"VENICE, may gagawin ba kayo ng mga kaibigan mo bukas?" Isang umagang tanong sakin ni Tita Tina habang nagbebreakfast.
Napaisip ako. Wala naman kaming napagkasunduang gawin maliban nalang sa paggagala sa kung saang saang mall nina Nicole para magwindow shopping. Wala din namang gagawin ang mga boys na kasama namin. In short team bahay kaming lahat ngayong vacation.
Umiling ako. "Wala naman po Tita." Sagot ko. Malapad na ngumiti si Tita Tina na para bang masaya siyang walang kaming gagawin bukas.
"So, pwede mo ba silang isama bukas aalis kasi tayo." Nakangiting tugon ni Tita Tina.
"Lahat po sila, Tita? Sure po kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yup! Lahat ng mga kaibigan mo." Tumango nalang ako bilang sagot. Baka naman magpipicnic kami sa tabing dagat o something. Knowing Tita Tina gustong gusto niyan ng mga ganoong bagay. Iyong mga bagay na nakakastress free.
"Okay po Tita sasabihan ko po sila." Sambit ko.
"That's good." Masaya niyang sagot. Mula ng lumipat ulit ako sa bahay nina Tita Tina, naging ayos na yung pakikitungo sakin ni Matthew. Hindi na siya katulad ng dati na sobra ang pagkademonyo sa'kin. Iyong tipong kahit papano mafefeel kong at home ako sa bahay nila. Even Jared, mas maganda na rin ang inaasal niya sa'kin ngayon. Meron time na nagsusungit siya pero sanay na ako doon kaya minsan hindi ko nalang din pinapansin.
"How about you, Jared? Gusto mo bang magsama ng friend mo bukas?" Tanong ni Tito Matt.
Umiling siya. "Lahat ng kaklase ko nagpeprepare para sa entrance exam sa colleges na gusto nilang pasukan that's why hindi na ako mang-aabala. But, one thing I sure Chantal will go with us." Aniya.
"You're girlfriend! That's good." Sambit ni Tito Matt na biglang siniko ni Tita Tina at nagpapaumanhing tumingin sakin. Ngumiti ako kay Tita. Matagal ko nang alam na hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay sakin ni Jared kaya hindi na ako umaasa. Hanggang ngayon sila pa rin ni Chantal and they getting strong.
"May nasabi ba akong mali?" Ani Tito Matt. Binigyan siya ng matalim na tingin ni Tita Tina.
"Wala naman po, Tito." Sabi ko baka mag-away pa silang dalawa sa harap nina Matthew at Jared.
"Wala naman daw akong nasabing masama." Ani Tito kay Tita.
"Wala kang pakiramdam, Papa." Sambit ni Tita Tina habang kumakain.
Napakamot nalang sa ulo si Tito. Ganiyan 'yan silang dalawang magtampuhan sa isa't isa. Parang mga teenagers na nasa lugar naman. Nakikita ko nga sa kanila sina Papa at Mama. Kung nandito siguro sila ganoon din sila.
"Im done! I got to go." Ani Matthew at nagmamadaling nagsuot ng sapatos.
"Saan ka pupunta?" Taka kong tanong. Tapos na diba ang klase bakit nakabag pa siya?
"Advance class. Tatalunin ko iyong pinsan ng suitor mo." Tugon niya at binalibag pasara ang pinto.
Anong nangyare doon?
"Im done." Tumayo si Jared bago walang lingong umalis. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain para makapunta na sa bahay ng aking mga kaibigan. Pagkatapos kong tumulong sa paghuhugas ng plato kay Tita dumiretso ako ng kwarto ko at naligo. Bumababa ako ng bahay ng saktong may nagdoorbell.
"Jared may tao," ani Tita Tina na nasa kusina. Walang response kay Jared kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto.
Mukha ni Chantal na nakayellow dress na tinirnuhan niya ng white high waist skirts ang kaniyang damit na bumagay naman talaga sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...