Chapter 12: The Talk

3.6K 74 11
                                    

"The greatest sacrifice is when you sacrifice your own happiness for the sake of someone else"

••••••••••

Naka-upo pa rin ako sa Starbucks at dinadigest ang mga pangyayari. Si VINCE talaga yun?! As in Vince na Kambal ni Arvy? Wahhhhh. Grabe! Tapos sakanya pa ako naglabas ng sama ng loob. Grabe. Sobrang nakakahiyaaa. Huhuhu. Papakain na ako sa lupa! Kaso sayang yung starbucks aba! Ang mahal kaya nito. Tapos hindi man lang sya nagpaka-gentleman. Hindi binayaran yung bill ko huhu.

Natauhan ako ng bigla kong narinig ang ringtone ko na muntik ng maging dahilan ng pagkabasag ng phone ko.

*Mahal, may tumatawag sa'yo, sagutin moooo~*

Bakit hindi ko pa pinapalitan iyon? Gusto ko kasing marinig pa rin yung oagtawag nya saakin ng "mahal". Kung alam ko lang nahahantong sa ganito edi sana nirecord ko bawat banat nya. -_____- Okay tama na ang drama. Sasagutin ko muna ito.

"Hello?" Paunang sabi ko. Hindi ko kasi talaga hobby na tignan kung sino ang tumawag bago ko sagutin.

"Jusko! Hindi ka pa rin ba natututong tignan ang caller bago mo sagutin?!" Boses at bunganga pa lang kilalang kilala ko na agad yung tumawag.

"Unti lang naman ang tumatawag saakin kaya no need. So anong kailangan mo Bitch?" Sabi ko sakanya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

"A-Ahmm. B-bitch" Sabi nya. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang pautal-utal nitong saad.

"Bakit Bitch?" Sabi ko. Asus.Bakit kaya nauutal-utal itong babaitang ito?

"May gustong kumausap sayo bitch. Punta ka sa Agustine Private Hospital" Sabi nya na seryoso ang tono. [A/N: Fictional place. You know what I mean]

"Okay bitch. Papunta na ako" Sakto namang malapit lang dito sa Starbucks yung Hospital na iyon kaya pwede akong maglakad. Mahal kasi yung Starbucks kaya wala na akong pera pam-pamasahe.

Sinimulan ko na ang paglalakad at sa wakas ay nakarating na din ako duon sa Hospital na sinasabi ni Bitch. Ano kayang ginagawa nya sa hospital?

Pagkapasok ko ay isang batok agad ang bumungad saakin. "Medyo matagal bitch ah." Sabi nya pagkatapos nya akong batukan. Itong babaeng ito talaga. Amazona.

"Sorry naman diba, naglakad lang kasi ang pooritang si ako. Sino nga pala ang kakausap saakin? Sa hospital talaga ang meeting place?" Paliwanag ko at sunod sunod na tanong. Napansin ko bigla syang nagseryoso at sinenyasan akong sumunod sakanya kaya naman sumunod ako.

Binuksan nya ang isa sa mga pinto ng kwarto dito sa hospital at tila natuos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sya.

Makita ko si Jenny na nakaratay sa hospital bed, nakasuot ng hospital gown at madaming nakakabit sa katawan nya. Tinulak ako ni bitch papasok, nagpatulak na lang ako dahil hindi ko ata kayang gumalaw dahil sa gulat. Dahan dahan nya na ding sinara ang pinto para siguro makapag-usap kami ng maayos.

"J-Jenneng, b-b--" Hindi ko na naituloy ang utal utal kong sasabihin ng magpakawala sya ng isang ngiti na halatang nahihirapan.

"P-Pwede b-bang ako muna ang magsasalita Yanna?" Parang gusto kong tumalon sa tuwa ng tawagin nya muli akong Yanna. Namiss ko ang tawag nya saaking ganyan. Napatango na lang ako sa sinabi nya.

"Unang una g-gusto ko magpasalamat. Salamat dahil ikaw lang ang kaibigan kong totoo saakin. Sayo ko lang naramdaman ang feeling na may kaibigan talaga. Pero ako itong tanga pinabayaan lang at sinayang lang ang pagkakaibigan nating dalawa." May tumulong luha sa mga mata nya at kasabay nun ay ang pagtulo ng akin.

"P-pangalawa. S-sorry Yanna, S-sorry sa lahat ng s-sakit na idinulot ko sa iyo, sa inyo." Napakunot ang noo ko at tinignan sya ng matang nagtatanong. Naintindihan nya ata iyon kaya sinimulan nya ang pagpapaliwanag nya.

"M-may Lukemia ako, Stage 4 at sinabi na ng doktor na maaari akong mamatay anumang oras pero manghihina muna ako. L-lubusang nalungkot ang mama at papa. T-tinanong nila ako kung ano ang gusto ko bago kunin ng Diyos ang buhay na ipinahiram nya. S-Sabi ko, g-gusto kong maging b-boyfriend si Vayne at maghiwalay kayo. A-alam mo naman kung gaano ko kagusto si Vayne mula noon diba? Sabay pa nga tayo nun eh. Pero para sayo talaga sya, ikaw talaga ang minahal nya. P-Pinilit nila mama si V-Vayne at sinabi nilang y-yun na ang huling hiling ko bago ako mamatay. P-Pero inabuso ko ang kondisyon ko. Humingi ulit ako ng isang pabor. Yun ay ang h-hindi ipaalam sayo ang lahat at ang pagiging sweet namin. Yanna, naging masaya ako pero binalot ako ng guilt ng makita ko kung paano ka masaktan at kung paano magpigil si Arvy para punasan lahat ng luhang pumapatak sa mata mo. Lalo na nung nasa LOVE MRB tayo. Pilit ko syang pinakakalma nung pinapanuod ka nyang sumasayaw at may mga lalaking pilit na lumalapit sayo. Yanna, ansama-sama kong kaibigan. Ansama-sama kong tao. Sinaktan ko at pilit kong pinaghiwalay kayong dalawa. Kayong dalawa na walang ginawa kundi magmahalan lamang. Yanna, hindi dapat ako sa langit. Yanna, patawarin mo ko. Hindi alam ni Vayne na nakapag-desisyon na akong kausapin ka ngayon. Wala syang alam dito. Yanna, sana, sana hindi ka nagsawang maghintay sakanya. Sana bago ako mamatay ay magkaayos na sana kayo, magmahalan ulit kayo. Yun na talaga ang huling hiling ko at sana mapatawad mo pa ako Yanna. Sorry, Sorry, So--" hindi ko na kinaya ang mga sinasabi nya kaya naman naglakad na ako palapit sakanya at pinunasan ang mga luha nya. Pinupunasan ko iyung kanya ng hindi alintana ang patuloy na pagtulo nung akin.

"Wala kang kasalanan Jenneng. Wala kang kasalanan. Wag mong sabihin yan. At kahit hindi ka man nasa ganitong kundisyon ay isang hingi mo lang ng tawad ay kaya na kitang patawarin. Kilala mo ko Jenneng, basta kaibigan ko hindi ko kayang magalit. Huwag ka ding mag-alala dahil gagawin ko yung pinaka huli mong hiling. Pangako gagawin ko iyon" Sabi ko sakanya at hinalikan sya sa noo. Nakakaginhawa ng pakiramdam. Sobrang nakagiginhawa.

"Salamat naman. Ngayon pwede na akong magpahinga ng payapa. Wala na akong mararamdamang kahit anong pagkamuhi sa sarili ko. Yanna. Mahal na mahal ka nya, Sobrang Mahal ka nya mula noon hanggang ngayon" Sabi nya saakin at tuluyan na syang pumikit.

-End of Chapter 12: The Talk-

♦ Vote Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon