Kabanata 10

1.4K 84 14
                                    


VENICE's Point Of View

GABI na nang makauwi ako ng apartment. Hindi na ako sumabay kay Jared ng uwi. Talagang sinadya kong gumala muna sa park bago umuwi. Ayoko ko kasing madatnan ni Papa o kaya naman ni Tita Tina o kung sino mang kasama ni Jared sa apartment niya na mugto ang mata ko dahil sa walang humpay na pag-iyak.

Nakailang inhale at exhale pa ako bago naglakad papunta apartment room namin. Papalapit na ako sa pintuan nang makasalubong ko si Matthew. As usual, isang death glare agad ang sinalubong niya sakin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

"Bakit mugto iyang mata mo?" Out of the blueng tanong niya. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

"Napuwing lang ako," pagsisinungaling ko.

"Liar! Ang sabihin mo bumagsak ka lang sa exam ninyo!" Sabi niya bago ako binelatan at tumakbo na siya papasok ng pinto ng apartment ng Kuya niya.

Para akong lantang gulay na humiga saking kama pagkapasok ko ng aking kwarto. Wala naman kaming ginawang nakakapagod sa school pero feeling ko sobra iyong pagod ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa mapadako ang aking tingin sa isang sobreng matagal ko nang hindi nabubuksan.

Bumangon ako at kinuha iyon bago binuksan at binasa ulit habang nakahiga.Pagkatapos basahin hindi ko maiwasang mapaluha. Pumikit ako tsaka tinapon iyon sa basurahan hindi kalayuan sa kama ko at dahil din siguro sa pagod at sama ng pakiramdam nakatulog agad ako.

JARED's Point Of View

"NASAAN si Venice?" Tanong ni Mom pagkaayos niya ng mesa. Sabi niya dito raw kakain sa amin si Venice ngayon.

"Nakita ko siyang mugto ang mata kanina habang papasok ng apartment nila." Sabi ni Matthew.

"Red, call her. Baka hindi pa iyon kumakain."

"Why would I?" I don't want to face her right now. Damn!

"Because I said so," maarteng sabi ni Mom. Tsk. Tinarayan pa ako. "Gagawin mo o hahanapan na kita ng asawa ngayon palang."

"Fine. I'll do it." Sabi ko bago naglakad papunta sa apartment ni Venice. Napailing ako. Kung ano talagang maipilit ni Mom lagi nalang nasusunod.

Magdodoorbell na sana ako nang mapansin kong bukas ang kanilang pinto. Pumasok ako para hanapin siya. Naikot ko na ang buong apartment nila at kwarto nalang niya ang hindi ko napapasukan kaya dumiretso ako doon. Pinihit ko iyong seradula ng pinto. Bukas. Pumasok ako at nakita ko siyang nakahiga sa kaniyang kama.

Lumapit ako sa kama niya at napansin ko iyong kaniyang luha sa mata habang nakapikit. Tsk. Such a crybaby.

Napagdesisyunan ko nang hindi siya gisingin at hayaan nalang matulog. Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang mapansin ko iyong papel na maayos na nakatapon sa trash can. Wala sa sarili akong lumapit doon at pinulot ang papel na iyon. Parang may nagtutulak sa akin na basahin iyon. Weird.

To: Jared Mendiola
From: Venice Martinez

Dear Jared,

Hi, Im Venice Martinez ng class E. Alam kong hindi mo ako kilala pero ikaw sobrang kilala ko na. Batchmate mo ako since elementary tayo. Way back, sobrang hinahangaan talaga kita maslalo na nang ibigay mo ang speech mo sa buong freshmen. Sobrang speechless ako sa kagalingan mo. By that, I really admire you until now. I didn't make this letter para magpaimpress sa'yo but to express my feelings.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon