SK2: Jibbson and Jessica

987 61 30
                                    

Special Kabanata 2: Jessica Alcantara and Jibbson Ramirez

====================================

Warning: SPG

True Love

~×~

JESSICA's POV

4 years ago.

Mahirap makitang nasasaktan yung taong mahal mo.

Mahirap makitang umiiyak siya dahil sa iba.

Pero, mas mahirap na hindi mo maamin sa kaniya na mahal mo siya.

Masakit. Nakakainis. Pero yon yung totoo.

Kaya bago pa ako mawalan ng lakas ng loob umamin na ako. Ayokong kipkip tong nararamdaman ko sa kaniya. Gusto kong magpakatotoo na. Sawang sawa na ako sa kakatago.

Hindi niya man tanggapin na gusto ko siya at hindi niya man suklian I don't care. Basta masabi ko sa kaniya tong nararamdaman ko okay na.

"May sasabihin ka Jess?" Tanong niya habang nandidito kami sa likod ng gymnasium.

Tumango ako. "Ano yon?" Aniya.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago siya diretsong tiningnan sa kaniyang mga mata. "Mahal kita," sabi ko.

Nanlaki yung mata niya bago napatitig sakin. "Nagbibiro ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

Umiiling. Mukha ba akong nagbibiro ng sabihin kong mahal ko siya?

"Hindi ako nagbibiro. Mahal talaga kita Jibbson. Dati pa. Hindi ko lang sinasabi sayo dahil ayokong lumayo ka sa akin. Pero buo na ang desisyon ko ngayong ipagtapat sayo ang nararamdaman ko." Sabi ko.

Umiiling siya. "Alam mong mahal ko si Venice." Mahina niyang sabi. Alam ko yon. Kahit na hindi pa isampal sa akin ang katotohanang yon alam ko naman. Kitang kita naman kasi sa kilos niya at galaw na hindi ako ang mahal niya kundi si Venice.

"Alam ko. Gusto ko lang namang malaman mo ang nararamdaman ko kaya ko to sinasabi sayo." Nakatitig sa mga mata niyang sabi ko.

Tumango siya bago tumaas ang kamay niya sa ulo ko bago niya rinub yung buhok ko na parang bata. "Salamat, pero hindi ko mababalik ang nararamdaman." Sabi niya. Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi niya. Alam ko walang pag-asa na maging kami pero ito pa rin ako ay nagbabasakaling umaasa na baka sa huli meron paring kami.

Pagkatapos ng pangyayaring yon hindi na kami masyadong nag-uusap ni Jibbson. Oo, sumasama pa rin kami sa mga lakad ng barkada para hindi sila makahalata.

Hanggang sa isang araw narinig ko mula kay Nicole na nagconfess na daw si Jibbson kay Venice. Sobrang kaba yung naramdaman ko nung mga araw na yon. Sinundan namin yung dalawa at narinig naming lahat lahat ng sinabi nila sa isa't isa.

Gusto kong maging masaya dahil hindi siya sinagot ni Venice pero hindi ko din naman mapigilan na maging malungkot dahil lungkot na makikita mo sa kaniyang mukha. Unang umalis si Nicole kesa sa akin kaya nagawa kong sundang mag isa si Jibbson.

Nakarating siya sa isnag bar at doon nagpakalasing.

Pangilang order niya na ba yan ng alak? 20? 25? 30? Hindi ko na mabilang sa dami.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon