Special Kabanata: Francis Bojeador and Nicole Jean Penetrado
====================================
Aso't Pusa Love Story
~×~
NICOLE's POV
Sino si Francis Bojeador para sa akin?
Siya yung,
lalaking kinaiinisan ko.
Nayayabangan ako sa kaniya.
Hindi siya gwapo mukha siyang kwago.
Mayabang siya.
Hindi gentleman.
Naiinis ako sa kaniya at kumukulo ang dugo ko kapag tinititigan ko siya dahil hindi niya lang kakilala yung ex boyfriend kong si Jake kamukha niya pa!
Pero, kahit na ganoon.
Natutunan ko siyang mahalin. Hindi ko alam kung kelan, saan at pano nangyari ang lahat. Basta nagising nalang ako isang araw na gusto ko na siya. Na siya na yung pinapangarap kong makasama araw araw. Na sa kaniya na ako nakatitig. Na siya na yung lagi kong iniisip.
Pero, hindi niya ako gusto. Mas mahal niya pa rin yung ex niyang mukhang kulugo. Bagay nga sila, pareho silang tanga. Hindi makamove on sa isa't isa. Tch.
"Problem?" Hindi ko na kailangan linungin kong sino yung nagsalita sa tabi ko. Sa pagtibok pa lang ng mabilis ng puso ko kilala ko na agad kung sino siya.
"Yung mukha mo problema ko. Ang panget!" Sabi ko.
Natawa siya. Shit! Wag siyang tatawa tawa nagiging kamukha niya yung ex kong matsing.
"Mukha ko na naman ang problem mo? Baka naman iba na yan." Tudyo niya sakin. Napairap ako. Ano ngayon kung ganoon nga?
Shit! No way! Hindi ko masabi. Ayokong sabihin dahil baka lumayo siya sakin. Siguro ganito yung nararamdaman ni Jibbson kay Venice. Mas maganda na ngang itago tong nararamdaman ko kesa naman sabihin ko at magkaroon ng lamat yung pagsasama namin.
"Asa!" Sabi ko sabay irap at inom ng beer. Napapikit pa ako nung maramdam ko yung init noo sa lalamunan ko. Ito napapala ng napifriendzoned eh.
"Shit, Nic nandiyan na siya." Aniya hababg nakatingin sa entrance nitong bar. Napatingin ako sa pinto ng bar at nakita ko doon yung ex niyang mukhang hindi maidescribe habang nakakapit na parang tuko sa ex kong mukhang matsing. Oh well, bagay sila. Parehong manloloko.
Ito ang gusto ni Francis kaya oumupunta kami dito sa bar tuwing weekends para makita yung ex niyang hindi niya mamove onnan. Tsk. Anong mapapala niya doon? Panayang ng oras, sana hindi na talaga ako sumama sa kaniya dito eh. Sana nagkulong nalang ako sa bahay at nanuod ng kdrama. Pero, hindi ko alam kung bakit ako umoo sa Francis na to nung yayain niya na naman ako dito at lalo't higit na pumayag sa gusto niyang mangyari.
"Ready kana?" Tanong niya. Nakangisi.
Inubos ko yung laman ng beer ko. "Kanina pa." Simple kong sagot.
"Go," aniya sabay kindat. Inirapan ko siya.
Tumayo ako sa stall na inuupuan ko at inayos yung shorts ko na gumuhit na sa legs ko dahil sa tagal na pangkakaupo. Inayos yung tube ko at rumampa sa tabi nung ni Jake (my ex) at sa ex ni Francis na hindi ko matandaan ang pangalan kahit naka 100 times na atang ulit si Francis kakasabi ng name niya.Nagulat si Jake pagkatingin sakin nung yakapin ko siya mula sa kaniyang likuran. "Hi, babe miss me?" Sabi ko habang pinupulupot yung braso ko sa braso niya.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...