Kabanata 26

1.4K 95 63
                                    

"1, 2, 3.. turn around! Post! Chin up! Then smile!" Ginawa ko yung tinuro sakin ni Jess.

"Yes! Perfect!" Masaya niyang sabi nung magawa ko lahat ng sinabi niya.

Tumingin ako sa kanila ni Nicole na nakatingin na din sakin. "Okay na ba 'yon?" Tanong ko. I think hindi ko iyon nagawa ng maayos. Nagthumbs up sakin yung dalawa. Nandito kami sa likod bahay nina Jess. Sa may pool. Tinuruan niya kasi akong magrampa ng maayos dahil bukas na ang pageant.

"Oo, ang galing mo nga, e." Ani Jess. Napaupo ako sa tabi nila at inalis yung heels na binili sakin ni Tita Tina ng isang araw. 5 inches ang taas nun.

"Ang lakas ng kutob kong mananalo ka sa pageant, May!" Masayang sabi ni Nicole sabay yakap sakin. Napanguso ako sa sinabi niya. Ayokong umasa na mananalo ako. Basta gagawin ko lang yung best ko bukas.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanila habang kumakain sila ng brownies.

"4:30." Simpleng sabi ni Jess na kinabilog ng mata ko. Hala! Mabilis akong tumayo bago nagpaalam sa kanila.

"Una na ako may practice pa kami, eh." Bakit ko ba kasi nakalimutan na may practice nga pala kami ngayon.

"Okay, pahatid ka nalang 'kay manong Edwin para makarating ka kaagad ng school." Ani Jess. Napatango ako sa kaniya at nagpatianod na. Nakakahiya kay Jibbson kapag nalate ako.

Nakarating ako sa gym on time. 5:00 talaga. Saktong sakto. Nandoon na lahat ng participants kasama si Jibbson na nakahalukipkip sa isang tabi at nakatitig sa kaniyang cellphone. Lumiwanag yung kaniyang mata pagkakita sakin.

"Sorry na late ako-" naramdaman ko nalang yung mahigpit niyang pagyakap sakin.
Napalingon ako kay Jared na mataman lang nakatitig samin ni Jibbson. Nag-iwas siya ng tingin at naging busy sa pagtali ng kaniyang sapatos.

"Akala ko may nangyari ng masama sayo. Pinakaba mo ako." Sabi niya.

"Sorry. Nakila Jess kasi ako at nagpatulong sa kanilang dalawa ni Nicole tapos hindi ko namalayan ang oras kaya nalate ako. Sorry." Hingi ko ng paumanhin.

Napailing siya. "It's okay. Ang mahalaga nandito ka na." Sabi niya at sakto namang dumating na si teacher Shy.

"That's it! That's it! Very good!" Pumalakpak si Shy matapos ang nahigit tatlong oras na pagpaparactice namin.

"Okay listen! Bukas 7:00 p.m ang start ng pageant. Gusto ko nandito na kayo bago mag 7:00 p.m, okay?"

"Okay!" Sagot naming lahat.

"Okay, pwede na kayong magpahinga. Good luck para sa inyo bukas."

Nagpasalamat kami sa kay teacher Shy bago nag-ayos ng aming mga gamit. Napaupo ako sa bleacher na hindi kalayuan sakin dahil sa pagod.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jibbson na ikinalingon ko sa kaniya. Sinundan niya pala ako. Napatango ako sa kaniya.

"Water?" Napalingon ako kay Jared na nagsalita habang inaabot sakin yung tubig sa harap ko. Wala siyang emosyon at inaabot lang talaga sakin yung isang bote ng tubig. Hindi ko tuloy alam kung kukunin ko ba 'yon o hindi.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon