"To one who has faith, no explanation is necessary. To one without faith, no explanation is possible"
••••••••••
Nandito ako ngayon sa park. Dinala ako dito ng mga paa ko. Hindi pa din madigest ng utak ko ang mga sinabi saakin kanina ni Jenny at yung katotohanang ako ang pinaka-huling kausap nya sa huling hininga nya. Na ako ang pinakahuling nakarinig ng huling tinig nya. Na ako ang nakita nya sa huling pagdilat nya.
Oo wala na sya. Wala na ang babaeng maging bestfriend slash kaagaw ko sa pang-iistalk ng isang lalaki. Wala na yung mahinhing babae at yung mahinhin nyang boses na nais ko pa sana marinig ng paulit-ulit.
Pagkalabas ko ng kwarto nya ay ang pagdating ng mga nurses at doktor. Nakatulala lang ako ng bigla akong tinanong ni Bitch kung ano ang sinabi at nangyari sa loob. Kahit kailan talaga hindi nawala ang pagkachismosa nya. Imbis na sagutin ko sya ay tinanong ko sya pabalik kung kelan nya nalaman yung sakit ni Jenny. Sabi nya ngayon lang din daw. Nakasalubong nya lang daw kasi yung mama at papa ni Jenny. Pagkatapos nun ay hindi ko na sya pinansin at dinala na nga ako ng mga paa ko sa park.
Nagulat ako ng may naramdaman akong patak ng ulan sa buhok ko kaya napatingala ako at mas lalo kong naramdaman ang papalakas na ambon na unti-unting nagiging ulan. Pati ata langit nakikisabay sa kaguluhan ng isip ko.
Naginhawaan ako ng pakiramdam ng mapagtanto ko ang nagyari ngayon ngayon lang. Sulit pala ang paghihintay ko. Hindi pala mali yung pagkapit ko. Sakto lang pala ang pagsasayang ko ng oras para lang mahintay sya. Tama pala yung pagmamahal ko sa taong ito. Tama ka pala puso. Eto na yung kasiyahan ko. Eto na yung pinapangarap ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang mapabalik muli sya saakin. Upang magawa ko na ang gusto ko at ang hiling ni Jenny. Naalala ko pa ang bawat kataga na huling sinabi ni Jenny.
"Salamat naman. Ngayon pwede na akong magpahinga ng payapa. Wala na akong mararamdamang kahit anong pagkamuhi sa sarili ko. Yanna. Mahal na mahal ka nya, Sobrang Mahal ka nya mula noon hanggang ngayon"
"Yanna. Mahal na mahal ka nya, Sobrang Mahal ka nya mula noon hanggang ngayon"
"Sobrang Mahal ka nya mula noon hanggang ngayon"
Paulit-ulit iyong nagpeplay sa utak ko at paulit-ulit ding tinatanggap ng puso ko. Ginamit nanaman ito ng puso ko para gamutin ang mga sugat nya. Para buoin ang nadurog nyang sarili.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko. Pero sa mga oras na ito ay may kasama na itong saya. Luha na puno ng lungkot, saya, sakit, kaginhawaan at kung ano-ano pa. Wala na akong paki-alam kung nabasa o magkakasakit o mabasa man ako ng ulan. Wala na talaga.
Gusto kong tumili, sumigaw, tumalon sa saya. Pero wag na lang pala dahi may napasadahan ang tingin ko na dalawang sapatos. Dalawang sapatos na kahit sapatos lang ay kilala ko na kung sino ang may suot. Dahan dahan kong tinignan kung sino ang taong iyo at hindi ako nagkakamali...
Arvy, Mahal ko.
Sobrang basa na rin sya ng ulan na animo'y sabay kaming naligo dito. Nakatayo sya ng medyo malapit saakin at hindi inalis ang tingin nya saakin ng may pag-aalala, pagmamahal, paghingi ng tawad at kasiyahan.
Napagdesisyunan kong tumayo at lumapit sakanya. Habang papalapit ako ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko. Mas lalong lumalakas ang pag-agos ng mga luha ko. Na hindi naman nahahalata ng dahil sa ulan. Tumigil ako ng magkatapat na kami. Eto na iyon Keanna. Tuparin mo ang pangako mo kay Jenny.
Magsasalita na sana ako pero natigilan ako ng makita ko ang mga luhang sunod-sunod na naglandas sa pisngi nya. Nanlaki ang mata ko at mas lalong dumami ang luha na bumabagsak sa mata ko.
Ang mahal ko, umiiyak sya.
Agad kong hinawakan ang pisngi nya at pinahid ang mga luha nya pero agad nyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko na pinang-pupunas ko sa luha nya.
"Sorry, Sorry, Sorry, Sorry, Sorry, Sorry" Paulit-ulit na sabi nya at patuloy na pag-iyak. Hindi ko na kinyanan makita ang senaryong iyon kaya naman niyakap ko sya at binaon ko ang mukha ko sa dibdib nyang basang basa na ng ulan. Naramdaman ko ang higpit, pagkamiss at pagmamahal nya sa pamamagitan ng pagyakap nya pabalik
"Patawarin mo ako mahal, Hindi ko sinasadya. Sorry, kasi--" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi nya. Sa pagtawag nya palang saakin ng 'mahal' ay ang halikan sya ang unang naisip kong gawin. Humiwalay ako sa halik at lalayo na sana sakanya ng ikulong nya ang mukha ko sa kanyang mga palad at pinagdikit ang aming noo.
"Sorry, mahal, sorry. Hayaan mo kong mag-explai--" Pinutol ko nanaman ang sinabi nya. Pero sa mga oras na ito ay hindi na gamit ang halik. Aba mahihimasa sya.
"Hindi mo kailangan mag-explain mahal, May tiwala ako sayo. Just say the magic word ay makakalimutan ko lahat ng sakit." Sabi ko habang nakatingin sakanya ng seryoso.
"I love you, mahal. I love you, I always do. Hindi nawala iyong pagmamahal ko sayo. Pero mahal, gusto kong pagbayaran yung mga sakit na dinulot ko sayo. Gusto kong pahirapan mo ako gaya ng pagpapahirap ko sayo dahil sa mga sakit at paghihintay mo. Sorry mahal kung napaka-gago ng lalaking minahal mo ah. Sorry talaga mahal. Patawarin mo ako." Sabi nya saakin.
"Mahal, madaming oras ang nasayang saatin. Ayaw kong masayang pa ulit yun dahil sa pagpapahirap ko sayo. Mahal ilaan na lang natin yun sa pagmamahalan natin please.?" Sabi ko sakanya. Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko.
"Can you be mine again, mahal? Can I come back in your arms again?" Naiyak ako dahil sa tanong nya. Oo, pangalawang beses na ito pero parang ansarap pakinggan na inaaya kang maging kanya, lalo na at sa taong mahal na mahal mo pa galing.
"Yes, mahal!" Sagot ko ng walang pag-aalinlangan. Bigla nya akong binuhat at pinaikot-ikot. "I LOVE YOU KEANNA LOUISE DELA PENAAAA" Sigaw nya.
"HAHAHA. I LOVE YOU TOO ARVY VAYNE ALONZOOO" Ganting sigaw ko.
Muli nyang kinulong ang mukha ko sa mga palad nya at hinalikan ako sa noo, sa dalawa kong mata, sa ilong, sa dalawa kong pisngi.
"I love you, mahal" Sabi nya ulit.
"I love you too, mahal" Sabi ko ulit at walang sawa kong uulit-ulitin.
Unti-unti nyang tinawid ang pagitan naminf dalawa and with that...
We shared a passionate kiss with full of sincere love under the rain.
-End of Chapter 13: Him-
♦ Vote Comment and Support ♦
☻ Thank You So Much ☻
♥babyGD♥
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Short StoryKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥