Chapter 11 - A guest from the past

173 4 2
                                    

Hello everyone! :)

Gusto ko lang sabihin sa inyo na pinalitan ko nga pala ang name ng ex ni Alex. Hindi na po "Jay", but "Austin" na. Yun lang po.

Salamat po.

Happy reading :)

@idream0311

Chapter 11

Sunday, 7:30 am

Umagang umaga nakangiti na ako! Hay grabe. Kinikilig pa rin ako. OHMAYGAS! hahaha

Ayaw ko man aminin, pero CRUSH ko na ata sya. Sino? Eh di yung ka-date ko kahapon hihi.. Syempre crush palang naman. Well, I guess? Huwaaa.

Kanina pa ako nairit sa ilalim ng unan. Naguguluhan na ako sa mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Yung tyan ko kase parang ewan. Feeling ko may mga butterfly na lumilipad sa loob ng tummy ko or parang natatae ako na ewan. hahaha.

Hay. Best day ever ko na ata yung nangyari kagabi.

*flashback*

Si Josh tumatawag!!

Anong gagawin ko? Sasagutin ko o hindi? Huwaaa. Magkunwari nalang kaya ako na hindi ko narinig? Pero gusto ko malaman bakit sya tumatawag.

Osige na nga sasagutin ko na.

I cleared my throat and then I picked up the phone. "Hello?"

"Alex..lumabas ka. Pumunta ka sa balcony mo." aniya nya.

"Oh? bakit? eh.. nakahiga na ako eh." pagdadahilan ko.

"Basta lumabas ka. Dali na Alex." he insisted.

"Oo na. Eto na oh lalabas na." pumunta ako sa balcony ng kwarto ko ng nakita ko syang nasa balcony din sya ng kanyang kwarto na may hawak na gitara.

Oh? Ano naman kaya gagawin nito at may hawak na gitara? Don't tell me na..

OMG.

"Wag mo ibaba Alex ha.." then he strummed the strings of his guitar and he started to sing me a song.

Shocks! I didn't expect this as well.

(Now Playing: Try by Simple Plan)

"I've never been the best at honesty,

I've made more mistakes than I can even count,

But things are gonna be so different now,

You make me wanna turn it all around.

I think of all the games that I have played,

The unsuspecting people that I've heard,

Deep inside I know I don't deserve,

Another chance to finally make it work."

Wow! Ang ganda pala ng boses nya at marunong din pala mag-gitara. Grabe bigla ako kinilabutan.

Habang kumakanta ito, seryoso nya akong kinakantahan. Hindi ko alam, but feeling ko lahat na ata ng nasa paligid ko ay biglang nawala. Sya lang ang nakikita ko. Sya lang at yung gitara nya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko gusto na ata lumabas ng puso ko sa did-dib ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. I guess in a moment mahihimatay na ako dito. SHIT! Feeling ko din na para na akong kandila na unti-unti na natutunaw sa pagkabiglang init ng mukha ko. Waaaaaaaaaaaa.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon