Naranasan mo na bang paghintayin ng taong mahal mo at pangakuan na babalik sya basta't maghintay ka?
Paano kung naghintay ka at kumapit sa pangako nya pero malalaman mong meron na syang iba?
Kakapit ka pa ba sa pangako nya at pagmamahalan nyong dalawa o marerealize mong wala talaga yung "tayong" pinaniniwalaan nyong dalawa.
Subaybayan kung paano magpaka-martyr si Keanna Louise para sa mahal nyang si Arvy Vayne. Itutuloy nya pa ba? O pipiliin na sumuko na?
PROLOGUE
Ako si Keanna Louise Dela Pena at kasama ko ang boyfriend kong si Arvy Vayne Alonzo, nandito kami ngayon sa park. Sa mga kinilos nya para syang magpapaalam pero alam ko namang hindi, sus! mahal na mahal kaya namin ang isa't isa. Sobrang saya ko ngayong araw na ito. Sobra kaming nagbonding, 3 years ko na syang boyfriend at going strong kami. May mga pinag-aawayan pero parehas naming binababa yung pride namin para sa isa't isa para makapag-bati agad. Ganyan namin kamahal ang isa't isa at masasabi kong hindi agad kami mapaghihiwalay ng isang unos lamang.
Napagod ang mga paa ko dahil sa paglalakad namin kaya ng makahanap ako ng bench na mapag-uupuan ay agad akong umupo dun.
"Louise, Mahal." Tawag pansin nya saakin, Mahal ang tawagan namin. Corny ba? Eh anong paki nyo? Sweet kaya <3 Keanna or Yanna ang tawag saakin ng iba pero mas gusto nya akong tawaging Louise. Vayne naman ang tawag sakanya ng iba pero mas gusto ko syang tawaging Arvy.
Napalingon ako sakanya. Ang gwapo nya talaga, may matangos na ilong, magandang mata, labing masarap halikan tapos ang tangkad nya pa hanggang balikat nga lang ako eh. Maganda pa boses nya at magaling maggitara. Sobrang perfect! Sya na si Nobody! Because Nobody is Perfect!
"Mahal, huwag mo kong titigan mas lalo kang maiinlove sakin nyan sige ka." Sabi nya, ngumiti naman ako.
"Sa sobrang pagkainlove ko sayo may ii-inlove pa ba ako mahal?" Sabi ko. Sweet ba? Gusto ko kasing iparamdam bawat minuto sakanya kung gaano ko sya kamahal.
"Pero seryoso mahal, may s-sasabihin s-sana ako." Sabi nya ng may pag-aalinlangan at yumuko din sya. Napakunot ang noo ko. Bakit sya ganyan? Di kaya--"Bakit mahal? Yayayain mo ko ikasal? Mahal naman! 21 pa lang ako at kakagraduate lang natin! Mag-iipon pa ako! Pero dahil maha--" Naputol ang sinasabi ko ng nakita nong nakatingin sya saakin ng parang malungkot. Mas lalong kumunot ang noo ko at kinabahan. Eto na ba yung nararamdaman ko.?
"Darating tayo dyan mahal, p-pero-- Ahmm. A-alam m-mo n-namang m-mahal na mahal kita diba?" Sabi nya, napatango na lang ako dahil mas lalo pang lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"M-Mahal m-mo d-din n-naman a-ako d-diba mahal?" Tanong nya ulit. "Oo naman mahal, mahal na mahal kita. Bakit ano ba yun?" Tanong ko sakanya. Wengya kinakabahan ako eh.
"M-Mahal, k-kaya mo naman akong hintayin diba?" Huminga sya ng malalim at tinignan ako ng diretso sa mata. "Mahal, may kailangan ako gawin, kahit ayaw kong gawin ito pero kailangan ko sumunod. Mahal kailangan nating maghiwalay." Sabi nya na ikinatigil ng mundo ko.
Ouch. Akala ko pa naman kanina ay magpropropose sya. Akala ko naman. Akala ko lang pala. Nakakahiya. Nakakasakit. Nakakalungkot. Kung sana hindi ko nalang sya sinamahan sa park. Kung sana hindi ko naramdaman yung pangitain ko kanina. Kung sana hindi ako napagod maglakad. Kung sana hindi ako umupo sa bench. Kung sana. Kung sana hindi kami nakapag-usap. Kung sana hindi kami naghiwalay. Hindi sana magiging ganito, na aabot sa puntong magpapakamartyr ako.... Kung sana lang
- e n d -
CHARACTERS
![](https://img.wattpad.com/cover/93538169-288-k421211.jpg)
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Short StoryKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥