Chapter 2: Wait

4.3K 92 14
                                    

"It's hard to wait for something you know might not happen, but it's even harder to give up when you know it's everything you want"

••••••••••

"Sorry, Arvy" Sabi ko ng may mahinang tinig habang nakatingin sakanya. Kumirot ang puso ko ng tanguan nya lang ako at nagdire-diretso na sa pag-alis. Dahil ako itong gustong magmukhang tanga, sinundan ko sya ng tingin. Sabi nya hintayin ko daw sya diba? Bakit hindi nya ako ininform na magiging ganito ang trato nya saakin? Hays.

Dumeretso na ako sa cubicle ko para simulan ang trabaho ko ng may makita akong bulaklak. OMO! Galing kaya ito kay Arvy? Balak nya kayang pasimple akong padalhan ng mga ganito? Answeet nya talaga!

Marcus Deigh Horazan. Nanlumo ako ng makita ko ang pangalan ng nakalagay. Si Marcus, sya ang boybestfriend ko. Boss din namin sya dito, sya kasi ang tagapag-mana ng Horazan Company. Sabi na Yanna eh, Huwag ka kasing masyadong mag-eexpect. Ayan tuloy napala mo.

Pumunta ka sa office ko. May sasabihin ako. Iyun ang nakalagay na message. Asus, paflower-flower pang nalalaman. Walang kupas ang yaman. Isa sya sa dating pinagseselosan ni Arvy, kahit boss namin ay hindi pinatos ng pagkaseloso nya!

Pagkatapos ko ayusin ang mga papeles na nasa desk ko ay tumayo na ako at paderetso na office ni Deighmarc, yan ang tawag ko sakanya pinaghalo ko lang ang pangalan nya, papunta na sana ako ng magawi ang tingin ko sa cubicle ni Arvy. Hays bakit ang gwapo nya kahit seryoso?

Sobrang seryoso kasi yan talaga sa trabaho. Habang ako easy peasy. Bakit? Sya kasi ay may binubuhay at pinag-aaral na isang kapatid tapos sakitin pa ang mama nya. Samantalang ako, matagal na akong ulila. Namatay ang nanay ko sa pagpapanganak saakin. Kaya kaming dalawa na lang ni tatay ang natira. Nung time na nag-aaral ako ay isinasabay ko ang pagtatrabaho dahil hindi naman kakayanin ng tatay ang mga gastusin ko. Pero dahil mapaglaro ang tadhana ay naaksidente ang tatay habang nagmamaneho sya ng isang truck. Isa kasing delivery boy si tatay. Kaya simula nun ay naging ulila na ako. Hanggang sa nakilala ko si Jenny, pati na rin si Arvy. Si Deighmarc kasi ay kilala ko na talaga noon pa.

Napaiwas ako bigla ng tingin ng mag-angat ng tingin si Arvy. Nakakahiya! pero ngayon pa ba ako mahihiya? eh kanina nga halos tunawin ko na sa titig :3

Pumunta na ako sa office ni Deighmarc. eto talaga feel na feel ang pagka-boss. Ano kayang sasabihin nito? Parang may clue na ako.

"Anong sasabihin mo Deighmarc?" Bungad ko ng maka-upo na ako sa side chair ng table nya.

"Oo nga eh, Good afternoon, Oo" sabi nya na may sarcastic na tono.

"Edi, Goodafternoon." Sabi ko.

"Eto talaga parang hindi ako boss! Namimihasa ka ah." Sabi nya pero binelatan ko lang sya. Napatampal sya bigla sa noo na parang may naalala.

"Oo nga pala! 'Yung sasabihin or more like, itatanong ko pala." sabi nya at pumitik pa sa ere bago napatingin saakin. "Totoo bang break na kayo ni Vayne?!" Sabi nya. Chismoso pa rin talaga ito. Walang pagbabago.

"Oo, wala na kami." Sabi ko naman sakanya at pinilit kong hindi mautal o mag-crack manlang ang boses ko. Syempre mahahalata nyang nasasaktan ako at ayaw ko na syang pag-alalahanin pa saakin. Grabe pa naman ito mag-alala

"What the! Kaya ba absent ka ng halos isang lingo? Eh kasi nagbreak kayo? Bakit? Paano? Kelan? Sa--" Hindi nya na naituloy ang sinasabi nya ng batukan ko sya. Walanghiya eh. Akala mo hindi boss! Napaka-chismoso at saka grabe sya magtanong. Ayaw ko pa namang pag-usapan.

Napanguso sya kaya tinampal ko naman iyon. "Huwag mag-pout 'di mo bagay" Singhal ko sakanya pero lalo lang syang napanguso.

"Ang harsh mo talaga saakin" Sabi nya habang kinakamot ang ulo, "Pero seryoso Keya, bakit wala na kayo?" Sabi nya at this time ay seryoso na talaga sya. Keya ang tawag nya saakin dahil, ewan ko sakanya! Minsan lang sya magseryoso eh. Palibasa moody daig pa yung babaeng may regla.

"Ewan, maging ako ay tinatanong yan. Hindi ko din kasi alam kung bakit. Basta nakipaghiwalay sya at sinabi nya na sana daw ay mahintay ko sya." Sabi ko sakanya, and again I prevent my self to stutter. Pinigilan ko ding maglandas ang luha ko sa mukha ko. Masiyahin akong tao pero sobrang hina ko pagdating sa ganito kaya ayaw ko, ayaw ko sanang pag-usapan.

"Aba't gago pala yun eh! Hindi nya ba alam kung ano ang pinagsasabi-sabi sayo ng kapwa nyong empleyado? Keya! below the belt yung sinasabi nila!" Sabi nya na galit. Overprotective kasi sya saakin. Tinutukoy nya ata na sinasabi ng kapwa ko empleyado ay yung tungkol sa mga pagkuha ng birheng dangal ko, o kaya yung iniwan ako dahil yun lang naman talaga ang gusto nya. Oo alam kong below the belt yun pero dahil yun ang pinaniniwalaan nya o nila ay wala na akong magagawa.

"Wala akong pakialam Deighmarc. Pag-isipan man ako ng masama dahil sa mga naninira, wala akong magagawa kundi tawanan ang mga tangang naniniwala." Sabi ko kay Deighmarc ng seryoso. Ayaw kong kakitaan nya ako ng sakit. Kasi alam kong magfifreak-out sya. Gusto kong maipaalam sakanya na okay lang ako at kaya ko pa naman. Baka kasi madamay ko pa ang mga empleyadong iyon, wala naman kasi talaga akong pake kahit anong sabihin nila eh. Wala naman ni isa dun ang totoo, Atsaka kilala ko si Arvy at mas kilala ko ang sarili ko, kaya no need and again. I don't really care.

"Basta, kapag sobra ka ng nasasaktan nandito lang ako Keya ah. Dahil wala na ang gagong Arvy na yan na nagpoprotekta sayo ay hindi ako mapapanatag. Ako naman ang magpoprotekta sayo katulad noong nawala si tito." Sabi nya, ang tinutukoy nyang tito, ay si tatay. Answerte ko dahil binigyan ako ni Lord ng isang bestfriend na katulad nya. Yung kaibigang laging nasa tabi ko kapag wala na talagang natira. Kaya mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko eh. No malice.

****

Lumipas na ang tatlong araw at hindi pa rin namamatay ang issue. Sa tatlong araw na papasok ako ay laging napupunta ang atensyon nila saakin at walang sawang pinagkekwentuhan ang pag-bibreak naming dalawa ni Arvy. Okay lang naman ako, Kaya ko pa naman tiisin ito. Basta maghihintay lang ako. 'Yun lang ang kailangan kong gawin at alam kong masaya akong maghintay para lamang sakanya.

"Hello, Yanna!" Sabi ng isang mahinhing tinig. Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko sya.

-End of Chapter 2: Wait-

A/N: Deigh is pronounced as Dey| Deighmarc is pronounced as Deymark

♦ Vote, Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon