Chapter 11: Realization

3.7K 91 12
                                    

"Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I Love You but not everyone can wait and prove it's true"

••••••••••

Kagabi grabe na ang nainom ko, nagpaligsahan kasi kami ni Bitch ng padamihan sa pag-inom at take note hard drink pa yung pinagpaligsahan namin. Langya. Syempre hindi kasali si Deighmarc. Pag nalasing pa sya eh saan na kami pupulutin. Ng grabe na ang lasing namin ay bigla na lamang ako hinila ni Bitch patungong dancefloor. Syempre sayaw agad! Natawa pa nga ako kung paano harangan ni Deighmarc lahat ng lalaking lalapit sana kay Bitch pero hindi nya pinipigilan si Bitch kasi ayaw nya kontrahin o i-spoil man lang ang kasiyahan. Ang swerte ni Bitch sakanya nuh. Ako naman sariling sikap. Sariling taboy. Kahit naman single ako ay ayaw kong maging malandi. Kahit naman nagbabar ako ay hindi ako nakikipagsayaw sa kung sino at hindi ako nakikipag make-out. Yuck. Kadiri kaya! Atsaka kahit lasing ako. Nasa wisyo pa ako ano.

Dahil sa sobrang kalasingan kagabi ay eto ako ngayon sa Starbucks nagkakape. Grabe kasi ang hangover na dinanas ko. Kaya nandito ako para naman mahimasmasan ako jusko. Di pa din ako nakakapag-move on sa heart broken ko kagabi. Hays. Nakakahiya kasi sa harap pa talaga nila ako umiyak ng ganun at alam ko namang nandun pa din sila Arvy ng sumayaw ako ng sobrang lasing. Dati naman hindi ko ginagawa yun eh. Dati naman maingat ako pero ngayon. Napapabayaan ko na mismo yung sarili ko.

"Miss pwede maki-upo?" Sabi nya at umupo na. Eh?

"Nakakahiya naman ano? Nagpaalam ka pa. Eh di pa nga ako umo-oo naka-upo ka na." Pagtataray ko sakanya. Yung mga ganitong sitwasyon lumalabas ang pagka-bitch ko. Sumabay pa sya sa hang-over ko.

"Sungit mo naman. You seemed to be alone." Sabi nya nanaman. Akala ko ba makiki-upo lang sya? Hindi naman ako nainform na feeling close pala ang isang to.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Pagtataray ko muli at sinulyapan lang sya saglit bago ako kumain sa cake ko ulit.

"Sungit talaga... Miss, are you single?" Tanong nya. Napataas ang kilay ko.

"Yes, I am" Simpleng sagot ko sakanya.

"Then, you are free. Pwede kitang ligawan. Ang ganda mo pa naman" Sabi nya ulit. Kaya mas lalong napataas ang kilay ko. Pero napangisi din.

"Not all singles are free, some are still imprisoned in jail called memories" Bigla ko na lang nasabi. Napansin kong na natigilan sya, pero muling ngumiti saakin. Hindi ba sya nagsasawang ngumiti? Langya.

"Pwede mo ko pagsabihan ng problema mo. Sabi nga nila, mas okay daw na magsabi ka ng problema mo sa hindi mo kilala. Kasi hindi mo naman kilala eh" sabi nya ulit. Napatingin ako sakanya at parang tinitimbang yung sitwasyon. Hindi naman masamang maglabas ako ng sama ng loob diba?

Sumandal ako sa upuan ko at prenteng umupo ng nakadekwatro. Tumungin ako sakanya at sumipsip muna sa kape ko bago huminga ng malalim at simulang magsalita. "Once upon a time, there was a prince and a princess that love each other so much. But then, they need to break up and seperate but the prince told the princess that she just need to wait and he will comeback. After one week of waiting the princess heard about the news that the prince and a new princess is now inlove with each other. Holding on to what the prince said, the princess remain waiting but forgotten." Sabi ko. Ayaw ko magkwento ng direct. Baka maiyak nanaman ako. Gusto ko maglabas ng sama ng loob pero ayaw ko ng umiyak.

"What a pathetic princess" Sabi nya. Napantig yung tenga ko sa sinabi nya.

"What did you just say?" Tanong ko. Malay mo naman diba nagkamali lang ako ng rinig. Ano Keanna? Bingi-bingihan nanaman? -_-

"Sabi ko, what a pathetic princess." Inulit nya. Kaya naasar nanaman ako.

"Hindi.Ako.Pathetic" Sabi ko sakanya. Okay lang kung si Bitch ang nagsabi pero sya?! Langya hindi nya ako kilala!

"Yea, you're pathetic. Waiting and holding on to someone that's not really coming back" Sabi nya nanaman. Napatingin ako sakanya ng matiim. Yea, nagsasabi sya ng totoo. Alam ko naman yun. Magsasalita sana ako ng magsalita nanaman sya.

"You have Love, but you don't have your happiness" Sabi nya na nakapag-pakunot noo saakin.

"Paano mo naman nasabi iyon?" Tanong ko sakanya kahit alam ko naman ang sagot.

"Mahal mo sya. May pagmamahal ka pero alam mong sa patuloy mong pagkapit at pagmamahal sakanya ay nasasaktan ka na. Nasasaktan ka na sa puntong nawawala na yung kasiyahan sayo." Sabi nya na parang pinaiintindi saakin ang bawat sinasabi nya.

"Masaya ako. May kahalo mang sakit. Pero Masaya ako, masaya akong naghihintay sakanya." Sabi ko sakanya.

"Hulaan ko madami ka ng iniyak sakanya ano?" Tanong nya. Napaangat naman ako ng tingin ko sakanya.

"Oo" Maiksing sagot ko at napakagat labi.

"Yun yun eh. Bakit hindi ka pa sumusuko, Masyado ka ng madaming iniyak, masyado ka ng madaming nagawa, masyado ka ng napagod, masyado ng mahaba ang oras na ginugol mo para sa paghihintay sakanya, masyado ng madaming sugat ang pilit mong ginamot dahil sakanya, masyado ka ng madaming dinanas na pighati dahil sakanya, masyado ka ng madaming sakit na tiniis. Siguro naman eto na yung time na isipin mo naman yung sarili mo hindi ba? Siguro naman ngayon pwede naman na ikaw muna bago sya? Siguro naman pwede ka ng tumigil sa paghihintay sa isang taong hindi mo alam kung nakakapit pa ba. Siguro naman pwede ka ng bumitaw sa pangako na hindi mo alam kung siguradong matutupad pa." Mahabang lintaya nya. Napatitig ako sakanya at pilit na dinadigest ang mga sinabi nya. Hanggang sa may narealize at naamin ako sa sarili ko. Tama nga naman sya. Kaya napatango ako sakanya at napangiti.

"Salamat. Dahil sayo narealize ko lahat ng toh" Sabi ko at sadya kong pinutol ang mga salita ko.

"Ayan. Mag-gigive-up na sya. Siguro talagang madali syang sumuko" May mga binulong sya na hindi umabot sa pandinig ko kaya naman napakunot ang noo ko.

"Ano yung sinasabi mo?" Tanong ko sakanya.

"W-Wala yun. Ituloy mo lang yung sinasabi mo." Sabi nya saakin.

"Ahh, sasabihin ko sana, salamat dahil sa mga sinabi mo. Narealize ko na..... tama ka, sobrang tama ka. Sobrang dami na ng nagawa ko, sobrang dami na ng sugat na angamot ko, sobrang dami na ng naiyak ko, sobra na akong napagod, sobra ng mahaba ang oras na ginugol ko sa paghihintay. Sa sobrang dami na ng lahat ng yun ay hindi ko na kayang tumigil pa. Na sa tingin ko ay masasayang lahat ng 'yon at lahat ng pagod, lahat ng oras na iyon. Masasayang lahat iyon. Madami na akong nagawa, madami ng nasayang na oras tapos ngayon pa ba ako titigil? Ngayon pa ba ako susuko kung kelan nasanay na ako sa lahat ng sakit? Kung kelan nasanay na akong inuuna sya kaysa sa sarili ko. Kaya naman, mas pipiliin ko talagang magpatuloy pa." Sabi ko ng nakangiti sakanya. Ayan ayan lahat ng narealize ko sa lahat ng sinabi nya.

"What a tough, princess. Well then goodluck. Thank you for the seat." Sabi nya saakin. At tumayo na bago sya lumabas ay nginitian nya muna ako ng malaki. "Jayvy Vince Alonzo, nice to meet you. Just fight for my twin. Kaya mo yan" Napatulala ako ng magpakilala sya. S-Sya y-yung f-fraternal t-twin n-ni A-arvy?! Kilala ko sya pero hindi ko alam yung mukha nya.! Walanghiya! Nakakahiya!

-End of Chapter 11: Realization-

♦ Vote Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon