"HOY!" Kimberly exclaimed at sabay akong tinapik sa braso. Natauhan naman ako na para bang nabigla ako nagising.
Grabe! Magkaka-heartattack ako sa babaeng to eh, lagi nalang ako ginugulat. Magugulatin pa naman ako tsk.
Kasalukuyang nasa corridor kami ni Kim, sa may locker namin.
"Kanina pa kasi kita kinakausap, pero dinedeadma mo lang ako dyan. Mukhang ang lalim na naman ng iniisip mo eh." ngumisi ito at umiling-iling habang may inilagay syang mga libro at notebook sa locker nya.
Pano naman kasi. Kung alam lang nya kung anong nangyari kaninang umaga! So shocking.. so embarrassing! Huwaa! Parang ayoko na tuloy pumasok at magpakita sa kanya! amp. I sighed heavily and frown habang nakatunganga lang ako sa harap ng locker ko.
"Wag kang mag-alala iniisip ka din nya." she suddenly added.
"Who?" someone asked from my back, her voice was so familiar so I decided to turn around.
Guess who?
Yeah, it's Amanda with her usual alipores. Tss. Grabe ang arte ng mga tingin sa amin eh! Sarap tanggalin ng mga mata nila at ipakain sa mga aso sa kalye. tsk
"Pakialam mo??" I asked so arrogantly and I turned my back on her para buksan yung locker ko. Pero biglang sinara ng padabog ng bruhilda na Amanda na yan! Buti nalang hindi ko pa ipinasok kamay ko, kung hindi baka na ipit ito. Pag nangyari yon nako makakatikim na talaga sya sa akin ng malupit na suntok sa maganda nyang mukha. Kala mo hindi ko sya papatulan. Pinipigilan ko lang sarili ko.
In the meanwhile, napatingin naman sa amin ang mga estudyante na dumadaan at mga nakatambay dito.
"I heard that you and Josh are going out together. Is it true?" she angrily asked habang nakakunot noo ito. I looked at her at halatang halata sa mukha nya na naiinis sya about sa chismis na narinig nya sa iba. Siguradong nalaman nito sa tatlong babae na nakakita sa amin kahapon sa may parking lot.Sabi na nga ba eh, namiss-interpretated na naman ng tao yung sitwasyon. Porket magkasama nagde-date agad? Di ba pwedeng magkapitbahay lang kaya sabay kaming pumasok? Uhmm.. Pano kaya kung mas lalo ko syang inisin? Mwhuahahaha (evil laugh).
"Amanda." bigla sumingit si Kim sa usapan namin habang hinawakan nya si Amanda sa right arm nya para ilayo sa akin. "Pwede b-" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng biglang binawi ni Amanda ang kanyang braso sa hawak ng bestfriend ko.
"Don't ever ever touch me!" she exclaimed habang tinalasan nya ng tingin si Kim. Kung makadiin ng "ever" akala mo may virus si Kim. Ang arte talaga!!
Napabaling ulit si Amanda sa akin and this time tiningnan nya ako ng masama. "Answer me!"
I rolled my eyes. "Paano kung OO!" untag ko habang tinaasan ko sya ng kilay at humalukipkip. Pero totoo naman kahit one time lang kami nag-date. Well, siguro hindi na yon date kase kasama namin nung time na yon kapatid ko.
Her eyes widen in shock hearing that. "WHAT??"
"Are you pretending to be stupid or you're just deaf? Uh?" pagsusungit ko.
"Why you? and not me?" tanong nya habang tinuro nya sarili nya at makikita mo nalang sa expression ng mukha nya ang kanyang pagtataka at sa hindi makapaniwala. Himala hindi sya nagreact sa sinabi ko.
Nakakatawa ka lang Amanda! Ganyan kana ba kadesperada? Lalaki lang yon grabe ka! Pati mga alipores ni Amanda na shock sa narinig nila at nganga nalang sila.
Dahan-dahan ko inilapit mukha ko kay Amanda and I looked at her innocently habang may ginaya akong line sa isang film ni Vice Ganda sa Petrang Kabayo. "Eh kasi MAGANDA AKO, po?!" pang-asar na sagot ko at sabay nag walk out na kami ni Kim. Hindi ko alam ang sarap nyang asarin. Feeling ko magkakasundo din kame nito one day kahit lagi nya ako inaartihan. Haha
BINABASA MO ANG
You've Changed my Life (On-going)
Humor"It's crazy, right? To love someone who hurts you.." she paused with her blank expression in her face while she's looking on the horrizon. "but it's even crazier to think that someone who hurts you, loves you more than anything." she softly smiled...