Chapter 25 - I missed you too

98 3 11
                                    

"Alex, anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Kim na ngayon ay nagpapartime job sya sa family restaurant nila ng pamilya nya. Ngunit hindi ko agad sya nasagot kasi malalim ang aking iniisip. "Wag mo masyado kaisipin si Josh, mahal ka din nun no." pagbibiro nya sa akin.

*BOGSH

"Aray!" daing nya, bigla ko kasi inumpog ulo nya sa lamesa. 

Ako? Iisipin yung impakto na yon? Are you kidding me? Mas gugustohin ko pa maglaslas kesa isipin yung gago na yon eh. Psh! Paasa mode lang sya katulad ng mga ibang lalaki dyan sa tabi tabi. May pasweet sweet pa nalalaman, may paghaharana pang nalalaman tapos bigla nalang mawawala. Fvck lang!

Eh ano ba kung ganon? Bakit ba kasi ako apektado? Hindi ko naman sya gusto diba? O gusto ko na ba sya? Hala! Ano ba pinagsasabi ko? Ako magkakagusto sa kanya? Oo aaminin ko naging crush ko sya ng konti. Oo konti lang naman dahil may itsura din naman sya tapos nakita ko din good side nya. Syempre paghanga lang naman yun. Diba pag crush paghanga lang? Pero ang problema hindi ko alam if naging sincere ba sya o ako lang talaga ang assuming? Problema sa akin masyado ako assuming kahit noon pa. Itetext lang ako ng crush ko kilig to the bones na agad ako at iniisip ko agad na type din nya ako tapos yun pala hihingi lang pala sya ng favor sa akin tapos hindi na nagparamdam. Kitams? Napaka assuming ko, napaka feelingera, napaka tanga ko! Kahit ngayon ang tanga tanga ko pa rin. Potek lang oh! Hindi ko alam bakit bigla uminit ulo ko nung narinig ko pangalan nya. Hindi ko alam talaga. Ayoko aminin sa sarili ko na.. pero.. (ayoko banggitin yung iniisip ko baka masuka ako!)

Bigla ko nalang ginulo ang aking mga buhok habang nag interior monologue ang aking isipan.

"Ito naman hindi na mabiro." sabi nya habang hinimas himas nya ang kanyang ulo. Kawawang bestfriend! Haha ang sama ko talaga, sa kanya ko pa talaga binuhos ang pagkainis ko dun sa mokong na yon! "Oh, ano ba kasi gusto mo kainin? Gusto mo ng lasagna with fries? Or pizza margarita yung favourite mo?.." Bla bla bla bla..  May italian foods din kasi dito sa restaurant nila, kasi yung tito nya naging chef sa italy for more than 10 years sa isang galanteng italian restaurant.

"Dalhan mo nalang ako ng coke, hindi pa kasi ako gutom eh." nakakawalang ganang sagot ko.

"Ano na naman ba problema mo, Alex? Teka diba-" hindi na naituloy ni Kim ang sasabihin nya ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at nakita ko number lang ang nakalagay, malamang hindi ko alam kung kaninong number ito dahil hindi nakasave sa cellphone ko. Sinagot ko ito..

"Hello?"

"Hello, Alex?" sagot nung nasa kabilang linya. Mukhang familiar sa akin ang boses nya. Mukhang maedad na rin sya parang kasing edad ni tita Lea.

"Yes? Sino po sila?"

"It's me, tita Mia mo." nagulat nalang ako ng malaman ko na ang tumawag sa akin ay ang mommy ni Josh.

Ha? Bakit kaya napatawag si tita Mia? at saan naman kaya nya nakuha number ko? Ano naman kaya kailangan nya? Hindi kaya may masamang nangyari kay Josh?

Sunod sunod na tanong ng isipan ko.

Okay nagiging OA na talaga.

Kinamusta nya ako at inimbita sa mansyon nila ngayong gabi. Mga ilang araw ko na din kasi sya hindi nakikita eh. Siguro dahil naging busy din si tita sa pag aasikaso sa mga resorts at hotels nila dito sa Pilipinas. Alam nyo na mayayaman masyadong busy sa lahat ng bagay. Wala sila ginagawa kundi magpayaman ng magpayaman. Haha (Kung makapagsalita parang galit na galit ako sa mga mayayaman. Lol)

Niyaya din nya ako tulungan sya sa pagpe-prepare ng dinner. Sinisipag daw kasi sya magluto ngayon eh at niyaya na din nya ako maghapunan doon kasama ang aking kapatid at si Jeff since hindi pa umuuwi si tita Lea galing sa Seoul. Pumayag na ako dahil nagpupumilit kasi sya dahil namimiss na din daw nya ako.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon