Habang nakatingin ako sa kanya, tumingin din ito sa akin. Nagtitigan kami ng mga ilang segundo. Halos ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa't isa. And then..
HINALIKAN NYA AKO!!
*ladaboomladaboomladaboom
Huwaw! Ang lambot lambot ng kanyang mga labi! Omg! Nananaginip lang ata ako. Sana hindi na ako magising! Waa.. my Mr Chinito is kissing me!
"Alex!"
Uh? Bakit ko naririnig boses nya, eh kahalikan ko pa sya? Nababaliw na ata ako.
"Alex!"
Uh? Weird na talaga to, bakit ko sya naririnig. Impossible naman nakakapagsalita sya habang hinahalikan nya ako?
"Alex, wake up!" he exclaimed habang niyuyogyog nya ako.
Unti-unti ko inimulat ang aking mga mata at nakita ko si Ryan. Nakasandal ako sa kanyang mga braso habang nakaupo kami. "Alex, are you okay? Bigla ka nalang nawalan ng malay eh. Gusto mo umuwi nalang tayo?" he worriedly said.
Syet! Nanaginip lang pala ako! Akala ko totoo na. Epic fail pala! tsk
Napatingin ako sa kanya. "Uh? Nawalan ako ng malay?" tanong ko na may halong pagtataka.
"Oo. Tinuturuan lang kita kung pano hawakan ang chopstick then bigla ka nalang nawalan ng malay."
Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko din alam ang dahilan ng pag-collapse ko, then bigla ako nakaramdam ng hilo at gutom. Napatapik ako sa noo. "Oo nga pala! Hindi ako nakapag-dinner kagabi at nakapag-almusal kaninang umaga kaya ngayon medyo nahihilo ako." pagpapahayag ko sa kanya.
"You shouldn't skip meals, Alex!" he said with concerned. "Kasi kailangan mo yan para magkalakas ka. Hindi mo na kailangan magdiet kasi ang payat payat mo na eh." he said while he was taking a spoonful of rice and viand. "Kaya eto ngumanga kana. Say aahh" aniya nya habang sinubuan nya ako. "Kumain ka ng madami para hindi kana mag-collapse. Buti nalang madami akong hinandang pagkain para sa atin. Eto pa oh tikman mo, masarap to. Say ahh.."
Ang sweet nya talaga at ang bait bait. Talagang concern na concern sya sa akin. Tas ang sarap sarap pa ng mga niluto nya.
After nung sinubuan nya ako, kumain na din ako ng mag isa. Kahiya naman kung magpapasubo pa ako buong lunch sa kanya.
Ang dami ko nakain! Halos naubos namin mga dala nyang pagkain. Now I'm full! Sarap naman ngayong matulog.
Inayos na nya yung mga pinaglagyan ng mga pagkain at inilagay na nya sa basket.
Mukhang magkakasipon pa ata sya dahil kanina pa sya bumabahing. Medyo makati daw ang kanyang ilong at ngayon naman daw ay medyo nangangati na rin ang kanyang lalamunan. Pano daw kasi hindi nya naisara ng ayos yung bintana ng kwarto nya kaya siguro nalamigan sya kagabi at ngayon sisipunin na ata sya. Umulan pa naman kagabi kaya medyo malamig. Buti nalang maaraw ngayon.
Tumambay muna kami sa kinauupuan namin sa park at nagkwentuhan ng kung ano ano. May pinakita pa syang picture nya nung bata pa sya. Ang taba pala nya! Nakakatuwa. Parang siopao ang mukha nya! Haha
Sa haba ng oras ng kwentuhan namin bigla may pumatak na tubig sa aking kaliwang braso. Napatingin ako sa langit. Syet! Mukhang uulan ata. Ang itim kasi ng mga ulap. And speaking of.. Unti-unti lumakas ang ulan.
Dali dali ko kinuha yung tablecloth na nakalatag sa damuhan at si Ryan naman yung basket. Tumakbo na kami patungong parking lot, pero sa pagtakbo ko nadulas ako sa may putikan. Hindi ko alam pero natawa ako at pati na rin sya. Sa halip na sumilong kami sa mga restaurant na malapit sa amin, mas lalo pa kami nagpaulan. Naghahabulan pa nga kami eh at naligo na rin sa ulan. Ang saya! Nag-eenjoy talaga ako sa araw na to. Maya maya din medyo humina na ang ulan kaya pinagpatuloy na namin ang pagpunta sa parking lot.

BINABASA MO ANG
You've Changed my Life (On-going)
Humor"It's crazy, right? To love someone who hurts you.." she paused with her blank expression in her face while she's looking on the horrizon. "but it's even crazier to think that someone who hurts you, loves you more than anything." she softly smiled...