Chapter 28 - Sacrifice

45 2 0
                                    

Jeff's POV

"Alex, wag kana sumimangot dyan." Para talaga 'tong bata, kung magtampo daig pa si Trisha haha.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Kasalukuyang kumakain ito ng hapunan. Kanina pa ako hindi kinakausap at kanina pang salubong ang kanyang mga kilay. "Hindi naman ako aalis forever. Tatapusin ko lang naman pag aaral ko sa Australi at para makasama ko din si Dad.." sabi ko sa kanya at sabay ginulo ang kanyang mga buhok.

"Jeff naman! Aish!" sabay inalis nya kamay ko sa ulo nya.

"Aminin mo na kasi mamimiss mo ako no?" tumawa ako habang sinusubukan ko ulit guluhin ang kanyang mga buhok pero nakakailag sya.

Bigla ito tumayo at iniligpit na ang kanyang pinagkainan. Hindi talaga sya sang-ayon sa naging desisyon ko.

"I'm sorry Alex if I have to leave you, Mom and Trish, but.. you know.. This is my dream. To be with Dad and working with him.. I hope you will understand." Biglang pumasok yung tahimik sa loob ng kusina. Halos naririnig ko na syang umiiyak habang nakatalikod ito sa akin. Pero sa mga ilang sandali bigla ito tumakbo papalapit sa akin at niyakap nya ako.

"Bakit kasi ngayon kung saka naman kailangan kita sa tabi ko!" she exclaimed and cried.

"You'll be fine, Alex." inalis ko ang pagkayakap nito sa akin at inilagay ko sa magkabilang balikat nya ang aking dalwang kamay at tiningnan ko sya. "Alam kong kayang kaya mo harapin lahat ng mga taong umaapi sayo kasi matatag kang tao. Hindi ka nagive up sa mga bagay na gusto mong patunayan. Kaya naniniwala ako na makakaya mong harapin lahat ng mga pagsubok na darating pa sa buhay mo at habang hinaharap mo mga ito lalo kapa magiging malakas. Remember Alex.. hindi tayo binibigyan ni God ng mga pagsubok na hindi natin kayang harapin, kaya wag kang susuko ano man mangyari." I hugged her  tight and made her feel that she won't be alone no matter what. "Isipin mo Alex na nasa tabi mo lang ang mommy at daddy mo. Sila ang gawin mong lakas..pati na rin si Trisha." habang yakap yakap ko sya nararamdaman ko sa aking dibdib ang mga luhang tumutulo sa kanyang mukha.

Nagdadalawang isip tuloy ako ngayon. Ayoko din naman umalis na ganito sya.

"..and promise me that you will NEVER EVER talk and see Josh again. Please promise me.."

Bigla sya lumayo sa mga yakap ko at tumingin ito sa akin. Halos namamaga na ang kanyang mga mata.

She drew a deep breath. "I promise. I promise that I won't talk to him anymore." she swear and she masked her pain by putting a restraint smile on her lips and then she hugged me again.

"..but not seeing him is impossible. Makikita't makikita ko pa rin sya kahit gaano pa kalaki ang school natin..tsaka halos kaklase ko sya sa ibang subject ko."

Don't worry Alex, may nagawan na akong paraan para dyan.

I know she's having hard times because of that asshole. Kaya naman nung nalaman ko mga pangyayari hindi na ako nagdalawang isip pa para harapin sya. Halos gusto ko na basagin pagmukmukha nya nang nabalitaan ko yung ginawa nya. Sinaktan na nya yung taong pinaka importante sa akin at ayoko pati pinsan ko saktan nya!

Flashback: the day when Alex find out about the deal between Josh and his stupid fratmen group..

Nakita ko si Alex tumatakbo sa may hole malapit lang sa gym. She seems that she's crying and then Josh. He's following Alex and then also Lance and Kenjie.

Ano kaya nangyari?

Tumakbo ako para maabutan sina Josh.

"Hey, Josh!" Napahinto sila sa pagtakbo at napalingon sa akin. Lumapit ako at tinanong ko sila kung ano ang nangyari. Bigla namutla sina Kenjie at Lance at hindi sila makasagot nagtinginan lang ang dalawa at napapatingin kay Josh.

You've Changed my Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon