Kruuuuuu~Kruuuuuu~Hindi ko siya mapigil. Bakit ngayon pa?
Kruuuuuu~Kruuuuuu~
Lalabas na talaga 'to pag di ako nakapunta ng banyo. Pero kapag pumunta akong banyo makikita ako ni Maldits at magagalit sakin si Jared.
Pinigilan ko pa din ang aking tiyan kahit gusto na talagang ngumanga ng pwet ko. Kunting tiis nalang! Kailan ba isya aalis?!
Sa kakapigil ko napautot ako ng wala sa oras. Napatakip ako ng ilong nang maamoy ko iyon. Ang baho! Para bang natae na ako! Nakakahiya.
"What's that smell?" Dinig kong sabi ni Maldits na ikinahiya ko ng sobra. Para akong tinapunan ng malamig na tubig kahit umiinit na ang aking pakiramdam.
"Huh?" Tanong ni Jared.
Napasilip ako at napanganga ng takpan niya ang kaniyang ilong.
"Ang baho." Sabi ni Maldits. Sige nga umutot ka at aamoyin ko. Tingnan ko kung mabango. Tss
Napatingin sa gawi ko si Jared habang nakahawak sa kaniyang ilong. "Natatae ako," bulong kong sabi sa kaniya. Ngumingiwi na sa hirap. Tumayo siya.
"We better go. Hindi ko alam kung anong nangyayari dito." Sabi ni Jared sabay hila kay Maldits palabas ng apartment nito.
Mabilis naman akong lumabas sa aking pinagtataguan pagkasarado nila ng pinto. Pinakinggan ko ang yapak nila paalis at ng wala na akong marinig mabilis na akong lumipat ng apartment ko bago dumiretso sa cr at binuhos doon lahat ng sama ng aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ako at nagderitso na ako sa pagligo para fresh.
Papalabas na sana ako ng apartment nang marinig ko ang boses ni Maldits. Sinilip ko sila sa siwang na nanggagaling sa pintuan. Magkaharapan sila ni Jared.
"Here. Salamat sa pagpapahiram sakin." Usal ni Jared sabay bigay ng aklat kay Maldits.
"No problem. Marami pang aklat sa bahay. Punta ka lang kung gusto mong manghiram." Sabi pa ni Maldits. Pagood shot din siya. Ginamit pa ang aklat. Tss.
"So, alis na ako?" dagdag niya pa. Dapat kanina mo pa 'yan ginawa.
"Yeah, salamat ulit." Sabi ni Jared. "Welcome. Next time laro tayo ng tennis sa labas." Yaya niya. Kapal talaga ng face.
"Sure thing." Bakit pumayag ka Jared? Hindi mo ba napapansin na siniseduce kalang ng babaeng 'yan? Pati pagtetennis ginagamit niya para mapalapit lang sa iyo.
"Una na ako. Salamat sa time at libre ng ice cream. Sa uulitin." Nakangiti niyang paalam.. Binuksan ko ng kaunti ang pinto ko at sumilip doon. Nakita kong naglakad na palabas si Maldits. Madapa ka sana sa hagdan!
Isasarado ko na sana ang pinto ko ng mapatingin sa gawi ko si Jared. Nagkatitigan kami at nakita ko siyang napailing. Papasok na sana siya sa apartment niya ng hinawakan ko ang kaniyang laylayan ng t-shirt.
Siguro naisip niya yung ginawa ko kanina. "Sorry," sabi ko bago pa siya makapasok sa kwarto niya.
Humarap siya sakin. Nakayuko lang ako at hindi inalis ang pagkakahawak ko sa laylayan ng t-shirt niya. Guilty. "Ikaw ang naglagay ng sili sa chicken curry niya, diba?" mahinahong sabi niya. Tumango ako. Napakagat labi.
"Bakit mo iyon ginawa?" Taka niyang tanong.
Napatingin ako sa kaniya. "Nainis kasi ako sa kaniya--"
"Yon lang?! Nainis ka lang sa kaniya kaya mo iyon nagawa?" Mataas ang boses niyang sabi na kinagulat ko. "Alam mo bang allergic si Chantal sa maanghang?! Papano nalang kung inatake iyon kanina?! Anong gagawin mo!?" Naiiyak na ako sa pagsigaw sakin ni Jared. First time niya akong sigawan ng ganito. Hindi ko naman talaga alam, eh. Hindi ko naman gagawin iyon kung alam kong allergic siya doon.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfic[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...