*Chapter 6: Meeting the 'Ex'

1.4K 23 9
                                    


DUMALO ANG MAGKASINTAHAN sa isang painting exhibit of various artist. Aliw na aliw si Joshua sa isang painting ng mga kabayo na naghahabulan sa gitna ng desyerto.

"Look at this one, Leslie. Maganda di ba?"

"Oo. Maganda nga ang concept at pagka-guhit nito," sang-ayon niya.

"I think...I will buy this one," anang binata.

Itinuro niya ang mga painting ng mga bulaklak sa bandang kanan. "Josh, doon muna ako sa painting ng mga bulaklak, nakaaya-ayang tingnan."

"Okay, go ahead."

Humiwalay na si Leslie sa binata.

Isang larawan ng rosas na kulay pula ang nakaguhit sa canvas ang siyang umagaw ng kanyang atensiyon. Lumulutang kasi ang rosas sa gitna ng mga naglalakihang alon sa dagat. Para bang nagsusumikap itong mabuhay sa gitna ng mga unos sa buhay. Does it represent her? She connects well with the painting.

Binasa niya ang pangalan ng pintor, Cecille Brillo. Napakahusay mong pintor, aniya sa sarili.

"Joshua!"

Tinig iyon na nagmumula sa isang babae.

At nang lumingon siya para alamin kong kanino galing ang boses na'yun, nagulat siya! Dahil ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay hindi lang basta kung sinong babae, kundi babae na maganda at sexy pa. At ang babaeng 'yun ay kasalukuyang mahigpit na nakayakap sa kanyang boyfriend! W-what the fuck!??? nayayanig niyang usal sa sarili.

Bumangon ang matinding selos sa kanyang dibdib! Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan nila.

"I'm with someone..."

Narinig niyang wika ng binata. Nakita rin niya kong paano nagmamadaling tinanggal ng lalaki ang naka-pulupot na mga braso ng babae sa kanyang leeg.

"Hmmm..." Tumikhim si Leslie nang mapatapat sa kanila.

Nang siya'y makita, ka-agad siyang ipinakilala ni Joshua sa  estrangeherong babae. "Meet Leslie, my fiancee."

Hindi maikailang nagseselos ang etrangherong babae. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya.

"I thought you were waiting for me. Ang bilis mo namang maka-recover Josh, pinalitan mo na agad ako." May himig pagtatampo sa boses nito.

Oh my, is she...the- ex?  

Cecillie Brillo ang ex-girlfriend ni Joshua? Biglang nagliwanag sa kanya ang lahat. Isa pala itong pintor.

"Hi...Cecille. I'm so glad to meet you. Napakahusay mo palang pintor!" Pero hindi na siya nakipagkamay dito, mahirap na baka hindi tanggapin nito ang kanyang kamay, mapahiya pa siya.

"Thank you," tipid nitong tugon.

Head to foot ang appraisal ni Cecille sa kanya. "I wonder why..."

Narinig niyang wika nito sa mahinang boses. Marahil pinupuna nito ang kasimplehan ng kanyang anyo at personalidad. No make-up and no jewelries.

"Nag-iba na pala ang taste mo sa babae, Josh." Matabang na komentaryo nito.

"Leslie is the one am looking for all this time. The only one for me." Hitik sa emosyong turan ng lalaki.

"W-where does it leave me?" she pouted.

"When you left for the states with out saying goodbye, tapos na tayo Cecille. Move on with your life because I already did." Mahina ang pagkasabi noon ng binata pero malinaw sa pandinig nilang tatlo.

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon