*Chapter 2: See you again!

2.6K 36 4
                                    

ONE WEEK AFTER THE INCIDENT, hindi pa rin maiwaksi ng binata sa isipan ang misteryosang dalaga na nakasama niya sa motel. There's something about her... na gusto niyang matuklasan. Their picture together na kuha sa kanyang celfone ay ginawa na niyang screen saver sa kanyang laptop. 

He found himself thinking of her most of the time.

Lumabas siya ng silid at sinilip ang amang natutulog sa kabilang silid. Paralyzed na ito sanhi ng huling cardiac arrest na pinagdaanan. Nakapagsalita pa rin ito kahit papaano, bulol-bulol nga lamang. Wala pa rin ang kanyang Tita brenda, the second wife of his father. Nagpaalam ito na may pupuntahan lang daw sandali. Muli niyang isinara ang pinto ng silid ng kanyang ama.

Nagpaluto siya nang masasarap na pagkain dahil darating ang pinsan niyang si Mike. Tumungo siya sa may verandah ng mansion at nagpahangin. Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang kanyang pinsan lulan ng kanyang kotseng kulay asul na Ferrari.  Tanaw ito ng binata mula sa itaas.

"Pinsan, where have you been?" sita niya kaagad dito nang makarating na sa asotea ang bisita.

"Sorry Pinsan. Mayroon kasing problema sa negosyo namin sa Davao kaya biglaan 'yung alis ko."

Umopo silang dalawa sa malambot na sofa.

"Hindi mo ako sinipot sa Prodigal Son bar last week. Sana tinawagan mo man lang ako na hindi ka pala makakarating. I was there alone..."

Tumawa lang si Mike. "My apologies again, cousin...hayaan mo babawi ako next time."

"....though I wasn't really alone..." Mahina ang pagkabigkas ni Joshua kaya hindi gaanong narinig iyon ng kausap. He was thinking again of the mysterious woman inside the motel.

"Sana tinawagan mo na lang si Jasmine. She'll be eager to accompany you anytime and all the time..." Kinindatan ni Mike ang pinsan, tinutukoy niya ang last fling ni Joshua na patay na patay sa kanya.

"Actually, I was not really alone ng gabing iyon. I was with a beautiful woman." Sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "Yeah...am with Leslie," at nanumbalik ang lahat ng alaala ng gabing iyon.

Kumunot ang noo ni Mike. "Who is she-?"

"My mystery girl." Tumawa si Joshua. " I was drunk. She was there in the bar. Dinala niya ako sa motel. She sleep on the floor initially, then inilipat ko siya sa kama nang magising ako. The next time I open my eyes...nakayakap na siya sa akin. Then..."

Pa-suspense epek na sinadya talagang ibinitin ni Joshua sa ere ang sumunod na mga pangyayari...

"...then what-?" Nakangising untag ni Mike. Gustung-gusto niyang malaman lahat ng detalye.

Joshua shook his head many times as if regretting something. "Nothing really happens. Nothing..." Maaninag ang panghihinayang sa anyo nito.

"Wala? As in wala talaga?" Dismayadong tanong ni Mike.

"She's nice. Hindi naman niya ako inakit. She is not a flirty type of girl. Surprisingly, wala namn siyang motibong ganun. Kaya iginalang ko ang pagkababae niya..."

Kakaiba ang ngiting namutawi sa labi ni Mike. Now his seen the other side of his cousin. Akala kasi niya puro good time lamang ang laman ng utak nito. "So, friends na kayo ngayon ng mystery girl mo?"

"No, not really. Pangalan lang niya ang alam ko. I don't know where she lives. I don't even know how to contact her. She just vanished out of my sight with out even saying goodbye." Malungkot na salaysay ni Joshua.

"You seemed to be very interested in that woman, huh?"

Matagal bago nakapagsalitang muli si Joshua. "I do. She's different from the girls I used to know..." 

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon