"It's really pathetic how I keep trying to hold on to something that's not coming back"
••••••••••
A/N: Ang chapter na ito ay pag-uusap ng isip at puso ni Keanna. Weird right? Pero aminin natin na meron talagang times na may gustong gawin ang ating puso na pilit sinasalungat ng ating isip.
Puso: Ipagpapatuloy mo pa ang paghihintay Keanna, kaya ko pa naman eh. Atsaka 'pag mahal mo ang isang tao ay hindi ka magsasawang hintayin sya. Gaano pa man yan katagal.
Isip: Itigil mo na ang paghihintay Keanna. Hindi na tama. Masyado ka ng nasasaktan. Hindi sya yung tamang lalaki para hintayin mo.
Puso: Bakit sino ba ang tamang lalaki? huh, Isip? Hindi ba't ikaw mismo ay hindi alam kung sino? Pero ako ramdam ko na sya na yun.
Isip: Bakit puso? Nagmana ka ba sa may-ari netong katawan na ito? Parehas na kayong martyr! Durog na durog ka na oh. Pero pilit mong pinagpapatulo pa din.
Puso: ako naman yung nakakaramdam eh! Hindi naman ikaw! Atsaka alam ko kasi na sya din yung lalaking makakapagbuo saakin gaano man ako kadurog.
Isip: Hindi mo kailangan maghintay, Dahil kung mahalaga ka talaga sakanya. Hindi sya papayag na paghintayin ka.
Puso: Paano kung wala lang syang choice?
Isip: Bakit mawawalan? Kung mahal mo ang isang tao gagawa at gagawa ka ng paraan kahit anong mangyari. Ikaw ano bang dahilan mo para masabi mong kailangan nya magpatuloy sa paghihintay?
Puso: Hindi pa ba sapat na mahal na mahal nya kasi sya at sya lang ang makakapagbuo saakin sa sitwasyon ko ngayon para hintayin na bumalik sya gaano man katagal ang abutin nito?
Isip: Hindi sa lahat ng bagay ay pagmamahal lang ang sapat na dahilan!
Puso: Edi dahil gusto kong gawin iyon! Gusto kong maghintay pa sya! Life is too short to woke up with regrets kaya mas okay na magpatuloy pa sya sa paghihintay. Dahil sa buhay na ito alam kong iyon lang ang gusto nyang mangyari ang bumalik sa buhay nya si Arvy. Ayokong bago sya matulog ngayong gabi ay magdedesisyon syang itigil na pero gigising sya sa umagang puno ng panghihinayang at pagdadalawang-isip kung bakit ba nya itinigil agad.
Isip: Hind nga kasi--
Keanna: Tumigil nga kayo! Gusto kong maghintay pa! Dahil wala na akong nais gawin kundi hintayin lang sya at alam kong babalik sya!
Puso: Tama ang iyong desisyon Keanna.
Isip: At ano naman ang pinagkakapitan mo? Yung pangako nya sayo? Yung mga alaala nyo? Keanna naman! Nasaang henerasyon ka ba at hindi mo alam ang kataga nilang "Promises are meant to be broken" At Alaala?! WTF! Bakit ka kakapit sa isang bagay na meron ng "nuon" na nakakabit. Sa isang bagay na TAPOS na! Tapos ano? Nagtataka ka mismo sa sarili mo kung bakit ang sakit sakit?
Keanna: Wala akong magawa! Kahit masakit ginugusto kong ipagpatuloy pa rin yung paghihintay ko. Gusto kong bumalik sya saakin. Gusto kong mangyari iyon at kakapit pa rin ako kahit walang kasiguraduhan! Mahal ko kasi sya! Alam ko namang----
Isip: TANGA KA! BOBO KA! GAGA KA! MARTYR KA! That's Bullshit! Alam mo naman pala pero tinutuluyan mo ang sarili mo! Ano ba Keanna! Maawa ka sa sarili mo! Durog na durog ka na! Pero ikaw na bahala. Sige, hindi na ako mangingialam basta wala na din akong pakialam kung sobra kang masaktan dahil dyan sa paghihintay mo. Sana lang hindi ka nagkamali ng pinili.
-End of Chapter 10: Heart vs. Mind-
A/N: Corny masyado ang chapter na ito. Atsaka napaka-ikli. Jusko Hahaha.
♦ Vote Comment and Support ♦
☻ Thank You So Much ☻
♥babyGD♥
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Короткий рассказKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥