Epilogue

3.7K 71 18
                                    

Ang bawat storya ay may pagtatapos
Ang lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan
Ultimo ang paghohintay ko sakanya ay may hangganan
Pero ang pagmamahalan namin? Sana wala.
Pati ang storya naming dalawa ay may pagtatapos din. 
At Eto na nga iyon. Ang pagtatapos

"Arvy Vayne Alonzo, do you take Keanna Louise Dela Pena to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" Tanong ng pari kay Arvy. Oo ito na yun! Ang kasal namin at ito na rin ang pinaka-masayang araw sa buong buhay ko.

"I do." Sagot ni Arvy ng walang pag-aalinlangan. Aba dapat lang ano. Sa ganda kong ito ay mag-aalangan pa sya? hihi. Mas hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko ng ako na ang tanungin ng pari.

"Keanna Louise Dela Pena, do you take Arvy Vayne Alonzo to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" Tanong nya. Asus. Tinatanong pa ba yan father?

"I do, father. I do" Sagot ko agad. May kung ano-ano pang sinabi ang pari bago ko marinig ang mga katagang.

"I may now pronunce you as husband and wife, You may kiss the bride" 

Naghiwalaya ang labi namin ni Arvy at sinabi nyang. "I love you Mrs. Alonzo". "I love you too Mr. Alonzo" sagot ko sakanya at hinalikan nanaman nya ako.

"Oh tama na yaaaaan! Isang halik lang! Ireserve nyo na yan mamaya! Nakakabitter na eh!" Natawa kaming lahat ng sumigaw si Bitch. Inakbayan naman sya ni Deighmarc. "Pakasal na rin kasi tayo, babe" Sabi nito at ngumiti ng pilyo. Pinalo naman sya ni Bitch pero hindi nakaligtas saakin ang pamumula ng mukha nya. Oo sila na ni Deighmarc! Pabebe lang naman yang Bitchfriend ko kasi.

Ngayon pwede ko ng masabi na nakamit ko na talaga ang kaligayahan ko. Masaya na ako sa kung ano mang meron ako ngayon. Masaya na ako sa pagiging asawa ng taong mahal ko. Kaya itong storyang ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng pinaghihintay ay nasasaktan at umaasa lamang sa huli. Oo, hindi natin maiiwasan ang masaktan. Kasi sabi nga nila kaakibat ng sakit ang pagmamahal. Kapag hindi ka nasaktan ay hindi ka tunay na nagmahal. 

Dapat din sa buhay natin ay malaman natin kung kailan dapat sumuko o kung kailan dapat magpatuloy. Kung madami ka ng bagay na naisakripisyo para lamang sakanya bakit ka pa susuko hindi ba? Edi lahat ng isinakripisyo mo ay napunta na sa wala. Kung susuko ka lang din sa dulo ay sana sa simula pa lang ay hindi mo na inumpisahan.

Ako? I'm not a quitter. Kaya kahit hindi nya na nais panindigan ang mga pangako nya ay nandito pa rin ako para panindigan yung akin. Kahit sobrang sakit na ay hindi ko kailangang umalis o tumigil. Kasi nga I'm not a quitter and I take challenges with full of confidence. May tiwala ako sa sarili ko alam ko kung kelan ko na hindi kaya.

"Are you ready to make this house a home, my wife?" Tanong nya saakin. Nandito na kami sa bahay na ipinatayo nya para saaming dalawa. Napakswerte ko talaga sakanya kaya masaya akong sakanya talaga ako kinasal. At syempre alam nyo na ang ginagawa pagkatapos ng kasal.

"I am excitedly ready, mahal" Sabi ko at pagkasagot na pagkasagot ko ay agad nya akong sinunggaban ng halik pero may pag-iingat. And we make our first love in that night.

Ako si Kenna Louise Dela Pena. Nagmahal, Nasaktan, pero patuloy na nagmahal kaya ngayon ay sinuklian din ng sobrang pagmamahal. At sa mga nangyari at napagdaanan ko sa buhay at pagmamahal na ito, I'm proud to say that I am a Pathetic Martyr Bitch.

-End of Epilogue-

A/N: Keanna's short story is now done!

♦ Vote Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon