Chapter 14 - Alipin

147 3 3
                                    

Pagkarating namin sa school, nagpark si Josh sa may parking lot. May mga estudyante pang dumadaan dito. Paglabas ko ng kotse nya nagsitinginan sa kanya ang tatlong babae na nakikita ko minsan sa cafeteria, yung mga babaeng patay na patay kay Josh.

"Hey girls! Si Josh..look"

"Owmaygosh, so hot, so gwapo. Damn it."

"Hi Josh.."

Napatingin nalang ako kay Josh para tignan ang magiging reaction nya, pero hindi nya lang ito pinansin at kinuha nalang nya ang kanyang packback sa passenger seat at sinarado ang pinto nito. Napabiling ang antensyon ko sa mga malalanding babae at napailing nalang ako. tss.. So pathetic.

"Pero teka, sinong kasama nya??

"Diba yan yung KSP sa cafeteria?"

"Bakit kasama nya si Josh? So irritating!"

"Hindi ba si Amanda ang girlfriend nya?"

What? Mga chismosa mga to ah. Sabunutan ko kayo isa-isa dyan eh.

Napakunot nalang ang noo ko sa mga ito at bigla akong hinila ni Josh. "Tara na, Alex" napatingin ako sa kanya at sumunod sa kanya patungo sa school.

Habang naglalakad kame may mga ibang estudyante pa kaming nakakasalubong at nakakasabay. May iba sa kanila nagbubulungan at pinag-uusapan kami yung iba naman mga kinikilig dahil nakita nila ang pagmumukha ng kasama ko.

Pssh, bakit pa kasi ako sumabay sa lalaksot na to? Pagkakamalan pa akong girlfriend nito at titirahin na naman ako ng grupo ni Amanda.

Iritabli kong binawi ang aking braso na kasalukuyang hawak hawak nito. Napatingin ito sa akin.

"what?" I asked innocently habang kunot pa rin ang noo ko.

"Oh? bakit bigla nagbago mood mo miss? Sungit mo ha." he chuckled at umiiling-iling ito. "meron kaba? uh? at bakit ganyan ka?"

Bigla ko syang tinulak at naglakad na dali dali patungo sa klase ko. Tinignan ko yung orasan ko 8:45 am na. Takte! So late na talaga. Tatakbo na sana ako ng bigla naman ako hinawakan ni Josh sa braso ko.

"Josh, let me go! Late na ako oh." naiinis na pagkasabi ko habang itinutok ko sa mukha nya ang orasan ko.

Inalis nya sa mukha nya ang kamay ko and he bent forward at tumingin ito sa akin. "Kaya nga wag kana pumasok eh. Late ka na. Mapapagalitan ka lang ni Mrs. Maligalig." at hinila na ulit ako.

"But Josh.." biglang may naramdaman akong nag cramp sa puson ko. Syet! magkakaroon ata ako. Ito din siguro dahilan kung bakit mabilis ako mairita ngayong araw na to at kung bakit ako nahilo kanina sa bahay. "wait lang Josh.." napahawak na ako sa puson ko sa sobrang sakit at naupo ako sa isang bench.

"Are you okay?" he asked worriedly at naupo ito para tignan ako. Inayos nya ang aking buhok na kasalukuyang tinakpan nito ang aking mukha.

"Josh.." I paused ang I looked at him. Sa sobrang sakit feeling ko pinagpapawisan na ako ng malamig na pawis. "I need to go to the confort room!" habang dumadaing ako sa sakit.

"Uh? Bakit? Natatae ka?" natatarantang pagtanong nya. Napatingin ako ng masama sa kanya at sabay ko sya sinapak sa ulo. "Aray, Alex! Ang sakit nun ah?" reklamo nya habang kumunot noo nito at hinahaplos nya ulo nya.

"Wala ako time para makipag biruan sayo ngayon, Josh!" iritabli kong sabi at tumayo na ako patungong cr habang hinahaplos haplos ko pa rin ang aking puson.

Sinundan naman ako ni Josh. "Nagtatanong lang naman ako, Alex. Malay ko ba kung anong meron ka. Teka lang, Alex!" bigla sya humarang sa aking dinadaanan.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon