Chapter 16 - trouble in the air part 2

156 4 10
                                    

"What's your problem Adrian?" Josh asked coldly, looking at these guys habang nakatayo at nakapamulsa ito sa harap nila. He looks like.. yung tipong walang katakot takot na mabugbog ito ng mga ito. He was calm and easy going, sa mantala naman yung grupo ni Adrian ang aangas ng dating at mukhang gulo ang hanap ng mga ito. Mga estudyante din sila ng University namin dahil sa uniform na suot nila at mga volleyball or basketball players din siguro dahil yung dalawa sa kanila ay suot-suot ang kanilang jersey. Medyo madumi at hindi ayos ang mga itsura ng mga ito, na parang galing sa isang war? Tas mukhang mas matanda sila sa amin ni Josh.. mga senior na siguro?

Ngumisi yung Adrian at hinithit ang huling sigarilyo at itinapon ito sa daan. Lumapit ito kay Josh kasama ang apat na kabarkada nito na kasalukuyang nagyoyosi pa. Mga nagtitinginan lang ang mga ito habang nagtatawanan.

Mga baliw lang? Nagtatawanan kahit walang nakakatawa? Naka-drugs lang?

"What's my problem?" he snorted. "Ikaw ang problema!" he said arrogantly habang napawi ang mga ngisi nito at kasalukuyang pinandilatan nito si Josh. I can even see in his eyes his anger towards Josh. Bakit kaya? Bakit galit na galit sya kay Josh? "You, your stupid clan and your family!" he paused. "Right now, I just want to punch your pretty face, bro!" warning nya, clenching his fist. Bro? What does he mean? Napakamot ako sa ulo dahil napaisip ako bakit bro ang tinawag nya kay Josh. Siguro wala naman ibig sabihin yun, yun naman minsan mga tawagan ng mga lalaki sa mga kaibigan nila, diba? Pero parang.. at teka, His family? What about his family? bat parang galit din ito sa pamilya ni Josh? Grabe ang dami ko na nalalaman. Yung una about kay Jeff, ngayon naman ito.. what the heck!

Napabaling ulit ang tingin ko sa kanila and in that moment nataranta na ako, halos nanginginig na buong katawan ko sa takot. Nakita ko yung mga kasamahan ng Adrian na yan na parang nagpe-prepare na sila para bugbogin si Josh. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko kasi alam anong gagawin ko kasi nakita kong pinaligiran na sya ng mga ito.

Oh syet! What should I do?? Kasi naman si Josh pinatulan pa. Damn!

Bigla naman akong may narinig na nag ring na cellphone sa loob ng kotse. Kay Josh ata! Nakapatong ito malapit sa may manibela atkinuha ko ito para sagutin, at nakita kong tumatawag si.. Ryan!

"Ryan!" I exclaimed nervously habang hindi ko maintindihan kung saan ako magsisimula. Natahimik ito dahil siguro nagulat ito at siguro nagtataka sya kung bakit hindi si Josh ang sumagot. "Ryan! It's me, Alex!" I added.

"Oh, Alex! What's the matter? Bakit ganyan ka? Bakit-" I suddenly cut him off ng bigla ulit ako nagsalita. "Ryan, si Josh! Please help him!!" wala na ako ibang masabi pa kundi yun lang dahil sa sobrang taranta ko wala na ako maisip. Parang naubusan na ako ng mga words sa bokabularyo ko.

"Anong si Josh? Anong nangyari?? Wait, nasaan ba kayo??" Halos sumisigaw na din si Ryan marahil nag aalala na din to. Nung sasagot na ako sa tanong nya napabaling ang atensyon ko sa mga ito. Nakita kong nagyaya nang umalis si Adrian.

Ganon lang yon? Nagtinginan lang sila? Damn! Halos mahimatay na ako dito sa takot at pag aalala tas ganon lang? Nagsukatan lang ng tingin?

Napakunot ang noo ko at napabalik ang aking atensyon kay Ryan na kasalukuyang sumisigaw na sa pag aalala. Syet kausap ko nga pala si Ryan. I clear my throat at kinausap ko ulit sya."Ryan, I'll call you later." at narinig kong nagsalita ulit sya. "Wait, what?" pero hindi ko na sya nasagot ng ibinaba ko agad ang tawag nya at lumabas ako ng kotse ng padabog. Nung papalapit na ako kay Josh, tumingin ito sa akin. Napawi ang pag kaseryoso ng kanyang mukha at ngumisi ito sa akin. "What?" inosente nyang tanong. Napahalukipkip ako habang nakakunot ang aking noo. "What?" he repeated habang lumapit ito sa akin.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon