Chapter 21 - Ryan

123 4 3
                                    

Hinatid ako ni Ryan sa bahay dahil pinapauwi na ako ni Jeff kasi medyo late na daw para sa akin. Eh 6:30 pm pa lang naman eh. Medyo may pagka-protective at pagka-strikto kasi si Jeff sa amin ni Trish, parang si daddy kung umasta, minsan nakakairita pero naiintindihan ko sya kasi ginagawa lang naman nya ang kanyang responsabilidad bilang kuya namin. Pero kainis! Gusto ko pa makasama si Ryan, my Mr Chinito. ayiieee

Panigurado hindi ako makakatulog nito dahil inimbita nya ako makipag-date sa kanya!

Biruin nyo, sa kanya! as in R.Y.A.N.!! ayieeee

Hindi na pumasok sa loob si Ryan at umalis na ito. Pagkapasok ko ng bahay sinalubungan ako ng kapatid ko at ni Jeff. I guess they're having a good time together. Mahilig kasi si Jeff sa mga bata. Panigurado naglalaro sila ng Princess at Prince, dun mahilig kapatid ko, o kaya bahay bahayan alam nyo na mga pang babae na laro. Ako nung bata mga panlalaki nilalaro ko like taya tayaan, playstation, gameboy etc. tas puro lalaki mga kalaro ko. Nabobored kasi ako sa mga pambabae na laro tsaka lagi ko inaaway mga kalaro kong babae kaya ayon. Si Kim lang ang hindi ko inaaway kasi parehas kami ng interest at may pagka-lalaki din ang dating nya noon. Ang pagkakaiba nga lang namin masyado syang sensitive at weak eh ako palaban kaya ayon. Iba personality namin.

Bago ako umakyat papunta sa kwarto ko tinanong ni Jeff sino kasama ko at naghatid sa akin, sabi ko si Ryan. Nagkataon lang na nasa KFC din sya kaya ayun bago ako umuwi nagkwentuhan muna kami. Then sinabi ko na din kay insan na lalabas kaming dalawa sa sabado. Hindi naman sya nagreact like pag si Josh ang nagyayaya sa akin lumabas. Parang okay lang sa kanya. Weird. Gusto talaga malaman past nilang dalawa ni Josh. One day malalaman ko din yon.

Hindi na ako nag dinner kasi kumain na naman ako sa KFC kaya tinawagan ko nalang si Kim at nagkwentuhan kami. Kinwento ko sa kanya yung tungkol kay Ryan. Kinilig na naman sya. Grabe! Kung makairit parang nanganganak eh. Pero nakakakilig naman talaga eh. Humiga ako sa kama habang kausap si Kim at naalala ko na naman yung scene sa KFC.

*flashback*

Tumahimik kami ng ilang segundo at bigla ulit ito nagsalita. "So kung ganon.."

"So kung ganon.." I nervously repeated it.

"So pwede ba tayo mag-date this saturday?"

Huwaa! Laglag panga ko doon sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na yayayain nya ako lumabas! Shocks! As in..

I softly laughed. "Are you serious? I mean.. a date with me?" I confusingly asked habang tinuro ko sarili ko. So unbeliebabelles! I can't believe that this is happening. One of the most handsome guy here in my school asked me to go out with him. Is this just a dream? Seriously? Is it true? Shocks.

He chuckled. "Yeah, I'm damn serious, Alex. Why? Why shouldn't I go out with you?"

"I don't know.. Because I'm not pretty? I'm not your type? Diba yun naman sinabi mo.." medyo nalungkot ako nung naalala ko yung time na sinabi nya yun nung nagka sagutan kami ni Amanda sa klase. "Tsaka hindi tayo magka-level. Mayaman ka ako nama-" he suddenly cut me off when he touched my hand on the table.

"Listen, Alex. Hindi naman ako matapobreng tao. Hindi sa akin importante kung mayaman o mahirap ang isang tao and I know in the end parents ko pa din magde-desisyon kung sino papakasalan ko in the future para sa ikakabuti ng companya, but hindi ibig sabihin nun hindi ko na pwedeng ipaglaban yung taong mahal ko, yung mamahalin ko." seryoso nyang sinabi mga words na ito. Grabe mas lalo syang naging hot! haha "and about what I said before.. Sinabi ko lang yon dahil.."

Aish! Bitin na naman. Bakit pabigla bigla syang tumitigil sa pagsasalita. Lagi may suspense. Kakatense tuloy. tsk

"dahil..?" I nervously repeated.

Tumingin ito sa akin na walang expresyon. "dahil ni Josh." maikli nyang sagot.

"Ha? Ano na naman kinalaman ni Josh doon?" biglang kumunot noo ko. Naiirita ako pag naririnig ko pangalan ng hinayupak na yon! Agrr.. kaka-highblood!

"because.. he likes you.."

Ok. Shocking face na naman ako. And in that moment tumawag na si Jeff at pinapauwi na ako. So ayun hindi ko na pinahaba at nagpakipot pa at pumayag na ako makipag-date sa kanya this saturday.

*present*

Ryan's POV

I lied to her. I said those things and stuffs about Josh because I had no choice. Ayokong malaman nya na ginagawa ko lang to because I just want to protect her. I invited her to go out with me to take her away from Josh.

Mabuting tao si Alex and I know may mabigat din syang pinag dadaanan. I know cause I saw her crying after arguing with Amanda, she was trying to hide her pain. Matapang syang tao sa labas, but I know deep inside nasasaktan din sya, sensitive na tao din sya. Ayaw ko pa dagdagan mga problema nya kahit alam kong malalaman nya din to someday at higit sa lahat pinsan sya ni Jefferson De Leon, ang bestfriend ni Isabel Lee. Nakakalungkot ang nangyari kay Isabel, she didn't deserve to die like that at dahil doon dun nasira ang pagiging magkaibigan nina Jeff at Josh, and Jeff also left the team.

Ayoko na palalain ang sitwasyon nila ni Jeff at lalo na makasakit pa ulit si Josh ng ibang babae.

I just want to protect her from Josh. Bestfriend ko sya, pero hindi ko na trip mga trip nya. Ang laki talaga ng pinagbago nya. Dati hindi sya ganito. Sobra siguro syang nasaktan kay Kaye, but hindi nya ba magets na baka puppy love yon! He was only 16 when he met Kaye at naging sila for more than 1 year. Then suddenly Kaye broke up with him after she left the Philippines to continue her studies in the States. But after the break up nalaman ni Josh na may iba na pala sya. Since that day hindi na sya naniwala sa Love, dun na sya nagbago. Naging heartbreaker na sya. Madami na din syang sinaktan na babae at isa doon si Isabel.

Hinatid ko na si Alex sa bahay nila at hindi na ako pumasok. I waved my right hand as I bid her goodbye. She smiled at me and went inside the house. She's so cute when she smile and I'll do everything para hindi yon mawala.

Alex's POV

Napahaba na yata pagkekwentuhan namin ni Kim. Naikwento ko na din kasi yung mga nangyari sa date namin ni Josh at sa pag biglang pag dating ni Austin. Naging clear na din sa kanya kung bakit hindi ko pinapansin si Austin sa klase pag nakakasabay nya ito sa pagpasok. Hindi kasi nya alam. Then ayun kinwento ko na din yung about sa kiss. Kinilig na naman ang luka!

Pagkatapos namin mag-telebabad, pinatay ko na ang ilaw at humiga na. Bago ako matulog tiningnan ko cellphone ko. Weird, hindi nagte-text si Josh. Mga ganitong oras kasi kinukulit ako. Pero ano ba pakialam ko?? Inilagay ko nalang cellphone ko sa may bedside table ko at nagkulubong nalang ako. Pero ewan hindi ako mapakali. Tiningnan ko ulit cellphone ko, wala pa ring text nya. Bakit kaya? Then tumunog ito. May text. Inopen ko to pero nag gm lang pala si Kimberly. Sigh

Bumangon ako at pumunta patungong bintana. Sumilip ako sa labas para tingnan kung nandoon si Josh sa kwarto nya pero nakapatay naman ang ilaw nito at mukhang walang tao. Binuksan ko ang pinto ng balcony ko para silipin kung nandoon ang kotse ni Josh, pero wala. Saan kaya nagbulakbol ang mokong na yon? Gabi na ah, 11:30 pm na!

Naalala ko yung sinabi nung babae kanina sa Starbucks. "Oh sige na, Josh. Una na kami at may iri-research pa kami sa library. Basta mamaya, don't be late!"

"Basta mamaya, don't be late!"

"Basta mamaya, don't be late!"

"Basta mamaya, don't be late!"

I shook my head to clear my thoughts at padabog kong sinara yung pinto ng balcony ko. "Kita mo na? Ang playboy talaga!! Aish nakakairita!!" humiga ako ng padapa sa kama at sinubsob ko mukha ko sa unan ko. "Nakakairita ka JOSSHHHH!"

Pero bakit ako ganito?? Bat ko ba sya iniisip?? Bat ko sya hinahanap?? Hindi na talaga to normal!! Huwaa

*soon*

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon