Chapter 15: Us

3.5K 57 5
                                    

"In love you need to let go, but waiting is a must"

••••••••••

A/N: Yung Chapter 1 is "Us?" with question mark. Then this chapter is "Us" without question mark. Kaya hindi po sila magkaparehas :)

"Salamat sa walang sawang paghihintay ah. Pero ngayong araw na ito ay kailangan mo ng tumigil. You need to stop waiting" Sabi nya na ikina-kunot ng noo ko.

"Tara. May pupuntahan lang tayo" Sabi nya at hinila ako sa sasakyan nya. Oo asensado na sya, hindi lang motor, sasakyan na ngayon.

Nang nasasasakyan na kami ay agad syang nagdrive at tinatahak namin ang pamilyar na daan saakin. Mukhang papunta kami sa park kung saan nya ako unang nakilala. Kung saan nya ako unang tinanong kung anong ginagawa ko sa likod ng poste. Kung saan ko sya sinundan at hindi ko alam na dun pala magsisimula ang aming pagmamahalan.

Malapit na kami sa mismong park ng itigil nya ang sasakyan nya. Nagulat ako ng maglabas sya ng blindfold at agad na piniringan ang mga mata ko.

"Ano nanamang pakulo to, Arvy? At may pa-blindfold blindfold ka pang nalalaman?" Sabi ko sakanya. Pero ang totoo, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan, mahal." Sabi nya at iginaya ako palabas ng sasakyan.

"Sabi ko nga, shut up na lang ako eh" Sabi ko sakanya. Wengya ako pa nasabihan ng maingay. Huhu, Antahimik ko kaya.

Sobrang pag-aalalay ang ginawa nya saakin habang naglalakad kami. Kulang na nga lang buhatin nya ako. Langya para akong matandang uugod-ugod nito eh. Sinasabi nya bawat bato, bawat step, bawat lalakaran namin. Lahat, ako naman ay napapahagikhik. Para kasing ingat na ingat sya sakin. Oh! Pak na pak! Ang ganda ng lola nyo. Hihi.

"Remove your blindfold in count of five. Okay? Sumunod ka, mahal, please lang" Sabi nya. Napatawa naman ako ng malakas.

"Oo na, oo na. Susunod ako ngayon." Sabi ko dati kasi ay naging epic yung surprise nila ng bigla kong tinanggal yung blindfold ko. Ngayon ayaw ko i-spoil yung surprise. Nagbilang ako ng limang segundo sa isipan ko

'One'

'Two'

'Three'

'Four'

'Five'

Pagkatapos nun ay tinanggal ko na ang blindfold ko. Wengya yun na ata ang pinaka-matagal na limang segundo ng buhay ko ah. Nagulat, Sumaya, Naluha, Natawa, Natakam, Nagmahal. Ayan ang mga naramdaman ko pagkatanggal na pagkatanggal ko ng blindfold ko. Kung sa ordinaryong o sosyaling babae, nakakaiyak talaga ang carpet of roses at may nakasabit na balloons. Pero para sakin? Mas nakakaiyak ito.

Ang ginawa lang naman ni Arvy ay imbes na carpet of roses ay puno ng choco-chocong tig-pipiso ang nakita ko at imbis na balloons ang nakasabit ay puro ito stick-o na may nakalagay na bawat note, bawat isa. Sheeet! Heaven! Nakatutuwa! Nakaiiyak!

Binasa ko isa-isa ang nasa notes. Lahat yun ay sulat kamay nya. A for the effort!

"I'm no photographer, but I can picture us together in the future."

"You're the only reason of my smile."

"Without you, I'm nothing. With you, I'm something. Together, we're everything"

"Seeing you, is my favorite part of my day"

"You make me laugh when I'm not even in the mood to smile"

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon