*Chapter 1: Meeting You

5.4K 71 15
                                    

PRODIGAL Son Bar. One of the hottest bars in town. Leslie stared at the red glowing neon sign above with a heavy heart. Kasalukuyang nasa loob ng bar ang lalaking hinahanap niya. Kanina pa siya kinakabahan. Kanina pa nanginginig ang kanyang mga daliri.

Oh God! She groaned heavily, she's not gonna make it inside!

Kung nahihirapan siyang lumabas ng kotse, ang pumasok pa kaya sa loob ng bar ay kakayanin niya?

Hindi niya napapansing kanina pa pala nakatitig sa kanya ang driver na si Mang Celso. " Leslie, dapat ay nasa loob ka na ngayon baka hindi na magtatagal roon si Joshua, " anitong sinulyapan and suot na wristwatch.

"Kinakabahan ho ako Mang Celso, hindi kasi ako sanay sa ganitong uri ng lugar," ang paliwanag niya.

Napailing na lang ang matanda. "Okay, tatawagan ko na lang si Boss, sasabihin ko sa kanyang hindi mo naman pala kaya..."

Bago pa man nailabas ng matanda ang kanyang mobile fone, pinigilan na ito ng dalaga. " Sandali, lalabas na ho ako!"

She gathered her jittery nerves, I will do it! I will! Paulit-ulit niyang litanya sa sarili. She got out of the car. Mabagal ang kanyang mga hakbang pero tiyak ang patutunguhan. Bago pa man siya nakapasok sa pintuan ng bar, nilingon muna niya ang driver, nakangiti itong sumaludo sa kanya.

Malamlam ang liwanag sa loob ng bar. Pero sa katulad niyang hindi mahilig sa night life, may kadiliman ang paligid. Isang foreign country folk song ang kasalukuyang pumaimbabaw na tugtog sa paligid. Ten o'clock pa lang ng gabi, the place is already crowded.

Hinanap ng kanyang mga mata ang kalbong bouncer ng bar na pwede niyang mapagtanungan doon, just in case she has difficulty finding Joshua. Nakatayo ang kalbong bouncer malapit sa may entrance, nagmamatyag ang mga mata sa kabuuan ng club.

" Hello, pwedeng malaman kung saang table naroroon ngayon si Mr. Joshua Lubre?" aniya ng siya'y makalapit dito.

"Sa bandang kanan mo Miss. Iyong lalaking naka-upong mag-isa sa table number 6, " sagot ng bouncer.

"Thank you," tipid and ngiting pinasalamatan niya ito. Gumanti naman ito ng ngiti.

Wala na siyang sinayang na minuto, dumeretso na siya sa table ng lalaki.

Nang mapatapat dito, tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ahmm...may I sit down?" she asked sweetly.

Waring hindi siya narinig ng lalaki. Deadma! She's getting no response from him. Pero hindi rin naman siya pwedeng tumayo na lang at walang gagawin. May misyon siyang dapat isasakatuparan ngayong gabi. Kahit walang permiso, umupo na siya sa bakanteng upuang kaharap nito. Saka lang natauhan ang binata nang nagtama ang kanilang mga mata.

Their eyes locked and lasted for almost 10 seconds...

" Excuse me...W-who are you?" anang binata sa bored na tono ng pananalita.

Leslie, was speechless. The intensity of his gaze is like a fire burning deep into her charade, she blinked twice, unable to say anything...

" You're name woman!" he said impatiently.

"L-leslie," she stammered. " Hmmm, sorry nga pala na naabala kita. Am going to meet some friends tonight, I guess I came too early. Am looking for a vacant table but...as you can see I can't find any, so....can I stay here for a while, please..." nakikiusap niyang sabi.

Ngakibit-balikat lamang si Joshua. Sanay siya sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya. Lahat na yata ng pakulo o gimik ay gagawin ng mga ito para lang makuha ang kanyang atensiyon at mapalapit sa kanya. But this one looks different from the others. Wala siyang maaninag na seduction sa mga mata nito, mukhang nagsasabi ng totoo ang babaeng kaharap.

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon