Kabanata 11

1.3K 85 26
                                    

VENICE's Point Of View

HAPON. Naipagpasalamat kong may meeting kami kaya hindi ko makakasabay ng uwi si Jared. Nakalimutan kong kasali pala ako bukas sa games sa school fest. Pass the baton with hurdles iyong sinalihan ko kasama sina Jess, Nicole, Francis at Jibbson. Kami lang kasi iyong tinuro ng mag kaklase namin na sumali sa larong iyon dahil mahirap daw. Hindi na nga sana ako papayag na sumali doon pero iyong prize kasi eh. Wrist watch daw, eh birthday pa naman ni Jared this coming month.

Isang oras din iyong tinagal ng meeting sobrang dami kasing angal nang iba kong kaklase. Gusto raw nilang makipagpalitan ng laro sa iba. Sa inis ni Sir Hans pinagalitan kami ng bongga. Parang iyong ex niya lang daw kami. Kesyo, hindi daw kami makuntento sa isa at naghahanap pa talaga ng iba.

"Mauna na ako sa inyo," paalam ko kina Nicole at Jess. Magkaibang deriksyon kasi iyong dadaanan naming tatlo.

"Sige, ingat sa pag-uwi," sabi nilang dalawa. Ngumiti ako sa kanila at nag-umpisa nang lumakad paalis.

Pagdating ko sa bus station sakto namang papasara palang ang pinto ng bus kung saan nandoroon si Jared. Napatingin siya sa akin. Nagtataka. Siguro kung bakit gabi na kao pauwi? Una, akong nagbawi ng tingin at umupo sa bench na nandoroon para maghintay ng isa pang biyahe. Mabuti na nga sigurong lumayo ako sa kaniya. Hindi ko siya kakausapin para hindi niya maisip na nakakagulo lang ako ng buhay niya.

After 30 minutes, dumating na din iyong isang bus na biyahe sa aming lugar. Doon na ako sumakay para makauwi. Saktong 8:30 p.m nang makauwi ako ng apartment pagod akong naglakad palapit sa pintuan nang makasalubong ko si Jared na para bang naghihintay sa akin.
Hindi ko siya pinansin at deridertso lang ako sa pagbukas ng pintuan ko. "Hanggang kailan mo ako balak iwasan?" Sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya at nakasalubong ko ang kaniyang tingin. Inirapan ko siya."Hanggang sa makunteto ka. Iyon naman talaga ang gusto mo diba? Ang iwasan ka at hindi ka kausapin. Kaya wag kang mag-alala gagawin ko ang gusto mo." Sabi ko at hindi ko na din hinintay pang makapagsalita siya at derideritso na ako sa paglakad papunta sa room ko.

Iyon naman talaga ang gusto niya diba? Sabi niya iyon? At ito na ginagawa ko na. Wala nang Venice na nanggugulo sa kaniya. Pagkapasok ko ng kwarto agad akong nahiga saking kama. Sobrang pagod ang aking naramdaman kahit na wala namang masyadong nakakapagod akong ginawa. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN.

Towel (check)
Water (check)
Powder (Check)
Short (check)
P.E t shirt (check)

Dinouble check ko pa kung talagang nadala ko lahat ng kailangan kong dalhin. "Halika kana Venice aalis na tayo," yaya sakin ni Papa. Sasama kasi sila sa school fest namin ngayon para raw magcheer sa amin. Napakasupportive talaga ni Papa. Pati si Tito Matt umabsent sa trabaho para lang mapanuod kami kasama sina Tita Tina at Matthew.

Saktong 8:00 a.m nagsimula ang palaro ng school. Una ang Volleyball games. Susundan ng hurdles, marathon at huli ang pass the baton with hurdles.

"Class, sinong pwedeng pumalit kay Kyla sa hurdles?" Tanong ni Sir Hans samin.

"Bakit Sir? Wala po ba si Kyla?" Tanong ni Nicole.

"May sakit siya at hindi makakalaro. Sinong pwedeng pumalit sa kaniya? Iyong pwedeng tumakbo ng mabilis." Sabi ni Sir.

Lahat ng kaklase ko nagsipagbulungan kung sino ang pwedeng isabak.

"Si Venice, Sir!" Sigaw ni Jessica. Paktay! Bakit ako? Tiningnan ko ng masama si Jess. Binato ko siya ng tumigil-ka-diyan-kung-ayaw-mong-masabunutan look. Ang gaga ngumisi lang sakin ng nakakaloko. "Oo nga Sir, si Venice po pwede 'yan. Yakang yaka niya 'yan Sir." Pagsang-ayon pa ni Nicole. At talagang pinagkampihan ako ng dalawang lokang ito.

"Miss Martinez, ikaw na ang ipanglalaban natin sa marathon. Okay lang ba sa iyo iyon?" May magagawa pa ba ako Sir? Gusto ko sanang sabihin pero napigil ko ang aking sarili. Ayokong maging bastos sa harapan ni Sir Hans.

"Okay po, Sir." Wala sa sarili kong sabi. Bahala na mamaya.

After kong umoo kay Sir umalis na din siya. Nagawa ko tuloy kurutin iyong dalawang katabi kong demonyita. "Kayong dalawa ha."

"Bakit?" Natatawa nilang sabi. Binigyan ko sila ng sobrang taray na irap. Humanda talaga kayo sa akin next time.

"Calling the attention of the participants for the hurdles. Please proceed to the ground now. " Ani ng announcer na dumagundong sa buong school.

This is it pancit! Mabuti nalang talaga alam ko itong laro na ito dahil nilalaro ko ito dati mula elementary ako.

"GO VENICE!!!" Sigaw ng class E. May flag pang winawagayway si Jibbson kung saan makikita iyong Go Class E! Hindi din talaga halatang pinaghandaan nila ito.

"GO VENICE!!" Sigaw naman nina Tita Tina sakin. Napatingin tuloy ako sa gawi nila. Kumaway si Papa sakin at nagthumbs up. Kasama nila si Jared doon sa lilim.

"Okay! Get Ready participants!" Sabi ng announcer.

Humanda ako sa pagtakbo. "In 1..,2...., 3...., Go!" Mabilis akong tumakbo.

Pangalawa ako sa nauuna. Gusto ko sanang magovertake sa kaniya pero binablock niya iyong daan. Nice try.

Takbo lang kami ng takbo hanggang isang ikot nalang ulit sa ground. Nagfull speed ako. Bahala na. Gusto kong manalo para ito sa class E! Halos pantay na kami nang nangunguna ngayon. Nagkakatalo lang dahil sa mga hurdles na nakaharang. Malapit na kami sa finish line nang biglang may batang humarang sa daan ko. Muntik ko na siyang nabangga kung hindi lang ako lumihis ng deriksyon. Pero sa paglihis ko tumama iyong paa ko sa malaking bato.

Napahiga ako sa semento habang nakahawak saking paa na iniinda ang sakit ng pagkatama nito.Trinay kong igalaw iyong paa ko pero masakit. Maraming audiences iyong nagulat sa nangyari sa akin at hindi ko namalayan na may humawak sa braso ko at kinarga ako ng parang pangbride.

Marahas akong napatingin sa kaniya.

Jared!?

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon