Chapter 5: Pain

3.6K 80 13
                                    

"Once you have really hurt someone, it will always be in the back of their mind even if they still have a smile on their face"

••••••••••

"Napagtanto kong hindi ko pala kailangan mag-move on. Sabi nya kasi hintayin ko daw sya, babalik daw sya saakin." Sabi ko ng seryoso.

"Ah, Hindi mo nga kailangan mag-move on. Edi wag na tayo dito sa McDo! Sa iba na lang! "Sabi nya pero ni isa ay wala akong naintindihan dahil natuos ang atensyon ko at paulit-ulit na nadurog ang puso ko sa nakita ko sa Front Door ng McDo.

Si Arvy at Jenny, magka-holding hands.

"Oh! Si Alonzo yun hindi ba? Tapos may kasamang babae! Ay... si Jenny yun hindi ba? Yung Bestfriend mo? At magkaholdi---" Hindi na naituloy ni Couz ang sasabihin nya ng mapagtanto snya ang nakita nya. Dahan-dahan syang lumingon saakin at pagkalingon na pagkalingon nya ay syang pagbagsak ng isang luha mula sa mga mata ko. 

Isang luha na may dala-dala ng lahat ng sakit na pinipilit kong hindi ilabas nitong nakaraang linggo.

"S-Siguro n-nga, k-kailangan nating umalis sa McDo. Tara Couz." Sabi nya ng may pag-aalinlangan pa. Tatayo na sana sya ng magsalita ako. "Hindi na. Siguro nga kailangan nasa McDo ako. Mas napagtanto ko na... kailangan ko talagang mag-move on." Sabi ko at tinitigan silang dalawang masayang nag-uusap sa pilahan ng counter. Pumipili sila ng kakainin nila. At pagkatapos ay umupo sila sa isang table. Napakagat-labi ako ng makita kong pinaghila ni Arvy ng upuan si Jenny.

Siguro nga martyr ako. Kasi kahit masakit eto pa rin ako, tinititigan ang bawat galaw nila. Ang bawat galaw nya. Mga galaw nya na ginawa nya rin nuong kami pa

Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na simpleng tanghalian lang ang ginagawa nila. Na nagpapaka-gentleman lang sya kaya nya pinaghila ng upuan si Jenny. Na nagkasanggi lang ang mga kamay nila kaya mukhang magka-holding hands. Na nagugutom lang si Jenny kaya ililibre nya ng pagkain. 

Pero sino bang niloloko ko? Ang sarili ko? 

Tangina sanay na akong niloloko. Sa sobrang pagka-sanay ko pati sarili ko nagawa na akong lokohin. 

"Ahmm Yanna, 'di ako makakasabay ngayon mag-lunch sa'yo ah? May kasabay kasi ako ngayon eh. Sorry" 

Naalala ko ang mga katagang sinabi nya kanina nung nagpaalam sya saakin. Walanghiya. Dapat ininform nya man lang ako na yung EX ko ang kasabay nya hindi ba? Na yung TAONG MAHAL KO pala yun. 

Gusto kong magpasalamat na nandito kami sa sulok ng McDo at hindi nila kami nakikita. 

Gusto kong umiyak! pero ni-isang luha sa mata ko ay ayaw pumatak. Ano sapat na yung ba yung isang luha kanina? 

Gusto kong tumayo dito at itanong kay Arvy lahat ng Bakit na tanong ko sa sarili ko. 

Andami kong gusto pero hindi ko makuha! Hindi ko magawa! 

Gusto ko sya. Gusto kong mapasaakin muli sya pero hindi ko makuha, hindi ko magawa.

"Couz..." Sabi ni Couz. Napatingin ako sakanya, makikita sa mukha nya ang sobrang pag-aalala. Ngumiti ako ng pilit sakanya. Sinimulan ko muli ang pagkain ko, sayang naman yung pagkain. Dapat hindi sya dinadamay sa sakit na dinadanas ko.

"Gago pala 'yang boyfriend mo" Sabi nya saakin ng may seryosong tono. Napapikit ako ng madiin ng sabihin nya ang salitang "boyfriend". Okay lang naman para sakin maging gago ang boyfriend ko eh. Pero sya? Gago sya, Oo. Pero HINDI KO NA SYA BOYFRIEND!

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon