Kabanata 39

1.3K 103 53
                                    

NAGMULAT ako ng mata at nakita ko kaagad ang kulay puting kisame. Napakunot-noo ako. Puting kisame? Kelan pa naging puti ang kisame ng kwarto ko? Peach iyon ah.

Napaupo ako saking kama at nagulat ako ng makita kong hindi sakin itong kumot na gamit ko.
Napatingin din ako saking damit. Isang polo na panglalaki! Napapikit ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ano nga bang nangyari?

Ang natatandaan ko kinaladlakad ako ni Jared palabas ng mini restaurant ni Papa tsaka nagkasagutan kami tapos.

Napahawak ako saking labi. Panaginip lang ba ang kiss? O, talagang hinalikan niya ako? Bakit niya naman ginawa 'yon? Napapikit ako ng biglang sumakit yung ulo ko at para bang minamartilyo ito. Mabilis akong lumundag sa kama dahil para bang masusuka ako anumang segundo.

Mabilis akong dumiretso ng cr hindi na ako kumatok at binuksan nalang iyon bigla. "Shit!" Dinig kong mura ng lalaking nasaloob n'on.

Halos mapanganga ako sa hubad niyang katawan at sa nakita ko.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Nakapikit kong sigaw at naramdaman ko nalang ang lamig ng tubig saking balat dahilan para mapatigil ako sa pagsigaw at mabalik sa realidad ang aking isipan.

"Get out!" Galit na sigaw ni Jared sakin namumula ang kaniyang mukha. Napatalikod ako at tumiririt ng takbo bago sa kaniyang kama at tumalukbong ng kumot.

Sinampal sampal ko ang aking sarili. "No. No. No. Wala akong nakita hindi ko iyon nakita. Whaaa." Sinubsob ko sa unan ang aking mukha dahil sa hiya na naramdaman ko. First time kong makakita ng ganoon. Whaa nakakahiya!

Hanggang sa hapag kainan hindi ko matingnan ng deritso si Jared. Uuwi na sana ako after kong makapagsorry sa kaniya pero hindi ako pinayagan ni Tita Tina na makauwi hanggat hindi ako nakakakain ng breakfast kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa hapagkainan kung saan katapat ko lag naman si Jared.

"Nabalitaan kong class A kana daw ah." Humahangang sabi ni Tita Tina sakin. Tumango ako sa kaniya. "Hindi ko din nga po iyon inaasahan, Tita."

Napaismid si Matthew. "Nangopya ka o kaya nagcheat ka kaya naging second to the highest ka for sure," masungit niyang sabi habang kumakain ng bacon.

"Matthew! Ano ka ba naman. Hanggang ngayon inaaway mo pa din ang ate Venice mo!" Sabi ni Tita Tina.

"Okay lang po iyon, Tita. Pagbigyan n'yo na po baka namiss niya lang ako." Nakangiti kong sabi.

Natawa si Tita. "Baka nga," napaismid naman ang masungit na si Matthew at nagcross armed pa. Marami pang tinanong sakin si Tita tungkol sa bahay namin at kinumusta niya din si Papa.

"Gusto mo ng hotdog, Venice? Kumuha ka lang." Ani Tita Tina tsaka linagay sa harap ko ang isang platong hotdog. Hindi ko alam pero bigla akong namula sa pumasok saking isipan.

Pasimple akong tumingin kay Jared at bigla din akong umiwas ng tingin ng makita kong nakatitig pala siya sakin. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa hotdog na nasa harapan ko. Pwede ko bang ilayo ito sakin? Iyong hindi makikita ng mata ko para hindi ako makaisip ng kaberdehan.

"Venice, wag mong titigan iyang hotdog. Hindi lang iyan tinititigan kinakain 'yan." Natatawang sabi ni Tita Tina. Nabulunan ako kaya mabilis kong naubos ang tubig na nasa tabi ko samantalang napaubo naman si Jared.

Bakit iba ang pagkainterpret ko sa sinabi niya?

"Okay ka lang ba, Venice?" Nag-aalalang tanong ni Tita. Ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang po."

Pinagpatuloy ulit namin ang pagkain nang hindi ko pansinin ang hotdog sa tabi ko si Tita Tina na mismo ang kumuha n'on at naglagay ng isang piraso saking plato. "Ayaw mo ba ng hotdog, Venice? Masarap yan, malaki din at mahaba kaya sure akong magugustuhan mo 'yan."

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon