SPG Alert. Patnubay ng MayWard ang kailangan.
---------
JIBBSON's Point Of View
ANG sakit!
Ang sakit pala talagang mareject ng taong mahal na mahal mo. Para bang pinipiga ng paulit ulit ang puso ko at wala akong magawa para pigilan ito.
Busted? Tangina naman! Alam kong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay. Alam ko hanggang doon lang kami. Pero, shit lang! Hindi ba pwedeng maging kami? Hindi ba pwedeng mahalin niya din ako? Hindi ba pwedeng bigyan niya ako kahit katiting na chance para maipakita ko ang nararamdaman ko sa kaniya? Hindi ba pwede iyon? Bakit kasi hindi pwedeng maging kami nalang?
Bakit kasi hindi nalang ako, Venice? Buti ako lagi siyang pinapangiti. Laging ginagawa ang gusto niya at kahit kelan hindi siya sinasaktan at pinapaiyak ng sobra.
Umiling ako. Shit! Ano ba tong iniisip ko?
Hindi ko talaga mapigilang magkimkim. Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?
Kung hindi, then why?!!
Napangisi ako, gago Jibbson! Get youself, man! Hindi ka si Liza!
Speaking of Liza, siya ang crush kong artista na kapartner ni Enrique Gil na sobrang iniidolo ni Venice. Naalala ko pa nung pageant. Kung nakita n'yo lang ang mukha ko dati nang una magpakita siya sakin para akong tangang napatunganga sa kaniya dahil sa ganda niya.
Hindi pa iyon natapos. Maslalo na ng nanalo siya. Iyong ngiti niyang sobrang saya na kahit hindi ako nanalo para na ding ako nanalo dahil sa ngiti niyang iyon, sobra! At ito pa ang matindi, halos hindi ako nakatulog ng mahimbing sa ginawa niyang paghalik saking pisngi. Walangjo lang! Sobrang saya ko ng time na iyon na halos lahat ng makasalubong ko sa daan kulang nalang kamayan ko sa sobrang saya. Akala ko matapos iyon may pag-asa na akong magustuhan niya.
Na magagawa niya na din akong mahalin. Pero, ang tanga ko dahil pinaniwala ko ang sarili sa ganoon. Dahil kahit kelan kaibigan lang ako. Hanggang doon lang. Walang limit sakto lang. Hindi niya ako matutuhang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
Mapait akong ngumiti tsaka inubos ng tuluyan ang lamang alak ng aking basong hawak hawak at kanina pa tinititigan. Bigla naman ang pag-alingawngaw ng kanta na nang gagaling sa isang banda sa stage. Sa lahat ng pwedeng kantahin yan pa talaga.
Nandito ako umiibig saiyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako...Pangbweset lang. Kita naman angmumukmok ako dito iyan pa ang kinanta ng lokong iyon. Tinitigan ko siya ng masama. Feel na feel niya pa yung pagkanta sa harap dahil maraming mga babaeng nagtitilian sa harapan niya. Pakupal lang. Sino ba iyon? Bakit ngayon ko lang nakita iyon dito?
Wait nga lang, pakiaalam ko ba sa kaniya kung sino siya? Bakit ko ba pinobrolema ang isang iyon? Tsk.
Bumalik ako sa pagmumuni muni ko at nagsalin ulit ng alak. Kulang pa ba ang ginawa ko para hindi niya ako mahalin?
Feeling ko naman, ginawa ko naman na ang lahat ng kaya ko pero sa huli ganito pa rin ang nagyari. Siguro, dapat na akong makuntento sa ganito. Mabuti nga hindi lumayo sakin si Venice matapos kong magconfess. Masaya na ako dahil doon.
"Hi, gusto mong may makausap? Im free." Napalingon ako sa babaeng lumapit sakin dito sa bar. Nakashorts siya ng maikli kaya kitang kita ko iyong legs niyang mahaabat maputi. Nakatube din siya na nagpapakita ng magandang hubog ng kaniyang katawan.
"Sorry, hindi ko kailangan ng kausap." Sabi ko bago linagyan ng alak ang baso ko. Ang kailangan ko ngayon ay alak! Alak, para makalimot ng sakit.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...