"Trust, takes years to build, seconds to break and forever to repair"
••••••••••
"Hey, You Bitch! Antagal mong sagutin yung tawag! BITCH!" sabi nung tumawag, pagkasagot na pagkasagot ko.
"Yea, I'm a bitch I know, and buti nga sinagot ko pa eh. Hindi ko kasi alam na ikaw pala ang tumawag." Sabi ko.
"Grabe ka. Di mo ba ako namiss bitch?" Sabi nya saakin.
"Bakit naman kita mamimiss bitch?" Sabi ko. Halata nyo naman diba? Bitch ang tawagan namin. Pake nyo ba? :/ Bitch kasi ako pero mas bitch sya.
"Ay grabe sya oh. sus. May nabalitaan ako bitch totoo bang wala na ka--" Hindi nya na naituloy ang sinasabin nya ng sumingit ako. "Oo bitch sige, I'll hang up now. Distorbo." Sabi ko at binabaan sya. Here we go with that topic again. Nakakasawa na! Kailangan talaga itanong ng itanong? -_-
*Mahal---*
Agad kong sinagot yung tumawag ulit. Langya maririnig ko nanaman kasi yung ringtone ko! Ayaw ko na! Kakadrama ko lang jusko tadhana umayos ka!
"Ano nanaman ba bitch!" Sabi ko pero nagulat ako ng lalaki ang sumagot.
"Keanna?" Wahhhh. Bakit lalaki toh?! Anyare sa Bitchfriend ko!
"Sino ka?! Magkano kailangan mo?! Bakit kinidnap mo ang Bitch na babaeng yun?! Anong modus mo?! Magkano Ransom?! Wahhh Kidnape--" Sigaw ko. Naghihisterikal na ako pero bigla nya akong pinutol. Hindi literal na pinutol ah. langya kayo.
"KEANNA! AKO ITO SI LAWRENCE DELA PENA! PINSAN MO TO! LANGYA ANONG KIDNAPER?!" sigaw nya saakin mula sa kabilang linya. Shet. Si Lawrence lang pala :3. Lawrence Dela Pena. Kaisa-isahang pinsan ko na galing U.S. ay teka--
"Nakauwi ka na?! Woaahh Kelan pa?! Sorry nga pala hehe." Sabi ko sakanya. Makasigaw sya kanina eh langya.
"Oo kakauwi ko lang. Usap tayo. Kita tayoooo. San mo gusto? My treat." Sabi nya.
"Sa McDo tayo pwede? Dali gusto kong magmove-on" Sabi ko ng wala nanaman sa tuliro. Langya talaga -_- Ang epekto ng pagiging broken hearted. Pero bakit nga pala ako magmomove-on? Eh sabi nya nga hintayin ko sya diba? Boplaks ka talaga Keanna. Psh.
"Sige, sige. Bukas ah. Lunch time nyo. Punta ka na lang ah. Huhugot ka pa eh. Madami ka atang ikekwento sakin. Yung pinakamalapit na McDo sa pinagtatrabahuhan mo. LoveYou Couz" Sabi nya. Sanay kaming naga-I Love you sa isa't isa. Syempre kaming dalawa na lang ang magpinsan eh.
"Yeah, yeah, I love you too Couz." Sabi ko. Nakita kong napatingin saakin si Arvy pero agad ding umiwas. Ayieeee nagseselos ang Arvyy ko! Akala nya siguro may iba na akong pinag-I Love You-han. Sus. Sya lang naman ang nag-iisang mahal ko hihi. Ang landi.
****
Natapos ang araw kahapon at malapit na maglunch time ngayon. Nag-aayos na ako ng gamit ko dahil ngayon kam mag-kikita ni Couz Lawrence. Hays, mapapakwento nanaman ako tungkol saamin ni Arvy sakanya. Sigurado akong walang patawad yun kahit anong detalye. Hays, bakit ba ako napapaligiran ng mga chismosa't chismoso?
"Ahmm Yanna, 'di ako makakasabay ngayon mag-lunch sa'yo ah? May kasabay kasi ako ngayon eh. Sorry" Sabi ni Jenny saakin. Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutang magpaalam sakanya.
"Ah-eh, ako din eh. Magkikita kasi kami ng pinsan ko ngayon." Sabi ko sakanya. Tumango naman sya at nakipagbeso. Nakita kong paalis na sya pero nahalata kong sinabayan sya ni Arvy papalabas. Bakit? Bakit sila sabay? Ahh baka nagkataon lang pa-alis na din si Arvy. Oo nga baka ganun nga.
Agad din akong umalis at dumeretso sa McDo kung saan kami magkikita ni Couz Lawrence. Pagkadating ko dun ay nakita kong naka-upo na sya. Nakita naman nya ako at agad na kinawayan. Pagkalapit ko sakanya ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Ganyan talaga sya. Sobrang sweet nya. Kaya minsan inaakala nung iba na mag-syota kami. Langya SYOTA? Ang baho ng term haha.
"Hahahaha, Bitaw na! Di naman halatang namiss mo ko ano?" Sabi ko sakanya habang tumatawa. Bumitaw naman agad sya. Nandito kami sa sulok ng McDo, kaya hindi pansinin ang pwesto namin. Nakaharap sya saakin samantalang ako ay paharap ang direksyon ko sa pinto.
"Oo namiss kita ng sobra! Wala na kasi 'yung babaitang may pagka-bitchy attitude na kasama ko sa bahay eh Hahaha." Sabi nya. Dati kasi ay magkasama kami sa iisang bahay. Nakikitira kasi ako kila Tita nuong namatay si Tatay, pero ng magkatrabaho na ako ay agad din akong kumuha ng sarili kong apartment. Si Couz kasi ay isang doctor at nakuha syang volunteer sa U.S. para mas lalong lumawak ang kaisipan sa industriya ng paggagamot.
"Hahahaha, yung pagka-bitch ko lang pala namiss mo! Langya ka! Pero, infairness! Mas gumwapo ka ata ngayon." Sabi ko sakanya. Ooooops, Wrong move. Lalaki nanaman ulo nito panigurado. Juskupo. May pagkamahangin pa naman sya.
"Hahaha ako pa ba? Gwapo na ako dati pa. Pero, infairness din.... PANDAK KA PA DIN. Hahahahaha" Sabi nya at halos madurog na yung lamesa sa hampas nya at halos makita ko na ang ngala ngala nya sa pagkatawa nya. Naku, itong lalaking ito. Hindi na nagbago.
"Aish! Sarap mo hampasin ng standee ni Jollibee! Asan na yung pagkain?!" Sabi ko sakanya. Nakabibwisit eh. Langya.
"Eto, SPG talaga. Super Patay Gutom. Ayan na po yung waiter oh." Sabi nya. Nang-insulto pa talaga sya oh. Kabagot. Ng makarating ang pagkain ay agad kong nilantakan.
"So break na kayo ni Alonzo?" Sabi nya kaya bigla akong nabilaukan. Langya! Walang pasintabi! Kumakain 'yung tao eh! Huhu. Hustisyaaaaa.
"Kaya ba gusto mo sa Mcdo? Kaya ba gusto mo mag-move on?" Sunod-sunod na tanong nya. Langya naman. Bakit napaka-straight forward neto? Hindi nya ba alam yun "Awkward topic" o hindi nya ba alam feeling ng broken hearted?! Ay. sabi ko nga ano pa bang aasahan ko sa isang PSB?! as in Playboy Since Birth at Proud pa sya na nagkaroon sya ng 54 girlfriends and still counting. -_-
"Napagtanto kong hindi ko pala kailangan mag-move on. Sabi nya kasi hintayin ko daw sya, babalik daw sya saakin." Sabi ko ng seryoso.
"Ah, Hindi mo nga kailangan mag-move on. Edi wag na tayo dito sa McDo! Sa iba na lang! "Sabi nya pero ni isa ay wala akong naintindihan dahil natuos ang atensyon ko at paulit-ulit na nadurog ang puso ko sa nakita ko sa Front Door ng McDo.
Si Arvy at Jenny,
.
.
.
.
.
.
magka-holding hands.
-End of Chapter 4: New-
♦ Vote Comment and Support ♦
☻ Thank You So Much! ☻
♥babyGD♥
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Short StoryKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥