"The only reason people hold on to memories so tight is because memories are the only things that don't change when everything else does"
••••••••••
Nagising ako ng tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw. Agad akong napabangon. Hala! Late na ako! Lagot! Pero nabigla ako ng sobrang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak ito. Langya. Binibiyak na nga yung puso ko pati ba naman ulo ko? Maawa naman kayo sa organs ko. Hangover -_- Grabe siguro talaga yung nainom ko kahapon.
Napatingin ako sa side table ko ng may nahagip ng paningin ko. Isa itong note.
Alam kong may hang-over ka pa. Huwag ka munang pumasok.
Sasabihin ko na lang sakanila na masama ang pakiramdam mo.
Maligo ka tapos ipainit mo na lang yung coffee na hinanda ko
at magpahinga ka. Take Care :)Iyan ang nakasulat sa note, base pa lang sa penmanship nitong mukhang kinalahig ng manok ay alam ko ng si Deighmarc ang may sulat. Grabe talaga sya mag-alala at ang sweet nyang bestfriend. Naligo agad ako kaya naman nahimasmasan ako ng kaunti.
Ipainit mo na lang yung coffee na hinanda ko
Ipainit mo na lang yung coffee
yung coffee
yung coffee
WAHHHH *_* for your information kasi, Lasang heaven ang kape basta si Deighmarc ang may gawa! Agad kong ipinainit ito at ininom. Hays. Ansarap talaga. Walang pag-babago. Dahil wala akong magawa ta parang 'day-off' ko ngayon ay tinignan ko ang cellphone ko.
Na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.
October 9, XXXX
Walanghiya nga namang tadhana oh. Nananadya kaba?! DAY-OFF KO NGA SATRABAHO PERO HINDI NAMAN SA SAKIT! October 9, XXXX 4th Anniversary namin ngayon ni Arvy. 4th Anniversary SANA namin ngayon.
Dahil baka maisipan kong magpakamatay o maglaslas ay napagdesisyonan ko na lang na lumabas at magliwaliw. Bahala na kung saan ako dadalhin ng paa ko. Lakad lang ako ng lakad ng may nakita akong motor. Motor na katulad ng sumusundo saakin noong nakaraang buwan. Ilang buwan na ba ang lumipas? Hindi ko din alam eh.
*Flashback*
"Sakay ka na, mahal! Magtiwala ka lang saakin, promise di kita ihuhulog!" Sabi nya saakin ng nakangiti at pinipilit akong sumakay sa motor nya.
Sumakay naman ako pero binulong kong, "Hindi daw ihuhulog, eh nahulog na nga ako sakanya". Sadyang pang lobo ata ang tenga nito kaya naman narinig nya.
"Paano kita pipigilang mahulog kung nahulog din ako sayo?" Napamulahan naman ako ng mukha dahil sa banat nya.
*End of the Flashback*
Napangiti ako ng maalala ko yun. Ang Arvy ko na puno ng mga banat sa katawan at wala ni isang araw na hindi ako pinakilig.
Habang naglalakad muli ako ay nakita ko ang tindahan ng fishball kung saan lagi kaming bumibili ng sabay ni Arvy. Isa yan sa saksi ng kabaduyan naming pagmamahalan.
*Flashback*
"Eto po yung bayad kuya oh." Sabi nya sabay abot ng bayad sa tindero.
"Mahal, pati yung kinain ko, binayaran mo? Sabi ko ako magbabayad diba?" Sabi ko sakanya, ng mapansing kong bayad na ang lahat ng kinain namin.
BINABASA MO ANG
Pathetic Martyr Bitch
Short StoryKeanna Louise Dela Pena's "In love you need to let go, but waiting is a must" -- Written: 12/21/16-12/24/16 ✓Completed -Ate Z♥