Thank you HamitafAli <3!☜☆☞
JARED's Point Of View
MALIKOT at ungol na nanggagaling sa katabi ko ang nagpagising sakin. Napamulat ako at napatitig sakin katabi na mahigpit na nakayakap sakin na animo linta. Kailan pa iyan tumabi sakin? At bakit siya gumawa ng ganiyang ungol? Problema ng babaeng 'to?
Inis na inalis ko ang kamay niya na nakalingkis saking leeg. Balak ata akong patayin ng babaeng 'to. Napanganga ako ng ilapit niya pang lalo saking katawan ang kaniyang katawan. Dammit!
Mabilis ko siyang tinulak. Mabilis din akong napatayo saking kama ng malayo siya sakin. Nakanganga siya habang natutulog pa din. Tulo pa laway niya. Napatingin ako sa braso kong may tulo ng kaniyang laway. Oh shit!
Hindi ko na pinagkaabalahang amoyin iyon at tumungo na ako sa banyo para mahugasan ang braso ko. Narinig ko pa ulit ang kaniyang ungol bago ako tuluyang makapasok sa banyo. Kinilabutan ako sa tuno ng kaniyang pagkakaungol. Mabilis na pinunasan ko ng foam ang aking braso at sinabon iyon ng safeguard para alis lahat ng germs.
Pagkatapos kumuha ako ng balde at pinuno yon ng tubig. Dinala ko iyon pagkalabas ko ng banyo. Tulog pa rin ang magaling na babae at walang tigil ang kaniyang nakakapanindig balahibong ungol at pilig ng ulo.
Lumapit ako sa kama dala dala ang isang balde ng tubig at sinaboy iyon sa kay Venice. Mabilis siyang napamulat at napaupo saking kama habang nakatingin sa'kin.
"J-Jared? Bakit ka may suot na damit?" Taka niyang usal.
Napakunot-noo ako. "Kanina pa ako may suot na damit."
"Huh?" Nalilito niyang pakli. "Katabi lang kita kanina dito sa kama tapos naghubad ka.. tapos..." what the hell? So ako yung napapanaginipan niya ganoon? Napatingin siya sa kaniyang sariling saplot sabay..."AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
"Stop!" I hissed. Walang effect. Sa inis ko sinabuyan ko ulit siya ng tubig para tumigil. Napatigil siya sa pagsigaw. Okay, that's good.
Napatingin siya sakin at napatitig siya sa baldeng hawak hawak ko. Tumaas ang tingin niya saking mata. "I hate you," sabi niya.
Pinagkibit-balikat ko lang iyon. I really don't care though. "Nakakainis ka! Akala ko totoo na! Badtrip ka!" Inis niyang sigaw. Okay. She's cute when she bet mad."Dapat hindi mo ako sinabuyan. Ginising mo nalang sana ako." Sabi niya pa.
"Sinabuyan kita para magising ka. That's my way when I wake up someone."
"Whatever!" Inirapan niya ako tsaka niya kinuha yung unan niya at nagmartsa paalis.
"Pwede mo naman kasi akong halikan nalang sa labi para magising," mahina niyang bulong habang papalabas.
Napailing ako. No way!
VENICE's Point Of View
"ANONG klaseng ulam iyan?" Napakagat labi ako ng ituro ni Jared ang itlog at hotdog na prinito ko para sa kaniya.
"Uhm.. itlog at hotdog..?" Mahina kong usal tsaka napakamot saking ulo.
"Stupid! Alam kong hotdog at itlog iyan. Ang gusto kong marinig sayo ay kung bakit ganito ang pagkakaluto? Bakit puno ng egg shell iyang itlog at puno namang ng matika iyang hotdog mong hilaw pa."
Inis na linapag ko yung apron sa lamesa. "Kung ayaw mong kainin ang pagkaing hinanda ko sabihin mo hindi yung kung ano ano pang sinasabi mo," inis kong sambit bago umupo sa tapat ng mesa at kumuha ng kanin sa rice cooker.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...