Chapter 14: Stopped

3.5K 59 7
                                    

"Waiting sucks but when waiting is for him then it's wonderful"

••••••••••

Lahat ay naka-itim o kaya naman ay puti. Makikita ang kalungkutan ng lahat at the same time ay kasiyahan dahil nasa payapa na syang lugar.

Jenny Rojan. Ngayon ang araw ng libing nya. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang wala na sya. Pero alam ko namang mananatili sya sa puso ng bawat isa. Sobrang dami nya ding naitulonf at nagawang mabuti sa kapwa nya kaya ganun  na lang talaga ang sakit, lungkot at pighati na makikita sa mga dumalo sa libing. Ako? Hinahanda ko ang sarili ko para sa speech ko mamaya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat pero ninote ko sa sarili ko na. Kung ano yung gusto kong ishare tungkol sakanya, sa pinagsamahan namin. Yun, yun din ang sasabihin ko sa mismong speech.

****

Eto na ang oras para sa mga magsspeech. Unang nagspeech ang mama nya. At halos lahat ay hindi mapigilan ang luha nila dahil kung sino man ang pinaka-nakadadanas ng sakit dito, yun ay ang ina nya. Walang ina ang guatong mawalay o mawalan ng anak ng ganitong kaaga. Siyam na buwan nyang dinala sa sinapupunan ngunit hindi din ito nagtagal sa mundong ito.

Sunod ay ang tatay nya. A father's love into his daughter. Ang pagmamahal ng tatay ang isa sa pinaka-masayang pakiramdam. Pero ang mawalan ng anak para sa tatay ay daig pa ng pagkalugi sa negosyo ng isang daang bilyong dolyar. Wala, walang makapapantay sa lungkot na nararamdaman nilang dalawang magulang ni Jenny.

Sumunod ang mga katrabaho namin at kainigan nya. Hanggang sa tinawag na si Arvy.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa iyo. Hindi mo alam kung gaano kahalaga ang tinuro mo saakin, saamin. Pangako ko sayo na hindi ko sasayangin itong mga pangaral na binigay mo. Napakabuti mong tao. Sana ay mapayapa at masaya ka na kung nasaan ka man ngayon." Ganung kaikli lang ang mensaheng nais nya ipahatid pero isa na itong makabuluhang speech.

"Last but not the least is Jenny's Bestfriend, Keanna Dela Pena." Tumayo agad ako at lumapit duon ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko. Bigla ding nag-iba ang music at pumailan-lang ang isang tunog na pamilyar sa pandinig nating lahat.

[A/N: Play the video for the song]

~~We used to be frightened and scared to try
Of things we don't really understand why
We laugh for a moment and start to cry
We were crazy~~

"Hello Jenneng! Alam mo bang ilang beses ako nagtangkang gumawa ng speech para dito pero nababasa lang yung papel ng luha ko? Walanghiya ka kasi eh! Pinapaiyak mo ako ng husto!"

~~Now that the end is already here
We reminisce 'bout old yells and cheers
Even if our last hurrahs were never clear~~

"Hinihiling ko lang talaga na sana masaya ka dyan kung nasaan ka man.  Sana natanggal na lahat ng guilt sa puso mo at sana napatawad mo na ang sarili mo dahil kami? Sobra ka na naming napatawad." Tinignan ko si Arvy ng sabihin ko iyon, ngumiti nama sya.

~~Farewell to you my friends
We'll see each other again
Don't cry 'cause it's not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you~~

"Naalala ko tuloy nung sabay tayomg nagkagusto sa isang tao. Yung tipong paunahan pa tayo maka-stalk. Payabangan tayo sa pagpapapansin. Yung tipong kwentuhan tayo ng kwentuhan tungkol sa informations na nakalap natin tungkol sakanya. Ansarap balikan nung dati nuh? Nung panahong nenedays pa tayo Haha." Napatawa din ang mga bisita sa sinabi ko.

~~Yesterday's a treasure, today is here
Tomorrows' on it's way, the sky is clear
Thank you for the mem'ries of all the laughters and tears~~

"Alam nyo po kasi iyang si Jenny ay sobrang bait nyan. Yung ginawa nya nitong mga nakaraan? Iyan ang kauna-unahang ginawa nya para sa sarili nya. Dyan sya unang nagpaka-selfish talaga."

~~And not to mention our doubts and our fears
The hypertension we gave to our peers
It's really funny to look back after all of these years~~

"Jenneng! Mamimiss ko ng sobra yung boses mo! Super! Grabe! Yung mahinhing boses mo na nagbabanggit ng pangalan ko. Tapos yung pangalan ko ay magtutungo Maria Clara." Nagtawanan muli ang mga bisita.

~~Farewell to you my friend
We'll see each other again
Don't worry 'cause it's not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you~~

"Masyado ka ng madaming mabubuting nagawa, siguro nga pagod ka na. Magpahinga ka na ng maayos Jenneng. Maraming maraming salamat dahil sayo, mas tumibay kaming dalawa. Sobra akong nagpapasalamat sayo."

~~Farewell to you my friends
We'll see each other again
Don't worry 'cause it's not the end of everything
I may be oceans away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you
With you my friends, with only you~~

"Tinupad ko yung pangako ko Jenneng! Goodbye! Mahal na mahal kita! Hwag kang mag-alala, babaunin ko lagi yung alaala nating dalawa kahit saan man ako magpunta. 'Til we meet again" Sabi ko at pinunasan ang luha ko bago ko binitawan ang mic. Pagkabalik ko sa pwesto ko ay agad akong hinagkan ni Arvy at hinalikan sa temple ko.

****

Natapos ang paglilibing kay Jenny at alam na nating lahat na payapa na sya kung nasaan man sya ngayon.

"Iha, ikaw ba si Yanna?" Napalingon ako kay tita Jennifer, ang mama ni Jenny.

"Opo ako nga po iyon." Sabi ko, nanatiling nasa gilid ko si Arvy kaya sinulyapan muna ito ni tita Jennifer bago tumingin muli saakin.

"Gusto ko lang magpasalamat iha, anak. Pinasaya mo ang anak namin sa mga huling oras nya dito. Napakabait mong bata" Sabi ni tita. Magsasalita na sana ako ng magsalita si tito Davyel, ang papa ni Jenny.

"Patawarin mo din sana kami sa nagawa namin." Sabi ni tito. "Pagpatuloy nyong dalawa ang pagmamahalan nyo." Dugtong nya pa.

"Walang anuman po tita. Matagal ko na po kayong napatawad tito." Sabi ko sakanila. Nagpaalam na sila pero bago iyon ay tinapik muna ni toto sa balikat si Arvy na tinanguan lamang ni Arvy.

"Mahal" tawag pansin saakin ni Arvy

"Bakit mahal?" Tanong ko naman

"Salamat sa walang sawang paghihintay ah. Pero ngayong araw na ito ay kailangan mo ng tumigil. You need to stop waiting" Sabi nya na ikina-kunot ng noo ko.

"Tara. May pupuntahan lang tayo" Sabi nya at hinila ako sa sasakyan nya.

-End of Chapter 14: Stopped-

♦ Vote Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon