Congratulations RheaMoranoEsberto at litamarie16 ^^ Kayo po yung nanalo sa pacontest ko.^^ Hintayin nyo po yung message ko.Bagong Bahay is the correct answer!!
Salamat din po sa mga sumali.^^
Happy Independence Day!!^^
===============================
♡♡♡
VENICE's Point Of View
THIS is it! Walang nang ayawan 'to. Totohanan na talaga 'to. Hindi ako mapakali at para bang sinisilihan ang pwet ko sa kaba. Hindi talaga mawala ang mabilis na pintig ng aking puso sa tindi ng aking kabang nararamdam ngayon. Para bang mas malakas pa ang dagundong ng aking dibdib sa dagundong ng music sa buong gymnasuim ng school.
"Oh my gosh! Venice? Is that you?" Sabi ni Jess ng maabutan niya ako sa back stage na nagreready na. Kasama niya sina Francis at Nicole na nakatitig lang sakin.
Napakunot noo ako. "Mukha ba akong ewan?" Tanong ko nang hindi nila lubayan ang mukha ko. Nagkatinginan silang tatlo bago tumingin ulit sakin. "Ang ganda mo!" Talagang sabay sabay nilang sabi.
Nawindang naman ako sa kanila. "Wee di nga?" Hindi pa din ako makapaniwala.
"Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin?" Ani Nicole. Wala namang gaanong linagay na make up sakin yung bakla. Ang totoo nga niyan 30 minutes niya lang akong inayusan. Binuhaghag niya ang mahaba kong buhok na pinasalon namin ni Tita Tina kagabi. 'Yon lang naman ang ginawa nung nag-ayos sakin. Hindi ko alam kung OA lang talaga makareact yung tatlo.
"Hindi pa." Wala kasing salamin dito sa backstage. Hinahayaan ko nalang si Lottie (yung nag-aayos sakin) sa lahat. Pinaubaya ko na ang mukha ko sa kaniya.
"Oh gosh! Kaya pala. Kailangang mong makita dali." Excited na sabi ni Nic tapos hinila ako sa loob ng restroom. Mabilis niya akong pinaharap sa salamin. Halos hindi ko makilala ang aking sarili. Ito? Ako ba talaga to? Bakit, parang ang ganda ko?
"O, diba? Simpleng gandang hindi mo inakala. Ang ganda mo talaga, May!" Sabi ni Jess.
"Tama na yan girls. Pinapaready na ang mga candidates." Sabi ni Lottie na kung hindi pa ako pinuntahan sa restroom hindi pa talaga ako aalis.
"Good luck, May! Kabugin mo lahat ng kalaban mo." Sabi ni Nicole.
"Yung pose at smile ha. Be yourself. Kaya mo 'yan." Nakangiting sabi ni Jess. Ngumiti ako sa kanila. Nag-uumapaw ang saya ko sa suporta nila sakin. "Thank you!" Masaya kong sabi.
"Oh sya oh sya. Punta kana doon. Babalik na din kami sa upuan namin." Sabi ni Jess. Tinawag na ni Nicole si Francis na nakikipag-usap kay Jibbson na talagang makisig ngayong gabi sa suot niyang jeans at white shirt na walang manggas."Good luck, Venice! Ichecheer namin kayo ni Jibbson." Sabi ni Francis.
"Salamat." Nag-uumapaw yung saya ko dahil sa suportang natatanggap ko sa kanila. Nagpaalam sila samin at naghanda na kami sa backstage.
Pero bigla atang sumalakay yung kabang naramdaman ko nung masilip ko yung tao sa buong gymnasium. Punong puno at malakas na naghihiyawan.
Napakapit tuloy ako sa braso ni Jibbson. Tumingin siya sakin tsaka tumawa. Tiningnan ko siya.
"Jibbson, hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko habang naghihintay kami ng announce ng emcee.
Napalingon siya sakin. "Medyo." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Hayran Kurgu[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...