"Sometimes we create our own heartbreaks through expectation"
••••••••••
Akala ko kasi ako lang. Akala ko kasi kami lang. Akala ko kasi maghihintay lang ako, babalik na sya. Akala ko kasi maghihiwalay lang kami pero wala syang iba. Akala ko kasi yung relasyon namin pang-walang hanggan. Akala ko kasi yung pangako nya ay masasakatuparan
Pero sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala. Madami akong maling akala pero hindi pa ako namamatay. Ang kapalit? Unti-unti naman akong pinapatay sa sakit. Sakit tuwing nakikita ko silang dalawa na sobrang sweet. Yung tipong pati asin lalanggamin, yung tipong nahiya na mismo ang asukal sakanila.
Hatid sundo sya ni Arvy, sabay silang naglalunch, nagkukulitan kahit magkalayo ang cubicle, tumatawa ng malakas, may akbayan at yakapang nagaganap.
Bulag, Bingi na ba ako kung sasabihin kong para saakin ay wala lang iyon? Kung para saakin ay hindi pa talaga sila? Siguro nga oo, Siguro ng bulag nga ako, siguro nga bingi na ako, siguro nga.
Manhid na nga din siguro ako. Nakakaramdam ako ng sakit pero pilit kong tinitiis. Sa sobrang panlalamig nya, masasabi kong manhid na nga siguro ako.
Hindi ko na kilala ang sarili ko. Ako yung dating masiyahin pero masungit. Mahilig mambara at hindi papatalo. Ako din yung hindi pumapayag na pagbulungan o husgahan ako ng iba. Pero iba na ngayon. Para saakin ang bawat araw ay gabi, puno ng dilim. Para saakin ay wala na lang yung panghuhusga nila dahil ako mismo ay hindi na kilala ang sarili ko.
Pagibig. Eto na ba yung epekto mo? Alam kong hindi. Dahil sabi ni masaya daw umibig. Siguro nga. Eto ang epekto ng sakit pero hindi ng pag-ibig. Pero bakit ganito ako? Naghihintay at umaasa pa din ako sakanya. Kumakapit pa rin ako sa pangako nya. Siguro nga martyr talaga ako.
Sa ilang araw na nagdaan mula nung makita ko sila sa McDo ay hindi na ako kina-usap pa ni Jenny. Wala akong galit sakanya, malay nyo naman katulad ko lang syang nagmahal lang. Wala akong galit kahit kanino pero ayoko ng ganito. Gusto kong ibalik yung pagkakaibigan namin pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong kumpirmahin sa kanya ang totoo. Gusto kong makasigurado kaya nakapag-desisyon akong kausapin sya ngayon.
Pagkapasok ko palang muli sa building ay andyan nanaman ang kanilang tingin. Tingin na nanghuhusga o nandidiri o kahit ano pa yan. Wala na akong paki-alam. Sa sobrang wala akong paki-alam ay nagulat na lang ako natilapid ako. May tiles ata na sobra kaya mali ako ng pagkakatapak. Leche, ansakit ng pagkakabagsak ko ah. Parang sa pag-ibig, may mga oras talaga na masakit pag nahulog ka na.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nagsi-tawanan sila pero yung iba nahiya pa, pinigil pa. Sus. Ilabas nila yan baka sa iba lumabas.
Patayo na sana ako ng makita ko si Arvy sa harap ko. Akala ko iaabot nya ang kamay nya para tulungan ako, Akala ko babalik sya saakin at sasabihin kung gaano ako kaclumsy, Akala ko mag-aalala sya at sasabihing next time ay mag-iingat ako. Eto nanaman ako sa mga maling akala kaya pinapatay nanaman ako sa sakit. Sakit ng nilampasan nya ako at hinalikan sa pisngi si Jenny na galing kung saan.
Agad akong tumayo. Siguro naman kailangan ko magbigay ng kaunting konsiderasyon sa sarili ko diba? Nakakahiya naman eh. Sobrang nakakahiya na ako. Nakatingin ako sa kanilang dalawa. Humupa na ang mga kapwa namin katrabaho dahil madami pang dapat asikasuhin.. Huminga ako ng malalim. Eto na Keanna. Kaya mo yan.
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Short StoryKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥