pagmamahal na ibinigay nya sa akin. Mas binigyan ko importansya ang pride ko kesa sa kanya. I gave up on her and I will regret it for the rest of my life, coz I lost the girl who loved me for who I really am even though she suffered a lot because of my ego.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon