MATTHEW's Point Of View
HINDI ako makatulog. Kahit anong gawing position ang gawin ko hindi ako dalawin ng antok. Kaya napagpasyahan ko nalang na tumayo at mag-ikot ikot.
Naglakad ako palapit kay mommy na mahimbing na ngayong natutulog. Pagkatapos kasing ianunsiyo ng doctor na okay na si Ate Venice wala humpay ang pag-iyak ni mommy sa sobrang saya.Lumapit ako sa kay Ate Venice na natutulog pa rin hanggang ngayon. Half open ang kaniyang mata at may apparatus pa ring nakakabit sa kaniyang kamay.
Gusto kong uminom ng coke. Lumabas ako ng kwarto at naghanap ng bilihan ng coke sa labas. Pero wala akong nakita kaya lumabas pa ako ng hospital. Tumingin ako sa mga tindahan pero pulos sarado naman kaya bumalik akong gutom sa loob ng hospital.
Pataas na sana ako ng hagdan ng mapansin ko ang isang batang babae na mag-isang kumakain sa isang bench. Ang dami niyang dala dalang pagkain. Ewan ko pero ng makita ko siyang kumakain bigla kong naramdaman ang matinding gutom.
Lumapit ako sa kaniya. Pwede naman niya siguro akong bigyan kahit kakaunti lang diba? Kung ayaw niya naman pwede ko namang bilhin nalang iyon sa kaniya.
Umubo ako ng makalapit ako sa kaniya dahilan para tumingin siya sakin. Sabay pa kaming nanglaki ang mata ng magkatinginan kami.
"Arrogant boy?"
"Bobo girl?""Hey! Sinong sinasabi mong bobo?!" Nakapameywang niyang sabi. Hindi ko alam na makikita ko siya sa lugar na ito. Siya iyong taga class F na nagbigay sakin ng sulat na hindi ko tinanggap.
"Ikaw." Walang gana kong sabi.
"Kapal mo. Hindi ako Bobo no! Hindi porket hindi makasagot ng math problem bobo na palibhasa matalino ka lang." Sabi niya punong puno ng pagkain ang bibig kaya tumatalsik ang pagkain niya sa akin. Kadiri talaga 'tong babaeng 'to.
"Hindi ka ba tinuruan ng manners ha? Lunukin mo nga muna iyang kinakain mo bago ka magsalita."
"Ikaw kasi eh. Badtrip ka!" At ako pa ang badtrip ngayon?
"Diyan ka na nga." Di na ako manghihingi ng pagkain baka mahawaan pa ako ng kabobohan niya maganda na ang maingat.
"Hindi ka pa nagugutom?" Tanong niya. Nakakatatlong hakbang palang ako noon.
"Kanina. Pero nawalan ako ng gana ng makita kita." Pinaningkitan niya ako ng mata. "How dare you!" Inis niyang sabi at sinugod ako. Akala ko hahampasin niya ako pero lumapit lang pala siya sakin para ibigay ang dalawang sandwich at isang coke in can sa aking kamay.
"Sa'yo na. Hindi ko na maubos. Nawalan na ako ng gana ng makita kita. Hmp!" Aniya sabay takbo. Napatunganga nalang ako sa kinatatayuan ko. What was that? Ang labo!
Makalipas ang ilang minuto bumalik na ako ng kwarto namin. Doon ko nalang kakainin tong binigay ni Bobo girl. Malapit na ako sa kwarto at kabubukas ko na ng pinto ng makita ko si Kuya Jared na nakatayo sa kama ni Ate Venice.
"Kuya Jared---" nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
VENICE's Point Of View
NAGISING ako sa higpit ng pagkakahawak ng isang bagay sa kamay ko. Iminulat ko ang aking mga mata at puting kisame nag aking namulatan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at hindi ako pwedeng magkamaling nasa loob ako ng hospital dahil sa mga apparatus na nakikita ko.
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...