*Chapter 7: Secret Revealed

1.3K 13 3
                                        

SKEEZO CAFE, almost thirty minutes nang naghihintay si Leslie kay Cecille sa loob ng cafe hindi pa rin ito dumating. Bruha talaga ang bababeng 'yon pinaghintay pa ako ng matagal! Inis niyang sabi sa sarili. Tumawag kasi ito kaninang umaga sa kanyang celfone at nag-set ng meeting na silang dalawa lang. Ayaw sana niyang makipagkita dito pero curious siya dahil nang tumawag kasi ito, celfone ni Joshua ang gamit. Muli na naman siyang inatake ng matinding selos.

One week lang ang hinihingi ni Leslie, hindi na nakapaghintay si Joshua! At muli nitong pinatulan ang 'ex' nito, grrr! kainis! Pero kahit papapano may natitira pa rin siyang tiwala sa nobyo. Gusto lang niyang makausap si Cecille nang harapan at makita kong nagsasabi ba ito ng totoo.

"Sabi ko na nga ba, you're coming." Ang tinig na 'yon ay galing sa kanyang likuran, kay Cecille.

Leslie did not reply, she waited for the other woman to take her seat.

"Kanina ka pa ba naghintay sa akin?" anito.

"You're very late Cecille," aniyang nagpupuyos ang kalooban.

"I wont say sorry for making you wait, Leslie. Kabayaran 'yan sa pang-aagaw mo sa akin kay Joshua."

Umarko ang kilay ni Leslie, hmmmp...immature talaga ang babaing ito! Parang maluwang ang turnilyo sa utak, ah! aniya sa sarili.

"Lol, para ka namang bata Cecille, get over it okay! FYI, when I meet Joshua, walang Cecille sa buhay niya. Kaya hindi ko siya inagaw sa iyo at kahit kaninuman for that matter. " Buwelta niya sa matigas na boses.

"Whatever...!" Inirapan siya nito. Then a malicious smile broke in Cecille's face. "You want to ask me why I called you through Joshua's celfone-?" Panimula nito.

"Bakit nga ba?" agad niyang tanong dito.

"I was in his condo last night. We're making love the whole night. It feels so good just like before. Magaling kasi sa kama at sa romansa si Joshua, di ba? " Nakangisi nitong kuwento.

Naaninag ni Leslie ang gustong mangyari nito, patayin siya sa inis! But she wont give her the satisfaction of seeing that in her face. She will hide the pain inside...

"Oo. He's good in bed. I agree to that. Pero hindi ako naniwala na may nangyari sa inyo kagabi. Joshua is not like that. Hindi niya iyon gagawin sa akin."

"....then why I'm using his celfone?" Pagtataray nitong sabi.

Hindi makaimik si Leslie. Could there be truth in everything she said? Four days na ang nagdaan since huli silang nagkita ng lalaki. Wala na siyang balita kung ano na ang pinagagawa nito.

"So what? Anong pakialam ko? "Tinarayan na rin niya ito.

"Palaban ka rin- ano?" anitong may galit na rin sa mukha.

Nagpakawala ng malalim na buntung-hininga ang dalaga. "Ano ba talaga ang sadya mo sa akin Cecille? Tapusin na natin 'ito."

"Nagmamadali ka yata? Gusto lang kitang makilala ng husto. Gusto ko lang makilala ng lubusan ang babaeng ipinalit ni Joshua sa akin. I find it hard to believe he fall for someone like you-?" 

"Blah...blah...blah," Iritadong usal ni Leslie."Stop wasting my precious time okay? You are so annoyingly boring to talk with. Halata namang you want Josh back, okay go ahead, I will give you one week to do just that, lure him back in your arms. if you succeeded then he is yours and if not then leave us alone!" Naghahamong sabi niya dito.

"Matapang ka rin-ano?"

"Just shut up Cecille!"

"Okay, I'll take it!" Game na pahayag nito.

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon