Chapter 9: Cries

3.3K 74 18
                                    

"Sometimes crying is the only way your eyes speak when your mouth can't explain how broken you was"

••••••••••

Halos isang buwan na ang lumipas ng makita ko silang dalawa sa park. Anong lagay ko? Eto patuloy nanagpapaka-martyr. Naghihintay pa din ako. Bakit? Kasi kumakapit pa din ako sa pangako nya.

"Sana mahintay mo ako, pangako babalik ako sayo"

Ayan. Klarong klaro parin para saakin ang bawat katagang iniwan nya saakin. Dahil sa mga katagang iyan kaya ako kumakapit ng ganito, kaya hanggang ngayon ay nagmamahal at naghihintay pa din ako. Kaya ngayon... Nasasaktan ako.

Alam nyo bang imbis na umalis ako kung nasaan sila ay mas pinipili kong manatili para lamang makita sya? Alam ko kasi sa sarili ko na hindi buo ang araw ko kapag hindi ko manlang sya nakikita kaya mas okay na ako yung nasasaktan 'wag lang pati araw ko masira. Sirang sira na nga ako eh, pati ba naman yung araw ko sisirain ko pa.

Papunta ako ngayon sa isang midnight restau-bar. 10:00 pm na at nagkayayaan kami ng bitchfriend ko na uminom dun. Bilang chaperone syempre kasama namin si Deighmarc, nanliligaw eh kaya walang palag. Makikilala nyo na rin ang nag-iisang bitchfriend ko. Sya yung dating binabaan ko ng telepono.

LOVE Midnight Restau-Bar. Nakakabitter ang pangalan ano? Ewan ko ba. Pumasok agad ako dito at hinanap ang mga kaibigan ko. Pero imbis na sila ang una kong makita ay mas nakita ko pa sina Jenny at Arvy kasama ng buong barkada nya. Masaya silang nagtatawanan. Hindi ko namalayan na naglakad na pala ako papalapit sa kanila mabuti na lang ay bigla ako hinatak ni Bitch.

"Ano bitch? Balak mo ba talagang maging tuluyang tanga?!" Sabi nya saakin ng makarating kami sa pwesto nila ni Deighmarc. Sya si Catherine Nicole Autingco. Ang bitchfriend ko, bakit bitchfriend? Halata nyo naman sa pagsasalita nyang bitch sya diba? Grabe yan, deretsahan. Wala syang pakialam kung makasakit ka man. Isa rin sya sa may-ari nitong LOVE MRB, kaya libre kami dito.

"Tanga na talaga ako bitch, no need na magbalak pa." Sabi ko sakanya at inisang tungga yung wine na nasa table namin. Safe naman kasi hindi naman iyon hard drink.

"So... may tinatagong kalandian pala yang oh-so-called-nice-bestfriend mo. Tss. Sabi na eh may tinatago syang baho." Sabi nya sabay tingin sa table nila Jenny. Napangisi na lamang ako at tinignan din ang table nila. Nakita kong wala duon si Arvy. Nasaan naman kaya iyon?

"Ehem... so may isang babae akong nais kantahan." Sabi ng isang lalaki. Pamilyar na pamilyar saakin ang boses na iyon. Yung boses na iyon din ang mismong nagtanong saakin nuon kung ano ang ginagawa ko sa likod ng poste. Napangiti ako. Pero agad na natigilan sa kadahilanang napagtanto ko na...

[A/N: Play the video above for the song :)]

~~Hi
Girl you just caught my eye
Thought I should give it try
And get your name & your number
Go grab some lunch & eat some cucumbers
Why did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' & it's something' I like
On your face, yeah it suits you
Girl we connect like we have bluetooth~~

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon