1 WEEK LATER. SEMBREAK.ITO na ang matagal kong inaantay. Iyong magigising ka ng kahit anong oras mo gusto. Iyong walang alarm clock na manggugulo sa panaginip at umaga mo. Iyong tipong tuloy tuloy lang ang paghimbing mo. Iyong wala kang inaalalang bukas para gumawa ng mga homeworks at projects. This is it, Sembreak!!
"Agh! Bored" bulong ko habang paulit ulit na linilipat ang mga channels ng t.v. Wala akong magawa kundi ang manuod ng manuod dahil wala namang pasok. Nanunuod na ako movie nang biglang magvibrate ang cellphone ko.
Calling....
Besh NicoleBakit kaya tumatawag to? Hininaan ko muna iyong volume ng t.v bago ko sinagot ang tawag.
"Hello,"
[Hello, Venice]
"Napatawag ka, Nic." Bakit kaya siya tumawag? May problema kaya?
[Yayain ka sana namin magswimming kung hindi ka busy. Gusto mo bang sumama?] Swimming?! Wow! Gusto ko iyan! Okay naman na iyong paa ko eh.
"Swimming? Ngayon na ba iyan?" Taka kong tanong. Hindi ako prepared.
[Mamaya pa naman. Mga 4:00 p.m sa Bojeador Resort. Tinawagan lang kita para matanong kung sasama ka.]
"Okay, 4:00. Sige sama ako diyan." Masaya kong sabi. Wala naman akong gagawin ng ganoong oras eh.
[Okay. Susunduin ka nalang namin diyan sa inyo mamaya.] Sabi ni Nicole bago nagpaalam sakin.
Matapos ang tawag niya pinatay ko na din iyong t.v bago pumunta ng aking kwarto. Naghanap ako ng pwedeng pangswimming pero wala naman akong nakita kundi ang maiksing short at t-shirt ko. Ito nalang kaya ang suotin ko? Wala naman sigurong code swimsuit doon sa resort na pupuntahan namin.
Tok Tok Tok
"Venice, nandiyan ka ba sa loob?" Dinig kong sabi ni Tita Tina.
"Opo, Tita bukas po iyan." Balik kong sagot.
Naghanap pa ako ng pwedeng maisuot pero wala na talaga akong mahanap na swim suit. Bahala na nga. Hindi naman siguro swim suit iyong titingnan nila doon. Hindi naman siguro swim suit party iyon. Tama! Maliligo ka doon MayMay hindi rarampa kaya kahit t-shirt at shorts ang isuot mo okay na okay lang.
Naramdaman kong bumukas ang pinto ng aking kwarto bago pumasok doon si Tita Tina na may dala dalang brownies at juice. Parang biglang nagningning ang aking mga mata pagkakita sa brownies ni Tita Tina. Bakit ba? Paborito ko talaga ito.
"Dinalhan kita ng brownies baka nagugutom kana." Sabi ni Tita.
"Talaga po? Akin po talaga itong lahat?" Taka kong tanong ang dami kaya nito.
"Oo, ginawa ko iyan para sa future-daughter-in-law ko." Natatawang sabi ni Tita.
"Talaga po Tita? Thank you po." Aw! Sobrang natouch naman ako sa kaniyang sinabi. Ang bait talaga ni Tita. Sobrang saya ko talaga kapag siya ang naging biyenan ko.
Kumuha ako ng isang brownies at kinain iyon. "Ang sarap talaga nito, tita." Sabi ko sabay thumbs up sa kaniya. Napangiti siya sakin. "Mabuti naman at nagustuhan mo. By the way, may ginagawa ka ba at nakakulong ka dito sa kwarto mo?"
BINABASA MO ANG
The Unrequited Love (MayWard Fanfic)
Fanfiction[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang nobodyng babae na malaki ang paghanga kay Jared. Pero nagbago lahat ng kaniyang pananaw kay Jared p...