Kabanata 17

1.2K 81 14
                                    


KINABUKASAN. Maaga akong nagising. Nagbabasakalaing makita ko iyong kwintas ko. Matapos kong bumagon at mag-inat inat ng bahagya lumabas ako para pumunta ulit sa pool kung saan ko nahulog ang aking kwintas. Nadatnan kong lumalangoy si Jared doon pagkadating ko. Nang ganito kaaga?

Napalunok ako ng makita kong umahon na siya. Naglakad siya sa hagdan paalis ng pool. Kahit anong pilit na pagsaway ko saking sarili na huwag siyang tingnan hindi ko magawa. Napatingin siya sa gawi ko ng maramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya.

Pumihit siya patingin sakin habang nagpupunas ng towel sa kaniyang basang buhok at katawan. Nakatopless siya at nakikita ko ang malapandesal niyang abs. Juice Colored! Ito ba yung sinasabi nilang tingin palang ulam na? Napakagat labi ako ng bumaba ang tingin ko sa abs niya bago lumingon sakin. JuiceCo! Alam niyang tinititigan ko siya. Pahalata ka naman kasi ng bongga Venice!

Napangisi siya. Biglang uminit ang aking mukha at nag-iwas agad ako ng tingin. Nakakahiya!

"Enjoying the view?" Makahulugang sambit niya. Nakangisi na.

"Di ah. Asa!" Pumihit ako paalis ng pool. Alam kong nakita niya kung gaano kapula ang aking mukha.

"Hey wait," sambit niya at namalayan ko nalang ang paghawak niya sa kamay ko para hindi ako tuluyang makaalis. Simpleng hawak niya palang nanghihina na ako. Pumihit ako paharap sa kaniya. Unti-unti kong tinaas ang aking tingin sa kaniyang mukha para magkatitigan kaming dalawa. Nagtataka akong tumingin sa kaniya ng linagay niya sa kamay ko ang kwintas ko na kahapon ko pa hinahanap.

"Nakita ko yan sa ilalim ng pool kanina at napansin kong suot-suot mo iyan kahapon." Usal niya. Parang biglang may humaplos sa aking puso dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun napapansin niya din pala ako kahit di halata? Yie. Kinikilig ako.

"Salamat! Kahapon ko pa ito hinahanap! Salamat talaga!" Sabi ko bago ko pinulupot sa kaniyang leeg ang aking kamay at yinakap siya. Hindi alintana kung basa siya o ano. Basta ang alam ko masaya ako at gusto ko lang siyang yakapin sa oras na ito.

"Jared?" Napatingin kaming dalawa sa babaeng tumawag sa kaniya. Napalayo bigla sakin si Jared pagkakita sa kaniya.
Napasimangot ako pagkakita sa kaniya. Siya iyong babaeng may dibdib. Ang kalandiaan ni Jared kahapon. Ang babaeng akala mo dyosa ang kung magfeeling. Iyong akala mo model.

Ano ngang pangalan niya? Nakalimutan ko na. Manthal? Anthal? Chaka? Ah ewan!

"Chantal, why are you here?" Tanong ni Jared. Oo nga pala Chantal nga pala ang pangalan niya.

Nagkibit-balikat siya habang lumalapit sa gawi namin. Feeling model talaga. Kumikimbot pa habang naglalakad. Nakashort lang siya at hapit na v neck t-shirt kaya naman hubog na hubog ang kaniyang magandang katawan.

Pasimple akong napatingin sa damit ko. Isang panbatang pantulog ang suot ko na may tulo pa ng laway. Mabilis ko iyong kinuskos dahil sa hiya. Bad breath pa mga ata ako dahil hindi ako nakapagmumog at toothbrush pagakababa ko dito sa pool. Pasimple akong huminga saking palad at napangiwi ako. Shet! Amoy laway na panis ako! Nanlumo ako at medyo lumayo sa kanilang dalawa. Wrong timing ka naman kasi Ate, eh. Kung mamaya ka pa sana dumating. Iyong tipong nakaligo na ako. Di sana may laban ako sayo. Kainis itong babaeng ito eh.

"Hindi pa kami umuwi. Dito kami nagpalipas ng gabi ng kapatid ko. By the way, sino siya?" Sabi niya habang nakaturo sa gawi ko.

Napakislot ako ng tumingin sakin pati si Jared. "Venice Martinez, from class E." Sambit ni Jared at pinagpatuloy ang kaniyang pagpupunas. Napa 'Oh' si Chantal. At biglang nag-isip tsaka napangisi.

"Natatandaan kita," sabi niya habang nakaturo sakin. Kagatin ko yang daliri makita mo. May paturo-turo ka pang nalalaman diyan, tss.

"Ikaw ang nagbigay ng love letter kay Jared na hindi niya tinanggap, right?" Hindi left, tss. Talaga bang kailangan niya pang ipaalala iyon?

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Napatingin siya kay Jared nagtatanong ang mga mata kung may masama ba siyang sinabi. Nagkibit-balikat lang si Jared bago nagkalakad patungo sa table kung saan nakapatong ang kaniyang cellphone.

Ngumisi si Chantal sakin ng makalayo saming dalawa si Jared. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka pabalik ulit. Bakit parang kumukulo ang dugo ko sa kaniya? Bakit parang feel kong tirisin siya?

Lumawak ang kaniyang pagkakangisi. "Hindi ka naman kagandahan. Akala ko may kalaban na ako." Sabi niya wearing a plastic smile.

Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit gigil na gigil na akong saktan siya. Kapal ng mukha niya. Ginawa ko din iyong ginawa niya sakin. Kung papano ang pagkakatitig niya sakin kanina ganoon na ganoon din ang ginawa ko. Anong akala niya hindi ako marunong mataray? Heller! Akala niya lang iyon.

Nginisian ko din siya. "Alam mo may kamukha ka," sabi ko.

"Sino si Liza Soberano?" Nagflit pa siya ng hair at napangisi.

"Hindi." Sabi ko tsaka umiling. "Mas kamukha mo ang inaalagaang aso ng kapitbahay namin." Sabi ko bago sabay irap sa kaniya. Nakita kong naoffend siya sa sinabi ko. Wala akong pakialaman. Feeling ko hindi talaga kami magkakasundo ng babaeng ito.

Tinitigan niya ako ng masama. Tinitigan ko din siya ng masama pabalik. Anong akala niya papatalo ako ng titigan sa kaniya? Asa!

"Hey let's go," sabi ni Jared at naglakad na palayo samin. Hindi ko alam kung sinong sinasabihan niya saming dalawa nitong mahanging Chantal na ito pero dahil malakas ang kutob ko na ako iyon sumunod ako sa kaniya.

Ang lapad pa ng ngisi ko kay Chantal habang sinusundan ko si Jared. Ano ka ngayon? Bwahaha Nakitang kong pinaningkitan niya ako ng tingin. Nagflit lang ako ng hair sa kaniya. Nang biglang tumigil si Jared bago tumingin sakin.

Nakita niya akong nakasunod sa kaniya at napakunot-noo siya. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero dineadma lang ako. Tss. Sungit.

Dumiretso ang tingin niya kay Chantal. "Hey, I said let's go. Akala ko ba manghihiram ka ng aklat?" Taka niyang sabi. Napalingon ako kay Chantal na biglang umaliwalas ang mukha.

Okay, so hindi pala ako iyong yinayaya niya?

"Okay! Wait for me!" Nakangiti nang sabi ni Chantal. Hindi rin siya excited sa lagay niyang 'yan ha. Halos takbuhin niya ang pagitang layo namin ni Jared sa kaniya.

"Let's go," yaya niya kay Jared matapos niyang makarating sa tabi namin.

Tumango si Jared bago naunang maglakad paalis. Naiwan akong nag-iisa. Hindi na ako nag-abalang sumama. Para saan pa diba? Napalingon si Chantal sakin at ngumisi. Ngali ngaling ibato ko sa pagmumukha niya itong tsinelas na suot ko sa inis. Madapa ka sana! Grr

At sa huli, wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto para makapaligo na.

After breakfast. Sabay sabay kaming nagligpit ng damit at nagpaalam kay Francis bago umuwi. Nakarating ako sa bahay na pagod na pagod ang aking pakiramdam.

Deri-deritso akong pumasok ng apartment. Bakit walang tao? Pumunta akong kitchen at linibot ko ang living room pero ni anino ni Papa hindi ko nakita..

Ang pagkakaalam ko naunang umuwi sakin si Jared sa akin. Alam niya kaya kung saan si Papa?

Lumabas ako ng apartment tsaka sinilip ang apartment ni Jared. Nagdoorbell ako kaso walang sumagot. Pinihit ko iyong seradula ng pinto at napag-alaman kong bukas pala iyon. Pumasok ako doon at tinawag si Jared kaso wala naman siya pero narinig ko ang paglagaslas ng tubig na nanggagaling sa banyo mula sa kaniyang kwarto.

Siguro naliligo si Jared. Hihintayin ko nalang siyang makalabas para itanong kung nasaan sina Papa. Pumasok ako ng kwarto niya tsaka linibot ko ang paningin ko sa kaniyang kwarto. Napakalinis ng kwrato niya walang alikabok. Dinaig pa ang kwarto ko. Iyong mga gamit niya nasa ayos lahat at ang bango pa.

Napatingin ako sa kaniyang kama bago umupo doon. Ang lambot! Nahiga ako tsaka yinakap ang unan na malapit lang sa tabi ko. Amoy Jared. Ang bango bango. Pinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Note:

I will update tomorrow. :)

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon